Chapter 18

5 0 0
                                    

Hindi na ako bumalik sa hospital mula non. Nakakainis. Sobrang nakakainis. Hindi ko din alam kung bakit ako nainis nung tinukso kami ni Dan. Ok lang na tinukso kami ni Angel pero nung si Dan ang nanukso? ang sakit sa loob.

Ang sakit pag tinukso ka ng taong mahal~~~ oh no!hindi ko siya mahal! duh!!
Maraming nagtataka kung bakit ako pumasok eh wala pa naman si Dan at tinanong din ako ng teachers at ang tanging sagot ko lang naman ay "may iba ng nagbabantay sakaniya" yun lang.

"oh look who's here."

napalingon ako sa likod ko at nakita ko lang naman si Kim at yang alalay niyang si Chloe. tsk.

"kasalanan mo kung bakit nasa hospital si Xailer! Dapat ikaw yung nadoon ngayon!" bulyaw saakin ni Kim. Dumadami na ang tao sa paligid. Wala sila Shami at Max dahil pinatawag sila ng dean. Mukhang mag-isa ko lang haharap sa mga tao dito.

"wala ako sa mood Kim. Wag mo akong subukan." sabi ko at tinalikuran sila~~~"aray!"

inis akong nagbalikwas. Inalis ni Chloe yung kamay niya sa buhok ko. How dare them touch my hair.

"Wag mo kaming tatalikuran!Kung ikaw sana ang natamaan,edi sana nandito si Xailer ngayon at kinakausap parin kami!" tuloy tuloy na sabi ni Kim. Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.

Nang imulat ko ang mata ko ay tinignan ko ng masama si Kim.

"kung pwede nga lang ako nalang yung natamaan. Oo na. sana ako nalang. Ako naman lagi niyong sinisisi sa mga kagagahang ginagawa niyo diba?" sabi ko sakanila at nilapitan ko pa sila. "Kayo yung nag upload ng pic namin ni Mark sa concert dba?" dinuro duro ko sila. "kayo din yung naglock saamin ni Dan sa Gym! dba?" sabi ko at tinulak ko na siya ng tuluyan. Napaupo siya sa sahig samantala si Chloe naman ay pinapanood lang kami at walang magawa. tsk. walang kwentang kaibigan.

"H-hindi! at pwede ba! lumayo ka!" inis na sabi niya saakin. Pero hindi ko ginawa. Lumuhod pa ako para magpantay kami.

"ayusin mo ginagawa mo dahil kayang kaya kitang ipatanggal sa eskwelahang ito" sabi ko. syempre hindi ko gagawin yun. Hindi ko gagamitin ang pera ng magulang ko para lang dun.

"sinungaling." sabi niya pa at tumayo na kaya tumayo na rin ako.

"hindi ako sinungaling. Nakita ko lahat sa cctv ang ginawa mo." sabi ko pa sakaniya.
"ginawa mo yung pag upload nung kay Mark pero hindi mo inupload yung picture namin ni Dan sa Concert? sinasabi kona,GUYS,PART YUN NG CONCERT AT PINALABAS LANG NG BABAENG TO NA AKO NANAMAN DAW ANG LUMALANDI KAY MARK." sabi ko.

hindi na alam ni Kim kung saan pa siya titingin dahil halos lahat ng tao dito ay nandidiring tinitignan siya.

"IKAW YUNG NAGPADALA SAAKIN NG SULAT NA PUMUNTA AKO NG GYM DIBA? TAPOS NUNG PUMUNTA AKO,NILOCK MO AGAD. MAY CAMERA KANA TALAGANG SINET SA TAAS NG GYM DBA? ALAM MO DIN NA LAGING NAGPAPAHULING UMUWI SI DAN SA BASKETBALL KAYA MO NASET LAHAT." sabi ko pa. Hindi na niya itinanggi at umiyak nalang sa harap ko. Humagulgol siya ng humagulgol pero hindi ko siya kayang patawarin ngayon. Ayoko sa mga taong sinungaling at mas lalo na sa taong maninira sa ibang tao para marami ang pumabor sakaniya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"uy girl. nalaman ko yung ginawa mo sa Kim ah?" natatawang sabi ni Shami. Umirap naman ako sa kawalan.

