Chapter 60

2 0 0
                                    

Dea's POV

Normal day. Pumasok ako ng parang wala lang ulit. Wala akong ganang magsalita ngayon. Nabadtrip ako sa tatay ni Dan. Hindi ko pa nga sinasagot yung anak niya,pinagbantaan na ako. Nakakaloka. Nainis lang ako ng di oras sa party.

Akala niya matatakot niya ako. Ha! Isa siyang malaking hatdog! Hindi ako matatakot ng pera niya,mas mapera ang magulang ko no.

"Bat ganiyan mukha mo?" tanong saakin ni Shami.

"Wala" sagot ko naman.

"Inis ang nakasulat sa mukha mo" walang pakeelam na sabi ni Max. Sinulyapan ko naman siya at umirap.

"Bwisit kasi yung tatay ni Dan. Lumayo daw ako sa anak niya. Bakit hindi yung anak niya ang pagsabihan niya! Tsk" dere-deretso na sabi ko.

"Ang ganda mo teh! para kang nasa palabas! May suhol ba?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "I mean,you know?! Yung parang sa mga movie? yung may pera na ibibigay sayo para layuan mo anak niya?" natatawa na sabi ni Shami.

"Wala! gaga! Pero wag niyo na sana tong makakarating kila Dan." sabi ko naman.

"Kay Vince? Hindi pewedeng sabihin?" tanong naman ni Shami.Mapakunot ang noo ko.

"Kailan pa bumalik yang pagtawag mo ng Vince kay Mark?" tanong ko naman sakaniya. Pati si Max ay nakatingin na din saamin at tila nakikinig.

"ngayon ngayon lang hehe" sabi niya naman.

"Oy nga pala! Papasok na yung binugbog ni Max ah" Natatawa na sabi ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Max. Natawa naman ng bahagya si Shami.

"Ah yung nang inis sakaniya sa daan palabas ng canteen na nakakapit palagi kay Mark noon?" dere-deretso na sabi ni Shami.

inirapan kami ni Max kaya natawa nalang ako.

"Ah yung pinagseselosan niya?" Pang aasar pa ni Shami. Nilabas niya yung phone at headset niya. Nagheadset nanaman ni Max at hindi na kami pinakinggan. Natawa nalang kaming pareho ni Shami.

"Speaking of the devil. Hindi ata natuto?" natatawa na sabi ni Shami. Kita kasi namin sina Mark,Nico at Dan. May mga babae nanaman na nakapaligid. That's normal.

Kita ko ang pag-iiba ng mood ni Shami. Paano ba naman,may hawak nanaman na ibang babae si Nico. Hindi naman yan babaero noon pero ngayon parang nag eenjoy siya na maraming nakapaligid na babae.

"Oh may nakakapit na linta sa manliligaw mo" sabi ni Shami saakin. Napairap nalang ako. Normal ng linta yan. Hindi na ako nagtataka.

Naiinis lang ako kasi parang concern si Dan kay Angel. Iba yung tininginan nila ngayon parang ang comportable na nila sa isa't isa. May nangyare ba sa party kagabi?.

Agad akong tumingin sa labas ng bintana ng lingunin ako ni Dan sa pwesto ko. Pabawas na ng pabawas ang tili kaya baka paakyat na sila dito sa upuan nila.

"Shamia,palit tayo ng upuan" Rinig ko mula sakanila.

"Maxine,palit tayo" Napatingin naman ako sakanila. Sa pagkakataong yun,nilingon ko na sila.

"Ayoko" sabay na sabi ni Shami at Max. Blangko ko lang din silang tinignan. Si Dan at Angel kasi yung nakikipagpalit ng upuan.

Naalala niyo ba? Ganito yung arrangement ng sits namin

Angel,Dan,Nico,Mark,Max,Shami,Me

tapos bintana na sa side ko. Incase lang na hindi niyo na maalala.

Tinignan ako ni Dan na parang humihingi ng tulong.

"eh ayaw nila eh" sabi Ko naman.

"bat ka ganiyan!" Nagtatampo pa na sabi ni Dan. Inirapan ko naman siya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Pasalamat ka mahal kita"

Napatigil ako. Rinig kong naupo na siya sa upuan niya. Dahan dahan akong tumingin sa baba ng bintana. Thr last thing i know,patago na akong nakangiti.

