Chapter 12

4 1 0
                                    

"hello?" Sabi ni Dani boy. May kinocontact siya sa phone.

"can you help us here?Nalocked kami sa gym and i dont know who the hell did this!" inis na sabi niya sa Cp.

"what???!" Bwisit na sabi niya. Hindi siya mapakali samantalang ang 'calm' niya lang kanina.

pinatay na niya yung tawag kaya lumapit ako sakaniya.

"anong sabi?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng masama kaya napaatras ako. Anong problema nito? "what?" tanong ko naman at tinaasan ko na siya ng kilay.

"Nico can't help." sabi naman niya.

"Si mark? baka pwede?" tanong ko naman.

Napahinto siya sa paggalaw at tinignan lang ako. May mali ba akong nasabi?

Tinalikuran nalang niya ako bigla.

"Nope,his busy." sabi naman niya.

pano naman niya nasabi na busy? Hindi pa naman niya tinatawagan.

"why don't you call your friends instead?" Tanong naman niya saakin.

"hindi din sila pwedeng lumabas ng gabi." sabi ko naman. Lagot nanaman ako kila Manang. Gabi na at halos wala pa kaming magawa na paraan. Nasa labas kasi ang locked ng gym and wala kaming magagawa kahit na ilang tulak namin dyan.

*phone rings*

"hello?"

napalaki ang mata niya.

"mom? ahm,can i ask you a favor?" he said. "nakulong kami dito sa gym ng school" sabi naman niya. Narinig ko ang pagtili sa kabilang linya. Nilayo ni Dani Boy ung phone sa tenga niya.

"si Nica Mom." simpleng sabi niya at tumingin siya saakin. Parang naconcious naman ako.  "Yes thanks mom" sabi naman niya.

Pinatay na niya yung call.

"so?" tanong ko sakaniya.

"magpapadala daw siya ng tao." sabi niya naman at napahinga naman ako ng maluwag.

*sigh*

"ganoon mo na ba ako kaayaw kasama at ang bigat ng buntong hininga mo?" natatawa na sabi niya. inirapan ko naman siya.

"oo,ganoon nga." inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Naupo siya sa bleacher at inunat ang paa niya. Mukhang hindi na maganda yung nasa paa niya.

Pumunta ako sa locker room nila. Naghanap ako ng pwedeng pangpahilom. And may nahanap akong bimpo. Tinignan ko yung ref nila at nakasaksak siya.

binuksan ko yun. Woah!. ang dami nilang stock na tubig ah. Then inopen ko yung freezer. Ice.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Tinanggal ko yung sapatos niya. Ayaw niya pa nung una eh. Kadaming arte.

Tinanggal ko yung medyas niya. Shocks!

"tsk,bat hindi ba alam ng coach niyo to?" i asked. Namamaga. Nilagyan ko ng ice na crack yung bimpo at idiniin sa namamagang parte ng paa niya.

"they dont need to know" sabi naman niya. Inirapan ko nalang siya.

"ayaw mo talagang may nakakaalam ng tunay na nararamdaman mo no?" sabi ko naman at bahagyang tumawa.

May naramdaman akong humagod sa buhok ko. Napaangat ako ng tingin at tila parang huminto ang oras ng magtama ang paningin namin. Sobrang lapit ng Mukha niya. I admit that he has this perfect face. Perfect jaw line,Fully structured nose,Long eyelashes,sparkly eyes and pink lips.

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now