Chapter 27

4 0 0
                                    

"Manii! itlogg pugoooo!"

Agad na tumama sa tenga ko yun kaya nilingon ko yung taong pinagmumulan nun.

"Kuya!" sigaw ko sa kuya na nagtitinda ng Pugo.

"ah ikaw po pala. Kumusta na po? Salamat nga po pala nung nakaraan" sabi niya naman saakin. Ramdam kong nakatingin saakin si Dan pero wala akong balak na pansinin siya sa sobrang hiya ko parin.

"ok lang po yun." sabi ko nman at ngumiti.

"siyanga pala. Bat ka namumula? may sakit ka ba?" tanong naman ni Kuya saakin. kya nanlaki ang mata ko. Kanina pa ba ako namumula?

"wala po hehehe" sabi ko naman.

"ako po may gawa diyan" sabi ni Dan at inakbayan pa ako. Tumawa pa ang sira.

tinignan naman siya si Kuya.

"may nobyo kana pala" sabi ni kuya. Umirap naman ako at bahagyang natawa.

"hindi ko po nobyo yan.Nagfefeeling lang." sabi ko naman kaya natawa din si Kuya.

"siyanga pala Kuya. Nasaan po yung bata na nakita ko non?" tanong ko naman. Nag-isip naman siya.

"ah si Gelo ba? Nasa bahay po,binabantayan niya nanay niya" sabi naman ni Kuya. Napatango naman ako.

"Pwede po ba namin siyang makausap at ikaw na rin po." sabi ko naman. Tumango naman si Kuya.

"pwede po ba na hintayin niyo nalang kami dyan sa pagkapehan dyan? Pupuntahan ko po siya" sabi naman ni Kuya at napatango ako.

~•~•~•~•~•~•~•~•~

After few minutes. Dumating na din sila. Nag order na muna kami ng kakainin ng makakain.

"ano po bang pag-uusapan?" tanong naman ni Kuya saakin. Nakatingin lang din si Gelo. Gelo daw ang pangalan niya eh.

"ah eh ganito kasi po yun." inisip ko muna ang appropriate words. Ang hirap kasi magkamali eh.

"boy,gusto mo yumaman?" tanong ni Dan sa bata. Lumaki nalang ang mata ko. Inis ko siyang tinignan pero hindi na nakatingin saakin si Dan. Pati si kuya ay napatingin na kay Dan.

tumango naman yung bata.

"May ibibigay kaming trabaho sayo at simple lang to! kayang kaya mo!" sabi naman ni Dan. Nakangiti na siya sa bata. Tinaasan naman siya ng kilay ng bata.

"trabaho? hindi bat baka masyado siyang bata?" tanong naman ni Kuya.

"hindi po,hindi po kailangan ng age sa ibibigay namin" sabi naman ni Dan. Sumingit na din ako.

"Napansin ko po kasi na Gwapo ang anak niyo at malamodelo ang katawan kahit na bata pa." sabi ko naman. "gusto po namin siyang gawing model" sabi ko naman. Napalaki bigla ang mata ni Kuya. Tinignan niya si Gelo.

"Gusto mong maging model Gelo? Gusto mo maging astista?mabibili mo lahat ng gusto mo!" sabi ni Dan kay Gelo. Napangiti naman si Gelo sakaniya.

"basta po makakatulong ako kay Tatay dahil pinalaki niya ako ng maayos kahit hindi ko siya kadugo" sabi ng bata na nagpakunot ng noo ko.

Tinignan ko si Kuya at umiwas siya ng tingin. Hindi na ako nagtanong dahil parang hindi sila komportableng pag-usapan.

"oh sige,susunduin kita bukas ha. Tapos punta tayo sa house ni Ate Dea mo." sabi naman ni Dan habang nakangiti sa bata.

"Sinong ate Dea?" tanong naman niya.

