Chapter 17

3 0 0
                                    

wala siyang choice kundi kumain. Ayoko sa maarte eh.

habang kumakain siya,naalala ko yung mag-ama.

"Dan." tawag ko kay Dani boy. Parang nagulat pa siya. Tsk. lagi nalang nagugulat ang isang to pag tinatawag ko sa totoong pangalan niya.

"hmm?" tanong niya.

"yung nagtinda saakin ng pugo na yan." panimula ko. "naaawa ako sa anak niya." sabi ko naman.

"bakit?" tanong naman niya.

"parang hindi napapakain ng maayos. Kanina humihingi siya ng pambili sa tatay niya ng pagkain pero wlang maibigay si kuya kasi kakasimula niya palang magtinda" sabi ko.

Mukhang nakikinig naman saakin si Dani boy.

"gusto kong tumulong pero wala akong sapat na pera. Wala akong sariling pera. Galing lang din sa magulang ko. Kahit sana pag aralin ko lang yung anak nila para makaahon sila sa hirap" sabi ko naman.

Naramdaman ko ang pagdampi ng Mainit na palad ni Dan sa mukha ko. Unti unti niyang pinahid ang luha na namuo sa gilid ng mata ko.

teka? luha?

"Hindi mo kasalanan na naghihirap sila" sabi naman ni Dan.

Napaisip ako dun sa bata. Nakakaawa yung itsura niya pero sure akong pag nadamitan yun,habulin siya. Kita ko kasi na singkit ang mata niya at maganda ang ilong pati ang labi niya ay maliliit. Para siyang Japanese na Pilipino.

Mapayat siya kasi wala silang nakakain pero maganda ang hubog ng katawan niya. Hindi ko sure kung anong grade niya pero may naisip ako.

"alam ko Dan pero tayo,wala tayong hirap sa buhay kaya dapat may magawa manlang tayo" sabi ko naman. Hinagod naman niya ang buhok ko at inalis yung buhok na nakaharang sa mukha ko.

"naiintindihan ko" sabi naman ni Dan.

"ipasok natin ng modeling" sabi ko.

Tinignan naman ako ng nagtataka ni Dan.

"ha?anong modeling?" tanong naman niya.
"yung bata. Gwapo siya. Maganda ang hubog ng katawan. pwedeng gawing model." sabi ko naman. napaisip naman din si Dan.

"sige,kakausapin ko si Mom." sabi naman ni Dan. Napangiti nalang ako. Nakahinga din ako ng maluwag.

"salamat" sabi ko naman.

"no problem achaka pwede ipagbalat mo na ako ng itlog?" sabi naman niya saakin. Natawa nalang ako.

Kumain nalang siya ulit. Tinignan niya ulit ako kaya napataas ako ng kilay.

"chaka pwede,wag ka ng iiyak? ang pangit mo" sabi niya pa saakin. Napairap nalang ako. Hays oo nalang.

~•~•~•~•~•~•~•~

*after 1 week*

isang week na siya dito at bumubuti na ang lagay niya. Hindi ko akalain na mabilis lang pala siyang makarecover. Yung paa niya,medyo ok na. Yung ulo niya naman,magpapahinga nalang pero isang week pa daw aabutin bago tanggalin yung nasa ulo niya.

"ok ka lang bang nandito?1 week ka ng absent." sabi saakin ni Dan. Oo nga eh. 1 week na,marami na akong namiss for sure.
"ok lang,may excuse naman ako at alam ng lahat sa school" sabi ko naman sakaniya at ngumiti.

this past days,nakita ko ang ibang sides ni Dan. Hindi ko na din siya matawag na Dani boy kasi hindi bagay sakaniya.

minsan mabait,palatawa,mapang-asar,sweet pero andoon parin yung mahangin. tsk.

mas mabait parin si Mark.

"ah ganoon ba? sige." sabi nalang niya. Hindi ako sanay sa treatment niyang ganito.