"Btw? Pinuntahan kita sa bahay niyo pero hindi na kita naabutan. Sabay sana tayong papasok eh"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Distances please." sabi ni Angel sa mga girls na nakapaligid kila Dan. Parang iba siya magsalita ngayon pero hindi ko parin siya gusto.

Hindi ako makakain ng maayos dahil ang daming babae na nakapaligid sa table namin. Konti nalang susubuan na nila yung tatlo eh. Tinignan ko si Dan,nang tumingin din siya saakin ay agad ko siyang inirapan.

Alam na niya ang ibig sabihin niyan.

"Girls. Pwede bang umalis na kayo dito?You are all annoying!" Frustrated na sabi ni Nico. Gulat pa akong napatingin sakaniya dahil hindi naman siya yung tipong magsasabi ng ganoon.

"Wtf?Anong nangyayare sayo? We did something la----"

"fuck off" inis na sabi pa niya. Natakot ata yung babae kaya medyo lumayo siya kay Nico.

Nilingon ko si Shami pero kumakain lang siya at tila wala ring pakeelam.

"Angel,do something" sabi nung babae kay Angel. Angel just rolled her eyes.

"he said,fuck off so just do it." sabi niya naman. napa 'oww' nalang yung bibig ko.

"Naririndi na din ako sainyo" sabi ni Mark na dahilan ng pagtayo at pag alis na talaga ng mga babae. Iba daw kunno magalit si Mark.

Umalis na yung mga babae at si Angel nalang ang natirang babae dito. Hindi na siya madikit kay Dan gaya ng dati. Para nalang silang buddy pero napakomportable nila sa isa't isa na dahilan ng inis ko pag nakikita ko sila. Ewan ko. Hindi ko magawang ngumiti sakaniya.

"hey,ang tahimik niyo" sabi ni Nico. Nagkunwari nalang ako ng parang wala akong narinig. Wala rin naman akong sasabihin.

Naramdaman kong may tumabi saakin. Malapit siya so i kinda sniffed his perfumed. Always smell nice. Alam kong si Dan to.

"Eat up" sabi niya sakin. Hindi ko naman siya pinansin at tinignan lang yung pagkain ko. "Anong nangyayare? you're acting weird since yesterday." sabi niya naman. Imbis na sagutin yung tanong niya. Kumain nalang ako gaya ng sabi niya kanina. "Halla nagtatampo siya oh" pang aasar niya pa saakin. Pero panay irap lang natatanggap niya saakin.

I heard him laugh. Naramdaman kong may kamay na humapit sa bewang ko kaya agad ko siyang nilingon.

"Dont be like that,gusto tuloy kitang halikan" sabi niya na ikinastatwa ko.

sobrang lapit ng katawan ko sa katawan niya plus ang palad niya ay nasa bewang ko.

*lunok*

kita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Owshit bakit ang sexy tignan non. Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya. Nakatitig lang din siya saakin. Para akong nawawala sa mga mata niya.

"Ahem!"

agad kong tinanggal yung kamay niya sa bewang ko at umayos ng upo.

"myghad! Love is in the air!" sabi ni Shami. Feeling ko pulang pula na ako. Bakit kasi hindi naiisip ng mokong na to na maraming tao dito.

"hanap ka din ng sayo" natatawa na sabi naman ni Dan kay Shami. Inirapan lang ni Shami si Dan.

"whatever Mr. Rodriguez" sabi niya.

"Yeah right Soon to be Mrs. Deveza" Pang aasar pa ni Dan kay Shami.

"W-wag ka ngang ganiyan" nauutal na sabi ni Nico. Nawala yung badmood ko at natawa ng makitang pulang pula yung tenga ni Nico.

"Alam na ng lahat,kayo nalang ang hindi" pagsingit naman ni Angel.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N.

Aminin niyo man o hindi,masarap sumuway sa magulang Huwahaaha. What do you think,anong mangyayare sa mga lalaking almost perfect na?

Kindly vote.

NO HATE,SPREAD LOVE <3

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now