Hinigit niya ako pasandal sa sasakyan niya. Halos mapa aray ako sa sakit.
"Bakit ang close niyo?" tanong niya sakin. Tinignan ko naman siya pataas pababa.
"Wala lang." sagot ko naman.
Galit na ikinulong niya ako sa mga braso niya. Napatingin ako sa sasakyan niya. Mamaya nasira jusko.
*lunok*
Halos natigil ako sa paghinga ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Tinignan niya ako mata sa mata.
"Never let anyone get too close to you as i do." sabi niya. Kita ko ang sakit sa mata niya.
"P-pag i-ikaw pwede,pag ako hindi?" tanong ko naman sakaniya at iniiwas ang tingin sakaniya.
"Kahit na sinong babae dyan,alam mo naman na ikaw lang!." sabi naman niya saakin na ikinatigil ko. Nilingon ko siya. Hindi ko mapigilang magdamdam.
"Ako lang? Kung nandito yung kakambal ko,makikita mo kaya ako? Kung nandito siya,mamahalin mo ba ako gaya ng sabi mo? Kung nandito siya,ma aappreciate mo ba yung pagkatao ko!" Inis na sabi ko sakaniya. "Ako lang? KALOKOHAN!" sabi ko at tinabig ang braso niya na nakakulong saakin. Nang tanggalin niya yun ay agad akong umalis sa pwesto na yun at hinarap siya ulit. "Tapatin mo nga ako" sabi ko sakaniya.
Tinignan naman niya ako mata sa mata. Ramdam ko ang mainit na likido na unti unting bumababa sa pisngi ko.
"Nakikita mo ba talaga ako bilang Ako o nakikita mo lang ako dahil sa kambal ko?" tanong ko sakaniya. Yumuko siya at hindi nagsalita.
Tumawa ako ng mapait.
"See? oh ano? ngayon ka magsalita" sabi ko naman sakaniya pero walang lumabas ng salita mula sakaniya. "Ngayon alam ko na." sabi ko sakaniya at nginitian siya ng mapait. Tinignan niya ako. Kita ko ang awa sa mata niya.
Hmp.Awa.
Tumalikod ako sakaniya.
"ikaw na munang bahala sa basketball team. Hindi kita kayang makasama ngayon." sabi ko sakaniya at agad na umalis don. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon pa dahil pag lumingon ako,alam kong rurupok nanaman ako sa mga salitang bibitawan niya.
~•~•~•~•~•~•~•~•~
Dea's POV
"Dea!" narinig ko ang katok sa pinto. Kilala ko kung kaninong boses yun ah.
Agad kong binuksan ang pinto. Bumungad saakin si Max. Hindi pa ako nakakapagsalita,bigla nalang siyang pumasok.galit na naupo siya sa higaan.
"Oh,anong problema mo?" tanong ko sakaniya.
Umirap naman siya. "Nakakainis! Nakasapak ako sa school. Siguradong guidance ang bagsak ko" Inis na sabi naman niya.
Nanlaki naman ang mata ko. Kilala ko to eh. Pag nanapak,siguradong hospital bagsak mo.
"Sino?" tanong ko naman.
"Yung laging nakakapit kay Mark." sabi naman niya na ikinalaki ng mata ko.
"Gago! Babae?" tanong ko sakaniya. Tumango naman siya.
"Babae din naman ako." sabi niya naman sakin. Napatampal nalang ako ng noo.
"Babae ka pero yang kamao mo,lalaki!" Bulyaw ko naman sakaniya.
Inirapan niya lang ako at hindi umimik. Hay naku. Problema nanaman.
*toktok* katok sa pinto.
"Bukas yan" sabi ko naman.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Novela JuvenilThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020