Yumuko siya at tila nag-iisip. Kung titignan ang mukha niya parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. May problema nga siguro.

after naming kumain ng umagahan ay may pumasok mula sa pinto. Nawala ang mga ngiti sa labi ko ng makakita ako ng Anghel na napadpad ata sa impyerno.

"Dan baby!!!!" sigaw niya at agad na lumapit kay Dan. Niyakap pa niya si Dan at niyakap naman pabalik ni Dan. May mga ngiti din sa labi si Dan habang yakap niya si Angel.

Biglang may kumirot sa puso ko. Ang hirap pangitiin ni Dan pero presensya lang ni Angel,nakangiti na agad siya. Kinagat ko ang pag-ibabang labi ko habang nakatingin sakanila.

kumalas na sila ng yakap at naupo na si Angel sa upuan sa side ni Dan. Inalis ko nalang ang tingin ko sakanila at inayos yung pinagkainan namin.

Ano bang nangyayare saakin.

Tumabi ako sa opposite side Angel at nakatayo ako sa may tabi ng kama ni Dan.

tinaasan naman ako ng kilay ni Angel at ako naman ay ngumiti sakaniya at nag beautiful eyes pa. Tsk.

"Pwede bang iwan mo muna kami?" suddenly biglang naging cold yung boses ni Dan kaya napatingin ako sakaniya. Pati ang mata niya na nakatingin saakin ay walang buhay.

*lunok.*

"A-anong gusto mong inumin?Bibili ako" nauutal na sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong natakot.

"soda" sabi lang ni Angel at inirapan ko naman siya.

'"hindi ikaw." sabi ko at inirapan ko pa siya at humarap kay Dan

"Bisita siya. you should respect her" sabi ni Dan na ikina statwa ko sa kinatatayuan ko. Sa sobrang inis ko tinalikuran ko sila at tuloy tuloy na lumabas ng pinto.

bakit ba bigla nalang nag-iba ang treatment niya saakin nung dumating yung babaeng yun?.

Naglakad lakad ako sa garden ng hospital. Nakakainis!

pinagsisipa ko yung mga halaman sa inis ko!.

"ano bang meron sa babaeng yun?. tsk!nakakainis!" bulong ko."maganda siya,maganda din ako! mataray siya,mabait ako!presensiya niya lang ngingiti ngiti na yung lalaking yun??bwisit!" bulong ko pa sa sarili. Teka? bat ko ba kinukumpara yung sarili ko sa babaeng haliparot na yun? tsk.

"Dea?" tawag saakin mula sa likod. Alam ko yung boses na yun.

"Mark?" nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali. Nginitian naman niya ako at ganoon din ako sakaniya. Nawala bigla yung inis ko.

iba talaga ang nagagawa ng ngiti ng lalaking to.

"anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong niya saakin nang tuluyan na siyang makalapit.

"eh lumabas muna ako. Mukhang IMPORTANTE yung bisita ni Dan." sabi ko at hindi ko napigilan na idiin yung word na importante.

he giggled.

"tara" sabi niya at hinigit ang kamay ko at agad akong hinila patungo sa loob ng hospital.

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Napangiti nalang ako sa kawalan. This feels great.

Nang nasa harap na kami ng kwarto ni Dan ay agad na niyang binuksan yung pinto. Naabutan namin yung dalawa na nagtatawanan.

Biglang may sumakit sa part ng dibdib ko habang nakatingin sakanila. Napatingin sila sa gawi namin.

"yieeee bat kayo magkahawak ng kamay?" panunukso ni Angel. Nakita kong dumako sa kamay namin yung mata ni Dan. Naramdaman kong humigpit yung hawak ni Mark sa kamay ko.

Nawala ang seryosong mukha ni Dan at napalitan yung ng panunuksong ngiti. "may hindi kayo sinasabi saamin ah. yiee” panunukso niya pa. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Binitawan ko yung hawak ni Mark at tumingin ng seryoso kay Dan.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"uwi na ako." sabi ko nalang at umalis na sa lugar na yun.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N.

thanks for reading. No hate,spread love <3

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now