Dan's POV
*During the match*
Nandito na kami lahat sa court. Nagwawarm up na kami. Napatingin ako sa bench,wala pa siya.
Nasaan na ba yun?. Lumapit ako kay Shamia "Wala pa ba si Nica?" tanong ko. Umiling naman siya.
"Tumawag na ako sakanila,kakagising daw." pagsingit naman ni Maxine saamin.
"So anong oras mo kami ipapasok Pearl?" tanong ni Mark kay Shamia. Tinaasan naman siya ng kilay ni Shamia.
"Just wait" yun lang at tumalikod na.
Natawa nalang ako. Bigla akong inakbayan ni Nico kaya natigil ako sa pagtawa.
"tandaan mo,wala pa si Nica,siguradong ang pangit ng laro mo pero wag kang papatalo! Pag natalo tayo ng dahil sayo........Aalis ka ng basketball team" seryoso na sabi ni Nico at naupo sa bench.
*lunok*
Seryoso siya.
~•~•~•~•~•~•~
*time out*
"ano bang ginagawa mo Dan! Ilang sablay na yun!" sabi saakin ni Lee. Uminom lang ako ng tubig.
"Alam ko" bulong ko.
"Hindi pa nila ipinapasok si Liam pero ang laki na ng lamang nila sainyo!" frustrated na sabi ni Shamia.
"ano ba! Umayos kayo!" inis na sabi ni Shamia. "Tandaan niyo,malakas kayo.You can rule the court. kahit ilang sablay as long as nakukuha niyo ang rebound,you can control the game" sabi ni Shamia. Napatango nalang kami at pumasok na ulit sa court ng pumito na ang referee.
Nasa laro ang katawan ko pero parang lutang ako. Ano bang nangyayare.
~•~•~•~•~•~•~•
Pumasok na si Liam at lalong lumaki ang lamang nila.
Hindi na nila ibinibigay yung bola saakin. Ako nalang ang nag aassist. Hindi ako makashoot kahit na anong gawin ko! Kahit anong concentration ko,tingin ng tingin parin ako sa bench!
"Dan!Bibigyan ka ng kiss ni Dea pagnanalo ang team natin!" Sigaw ni Shamia dahilan para mapalingon ako sa Bench. Nakita ko si Shamia na nakaakbay kay Nica.
Napatingin ako sa tinitignan ni Nica. Nakatingin siya kay Liam. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin kay Nica,sa oras na yun. Nakatingin na din siya saakin. Ngumiti nalang ako ng malapad sakaniya kahit na meron sa loob ko na parang nainis.
"Sounds like a deal" sabi ko at nginitian niya.
Pagpito ng referee at hudyat na tuloy ang laro.
Sinenyasan ko si Caleb na ipasa saakin ang bola. Tumango naman siya. Agad niyang ipinasa saakin ang Bola. Walang nagbabantay sakin?
Umatras ako at agad na shinoot ang bola.
"Ayos!" Sabi ko nalang.
"Unang puntos mo yan ngayon ah" natatawa na sabi ni Lee. Umiling nalang ako at natawa ng bahagya.
*prttttttt!*
Napatingin kami sa bench. Subtitution. Ipapasok na pala si Mark at Nico. Ayos to.
*Prttttt*
Senyales na tuloy na ang laro.
Hawak ni Mark ang bola. Nagdridribble siya at mukhang kalmadong kalmado siya. Itinaas niya ang hintuturo niya. "Pupuntos tayo"
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Teen FictionThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020