"yung girlfriend ko" sabi ni Dan ng nakangiti kaya nilakihan ko siya ng mata. Pero tinawanan niya lang ako. siraulo amp.

"ate? ikaw si Ate Dea no?" tanong naman saakin ni Gelo.

"Ah eh oo" sabi ko naman at nginitian siya. Ginulo naman ni Dan yung buhok ni Gelo. Napabusangot si Gelo.

"kuya naman. Ayaw ko ng ginugulo ang buhok ko!" sabi niya ng nakapout. Natawa nalang kami.

"Ihahatid ko nalang po siya dito sa pagkapehan bukas." sabi ni Kuya kaya napatango nalang kami.

"Dadamitan ka namin ng maganda Gelo. Ayos ba yun?" tanong ko sakaniya at ngumiti naman siya saakin. Napatigil nalang ako at tinitigan ang mukha niya. May kamukha siya. Hindi ko lang alam kung sino.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

After an hour nakarating din kami sa mall. Pumasok kami at nakita namin sila Max at Mark. Tatawagin ko sana ng takpan ni Dan yung bunganga ko. Nilingon ko siya.

"bakit?" bulong ko

"teka,panira ka sa moment nila" sabi naman niya sakin. dun ko lang napagtanto yung sinasabi niya. Oo nga.

Sinundan namin sila.Ang weird lang kasi parang salita ng salita si Mark,samantalang si Max ay taga tango lang. Hindi ba siya nagsasawa na ganiyan kausap?

Maya maya pa,pumasok sila sa Penshoppe.
Pumasok din kami pero pumunta kami sa opposite side.

Nawala kila Mark at Max ang paningin ko dahil may nakita akong we bare bears. Shocks!!!. Ang gaganda!

Agad kong hinila si Dan.

"Bili tayo!" masigla na sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Gusto ko siyang damitan eh hahaha.

Kumuha ako ng maraming shirts. Iba iba. Polo and t-shirts. Iba ibang kulay,hindi ko alam bagay sakaniya eh.

Nang makuha ko na lahat ay hinila ko siya sa part ng dressing room. Nang nasa tapat na kami ng dressing room ay Ibinigay ko sakaniya lahat ng damit na kinuha ko.

"oh dali! pasok!." sabi ko at itinulak siya sa dressing room.

Naupo nalang ako dito sa labas para antayin siya.

after 1 minute,lumabas na siya.

ang una ay Polo na plain lang siya. Napailing ako kaya agad siyang bumalik sa dressing room.

Ngayon ko alang narealize,hindi niya bagay magpolo. Hays.

After ilang palit. Yung we bare bears lang talaga ang nagustuhan ko.

Nang nasa cashier na kami ay yung isang shirt lang ang napili namin hahaha.

"Ahm sir,may extra po na isa pang shirt yan. Pero para po sa girlfriend mo na" sabi ng nasa cashier na babae. Tinignan pa ako nung babae,pataas pababa. Parang nainsulto tuloy ako.

"Ah sige. Paki iba nalang ng paper bag. Thanks" sabi ni Dan at nginitian pa yung babae. Parang kinilig naman yung babae at Agad na inihiwalay yung paper bag.

nang iaabot na niya ay agad kong hinila si dan at ako ang umabot sa paper bags. Pasimple yung babae eh. gusto lang naman mahawakan kamay ni Dan.

"Sir btw? Pwede pong pa autograph?" sabi naman nung babae at Inilabas yung picture ni Dan na nasa kaniya na may sulat sa taas na The king vocal.

"sure" sabi naman ni Dan at agad na pinirmahan tapos ibinigay sa babae.

bago kami makalabas ay narinig ko pa yung tili nung babae.

"aabangan ko po concert niyo ulit!" Sigaw nung girl. Napairap nalang ako. Ano naman kung banda sila?. Bigdeal ba yun?. Tsk.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N.

Hi. See y'all next chapter! Thanks for reading! dont forget to vote!

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now