"ayan tapos na!" sabi ko at tinignan ng buo itong room niya. "Dito kana simula ngayon" sabi ko naman sakaniya. Ngumiti lang siya ng kaunti. Parang si Dad din to ah pero tiklop pagdating kay Mom.
"Magdidikit lang po ako ng poster? Ayos lang po ba?" Walang emosyon na tanong niya
Tumango naman ako. Maya maya pa,hinila niya yung box na inihatid dito kanina.
Binuksan niya yon. Napa 'wow' face nalang ako.
"BL fan ka?" tanong ko sakaniya ng natatawa.
"Oo." tipid naman na sagot niya.
"Ayos yan!" sabi ko at natawa ulit.
Mukhang alam ko na future ng batang to. Jusme. Ang pogi pa naman,sayang lahi namin. Napa-iling nalang ako ng ilang beses.
"ate,kung ako sayo manood ka nalang ng BL series,mawawala stress mo" sabi niya,dahilan ng paghagikgik ko. Naupo ako sa kama niya.
"may isusuggest ka ba?" natatawa na sabi ko. Nilingon naman niya ako at nakita ko sa mata niya ang axcitement.Cute.
"Love by chance,Theory of Love,2gether the series,Tharntype,My Engineer,Sotus,Reminder,Why R U----
"Jusko,di ka naman adik sa lagay na yan?" pagputol ko sakaniya.
Umupo siya sa tabi ko.Nag-iba yung emosyon na nasa mata niya.
"Ok lang ba talaga sayo ate na kapatid mo pala ako?" tanong niya saakin ng nakayuko. Hindi ako nagsalita at umiwas ng tingin sakaniya. "kasi ako ate,nung nalaman ko na kapatid po kita parang ang saya. Hindi po ako makapaniwala noong una pero ang saya ko po kasi ikaw po na ang bait bait ang kapatid ko" sabi niya at ngumiti. "Tinulungan mo kami ni tatay kahit hindi mo kami kilala" sabi pa niya. Parang may humaplos sa puso ko.
"Aaminin ko na hindi ako natuwa noong una,nung nalaman ko na may kapatid pala ako sa iba." natawa ako ng bahagya "pero hindi ako magagalit sayo at ituturin parin kitang kapatid kasi wala ka namang kasalanan." dagdag ko pa sa sinabi ko. Tinignan ko siya mata sa mata "at sino namang makakatanggi sayo? Sa gwapo mong yan,sa tingin mo magagalit ako sayo?" natatawa na sabi ko sakaniya.
"ate naman! Alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong puriin masyado" full of confidence na sabi niya. Nagtawanan nalang kami. Natigil ako sa pagtawa ng may maalala ako.
"Si kuya na nagtitinda ng pugo,kaano ano mo siya?" tanong ko naman sakaniya.
"Wala ate,hindi ko siya kaano ano pero tatay ang tawag ko kasi lagi niya kaming binibigyan ng pagkain,Nabubuhay kami dahil sa ibinibigay niya" sabi naman niya kaya napataas ang kilay ko.
"hindi lang siya nagtitinda ng pugo no?" tanong ko sakaniya.Yumuko naman si Gelo kaya lalo akong na curious.Iniiwasan niyang tumingin saakin kaya kumunot ang noo ko.
"ano po kasi eh--" hindi niya ako matignan sa mata
"ano? Sabihin mo na" sabi ko naman.
"Nalaman ko lang din po na pinapadala po pala siya ng totoong tatay ko para bigyan kami ng pagkain." sabi niya. "Assistant po siya ng dad mo,ng dad natin. Yung pagtitinda po ng pugo is part lang daw po ng act pero sobrang bait niya po kahit na ang sungit ng tiya ko sakaniya at madalas nagrereklamo dahil ang konti daw ng pinapadala" sabi niya naman. 10 years old palang siya,ang dami na niyang iniisip.
"Wag mo ng isipin yan,ang mahalaga alam na natin ang lahat" sabi ko naman at pinat ko yung ulo niya.
"ate! sabing ayaw kong ginugulo tong buhok ko eh" sabi niya naman kaya natawa ako. Hindi parin talaga nagbago,ganoon parin siya simula noong unang nakita ko.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020