Anong ginagawa ni Dani Boy sa stage? At siya yung nakahawak ng mic. Kung titignan siya yung lead vocalist.
May katabi pa siyang Mic at nakatabi dun ay electric guitar.
"Anong ginagawa niya?" Tanong naman ni Shami na nasa tabi ko
"Ewan?" Tanong ko din.
"Mga pre, akyat na." Sabi naman ni Dani Boy. Napatawa nalang yung dalawang katabi namin na lalaki. Biglang tumapat ang spotlight sa dalawang katabi namin. Napahiyaw naman ang mga tao!.
Halos puro babae ang nanonood.
"Sorry, hahaha" sabi naman ni Mark saamin at tumawa sila ni Nico. Tumayo na sila at agad na umakyat ng stage.
Sinuot ni Mark yung electric Guitar at pumwesto sa tabi ni Dani Boy. Samantala nasa left side naman ni Dani si Nico na nakaupo sa drum set niya.
Wtf?.
"Simulan na natin!" Malakas na sigaw ni Mark. Ngayon ko lang napansin, wala yung headphone niya ngayon sa leeg niya. Himala.
Nagsimula nanamang tumugtog.
Hindi parin ako makapaniwala. Pero mukhang mas hindi makapaniwala si Max. Malamang,sinabi niya na gusto nila mga kanta nila tapos nasa harap na pala niya yung mga kumanta, hindi niya pa alam.
Nagsimula nanamang tumugtog ang banda. Kung kanina ay mukhang kulang. Ngayon ay kumpleto na ang tunog.
"Ito na ang ating huling sandali!
Hindi na tayo magkakakamali
Kasi wala ng bukas!
Sulitin natin ito na ang wakas!”Pati ang mga nanonood ay nakikisabay sa pagkanta nila. Na steady lang ang tingin ko kay Dani Boy.
Di ko akalain na ganito siya kagaling kumanta.
Hindi ko alam kung ako lang ba o parang nagslow motion habang pinapanood ko siya. Ibang iba ang awra niya ngayon. Ang lagi kong nakikita sakaniya ay mayabang siya at parang walang pake elam sa tao sa paligid. Ggss din. Pero sa nakikita ko ngayon parang ang saya niya sa ginagawa niya.
"hoy!”
Nabalik ako sa huwisyo ko. Napatingin ako kay Shami na tumawag saakin.
"wala, kanina pa kayo nagtititigan ni Dan eh. At mukhang kakalbuhin kana ng mga tao dito" sabi naman ni Shami at natawa pa siya. Napatingin ako sa mga nasa paligid at mukhang tama ang sinabi niya.
*lunok*
Anong nanamang ginawa ko!.
"So hindi namin kanta ito pero ito ang kanta na gusto naming kantahin para sainyo" sabi ni Dani Boy.
Nagsimula nanamang tumugtog.
Nagpalit sila ng pwesto ni Mark. Si Mark naman ang nasa gitna at si Dani Boy naman ang naka electric guitar pero may Mic parin siya.
Nagsimula ng tumugtog.
"Woooooo!!!!”
" kyahhhhhhh!”
"Ang pogi talaga ng the kings!”
"my ghad!!!!!”
Panay ang sigaw ng mga fans.
Bumaba ng stage si Mark pero hawak niya parin ang mic.
" oh her eyes, her eyes
Makes the stars looks like their shining
Her hair her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And i tell her everyday”
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020