Chapter 21

5 0 0
                                    

Angelica's POV

*Sportsfest*

Dahil international ang school namin,Dito gaganapin ang sportsfest so maraming dayo dito sa school.

Marami na din ang bilihan pagpasok sa gate. Pagpasok ay yun agad ang sasalubong. Then ofcourse school building. Then sa side ang mga feild. Ang pinakamalaki ay football Field. Pero bilib ako sa gamit ng Baseball team namin. Wala atang pang babaeng sports dito.

Nandito kami sa room at inaantay nalang namin ang ia-announce ng teachers kung anong gagawin namin.

~•~•~•~

Well. Turns out na bahala daw kami basta wag lalabas ng school.

Syempre sa basketball kami susupport! Marami rin sa boys ang manonood sa basketball pero ang iba naman ay theater dahil meron daw artista dun na MAGANDA. whatevers.  Tsk.

Ang basketball girls naman ay hindi daw dito sa school gagawin.. Hindi ko din alam kung saan.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"woooooo!!!!Go Papa MARK!!!!"

"Go Nico baby!!!!"

nilingon naman ni Mark at Nico yung nagsabi at sabay pa silang kumindat. Nag-ingay naman ang mga fangirls at yung dalawang babae naman ay halos mahimatay. Tsk. ang aarte.

I just rolled my eyes then suddenly,nagtama ang paningin namin ni Mark.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Natawa naman siya ng bahagya at kinindatan ako.

tugdug.

napahawak nalang ako sa dibdib ko. Wtf? my heart didn't skip a beat right?.

nailing iling nalang ako. Weird.

Sobrang ingay ng paligid.Lalo na ang mga supporters ng school namin.

"WAAHHHH OH MY GHAD!"

"NANDITO TALAGA SIYA?"

"OH MY GHAD!! TOTOO NGA!!!"

napalingon ako sa kabilang side ng bleachers kasi biglang nag-ingay ang mga babae dun. Nagkukumpulan ang mga tao sa taas ng bench ng mga kalaban ng school namin. Pati ang mga players namin ay napalingon na rin dun dahil sobrang ingay,pati na rin ang players ng kalaban ay napalingon din sa likod nila.

May mga teachers na ding pumunta dun at inawat ang mga studyante. Nang nawala na ang tao dun ay napanganga nalang ako.
"Liam?" Nasabi ko nalang.

Hindi mawala ang tingin ko sakaniya. Napako nalang ang paningin ko sakaniya.

Napatigil ako ng magtama ang paningin namin. Gaya ng reaction ko ay halatang gulat din siya.

"Nicajel?" he mouthed.

kinagat ko ang pambabang labi ko. I miss this man.

Agad kong iniwas ang paningin ko sakaniya. Hindi ko alam kung paano siya kausapin. Hindi ko alam kung paano na siya tratuhin.

Nakavarsity siya and looks like na kasali sila sa competition pero hindi namin sila kalaban ngayon. Mukhang sila ang susunod na maglalaro pagkatapos ng team namin.

~•~•~•~•~•~•~•~•~

hindi na ako nakapagfocus sa panonood dahil nakatingin lang ako kay Liam. Bakit ngayon ko pa siya nakita ulit? Bakit ngayon lang?.

Natapos naman ang laro ng 100-56. and kami ang panalo. Hindi pa pinaglaro si Nico at Mark dahil magsasayang lang daw sila ng stamina kung hindi naman magaling ang kalaban. Oh diba? ang yabang? pero tama naman sila.  Buti nalang at walang nakarinig ng sinabi yun ni Shami. Ang tabil ng dila talaga ng babaeng yun.

Shocks. Gutom na ako.

"Max. Punta akong canteen. Sama ka?" i asked.  Pero inilingan niya lang ako at bumalik ulit sa pagcecellphone.

Agad na akong bumaba ng bleachers at magdederetso sana sa canteen pero nahagilap ng mata ko ang mga paninda sa hallway sa gate. Dun na nga lang. Yieee hahaha.

Nang makalabas na ako ng building ay Nagderetso ako sa mga nagtitinda ng streetfoods.

"ate tatlong isaw,dalawang day old,tatlong bbq,tatlong paa.tenkyu!" masiglang sabi ko. Natawa naman yung nagtitinda at kinuha niya lahat ng sinabi ko.

"mahilig ka parin pala niyan?" Napatingin ako sa taong nagsalita. Nanigas nalang ako sa kinatatayuan ko.

"a-ah Oo" nauutal na sagot ko at tumingin ulit  sa nagtitinda na iniihaw yung mga inorder ko.

"Uy,bat di mo ako pinapansin?" tanong niya mula sa likod ko. Hindi parin ako mapakali.

"huh?pinapansin naman kita ah" sabi ko naman. Bahagya niyang sinilip yung mukha ko sa may right side ng mukha ko at agad ko naman yung iniwas.

"matagal tayong d nagkita tapos gaganiyanin mo lang ako?" sabi niya na parang bata na nagmamaktol.

"iha dun muna kayo maupo at medyo matagal pa to" saman ng tindera. Agad akong naupo sa sinabi nung nagtitinda at iniwan si Liam dun.

Napahinga ako ng malalim. Ang kulit pamandin ng isang to.

After a minute. Naupo nanaman si Liam sa harap kong upuan. Nakimesa ba naman saakin!. Hindi ba niya napapansin na na-a-awkwardan ako.

"so? kumusta ka naman?" pag oopen niya ng topic. Hindi ako nakatingin sakaniya. Nakatingin ako sa mesa kasi ang hirap tumingin sa mga mata niya. Para akong malulunod.

"hmm,eto ok naman." sabi ko naman. Narinig kong bumuntong hininga siya.

"hindi mo ba tatanungin kung ok ako?" tanong naman niya saakin and finally napatingin narin ako sakaniya.

"kailangan ba?" nag mamaang maangan na tanong ko.

*lunok*

nakakalusaw talaga yung mata niya. Nakakainis.

"ouch!" sabi niya at umarte na parang nasaktan siya at nakahawak pa siya sa part ng dibdib niya kung nasaan yung puso niya.

inirapan ko lang siya at napailing ng ilang beses.

Natawa naman siya ng kaunti.

"mukhang okay ka nga." sabi niya at ngumiti. kakasabi ko lang naman na okay ako diba?. tsk. Bat kasi ngayon lang Liam. Bakit???

napahinga din ako ng malalim.

"you know what?" tinignan niya ako sa mata kaya napalunok ako. "I used to like you 5 years ago" sabi niya. Umarte ako na parang wala lang pero naiinis na ako sa loob.

bakit ngayon? Bakit ngayon lang?

"hmmm.Me too." pag amin ko. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko. Hindi pa ba obvious noon?

"may gusto ka na bang iba ngayon?" he asked. ako naman ang nagulat sa tanong niya.

gusto ko ngayon?-----Putik!. bakit ba pumasok sa utak ko si Dan! letche!

Hindi ko nalang siya sinagot. Natawa naman siya ng mapait. "hmpf. sino bang niloko ko. Kahit naman sinabi ko sayo to ngayon,Noon ay noon na diba? hindi na natin mababalik yun.And i regret na umalis ako ng walang paalam sayo that time." sabi niya at ngumiti ng mapait.

ngumiwi pa siya. "but the most i regret is when i didn't tell you what i really feels. ---------i regret not to tell you that i love you,but now i don't want to regret anymore. -------

I STILL LOVE YOU NICAJEL"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N.

sorry kung may wrong grammar😂

"wag kang judger" -Lite

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now