"nakakainis na eh." sabi ko naman.

"good. buti naman lumalaban kana." sabi naman niya. Natawa nalang ako ng bahagya.

"hindi naman dapat eh. Natyempo niya lang na bad mood talaga ako." sabi ko naman at napatawa nalang din si Shami. Alam niya kasi ang ugali ko at hindi ako papatol hanggat kaya ko pero pag napuno ako. Naku. Daig ko pa baril sa pagputok.

~•~•~•~•~•~•~•~

Nico POv

Nandito ako sa hospital. Kasama ko si Mark. Kinakausap namin si Dan at tinanong ko na rin kung bakit hindi na bumalik dito sa hospital si Dea pero hindi niya din daw alam.

"Ey shanga pala. Nag away si Kim at Dea kanina" sabi ni Mark. Napalaki naman ang mata ko.

"is she okay? Sinaktan ba siya? Nasaktan ba siya? wala naman ba siyang bitak sa ulo or what? buhay pa ba siya? Sagutin moko!!!" tuloy tuloy na tanong ni Dan. Napatahimik nalang ako habang nakatingin kay Dan. this is weird.

"easy pre. Okay lang siya at sa katunayan si Kim pa ang umiyak kanina." sabi naman ni Mark habang natatawa. Parang naimagine ko din kaya natawa din ako.

"buti naman" sabi ni Dan at napabuga pa ng hangin na nagmula pa ata sa kinailalim ng dagat.

"so mind sharing what happened kung bakit biglang d nagpakita dito si Dea?" tanong ko naman sakanila. Feeling ko ay alam ni Mark pero ayaw niya lang sabihin saamin.

"I know what happened pero Hahayaan ko munang marealize yun ni Dan at sana wag siyang magalit sa susunod na gagawin ko" sabi ni Mark habang patuloy sa pagkaway habang naglalakad na paalis.

"what did he mean?" tanong naman ni Dan habang nakakunot ang noo.

"hmmm. dont know but i think its something na makakatulong sayo" sabi ko nalang and a little curve in my lips was formed. I think alam ko na.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Shami POV

Here i am nagbabantay ng mga dirty mammals. Nagrereklamo sila dahil halos isang week na raw silang hindi humahawak ng bola. Hindi pa nila talaga naiintindihan kung anong gustong mangyare ng coach.

"hoy ,kaya mo pa?" tanong ko kay Nico na hinihingal na. Nahuli na din siya sa pagtakbo. Mukhang kulang sa stamina ang isang to.

Tuloy parin sa pagtakbo sa football field ang mga players. Hindi ko kilala ang lahat sakanila. ang kilala ko lang ay yung medjo attractive.

*after 1 hour*

"okay guys,sa gym naman kayo tatakbo" sabi ko. Sari sariling takbo nanaman papunta sa gym.

naupo ako sa bench at isa isa ko silang sinusuri.

'Mark Vincent Laurel. Good reflexes and good attitude. Gagawin ko siyang point guard'

'Nico Xzian Deveza. Pinapakinggan siya ng teammates niya. Magaling sa assist. Mood builder din. He will be the captain.'

'Xai Sales. Mabilis tumakbo and Mahahaba ang daliri. Pwede din siyang Center or shooting Guard pero?!'

'Lee Marquez,mas deserve sa position na yun.'.

sila ang apat na napansin ko. And kung kaya man,

Si Dan Xailer Rodriguez ang kokompleto sa grupo nila. Siya ang magiging forward.

~•~•~••~•~•~•~•~•~•~•~

A/N.

wazzup. Thanks for reading. Again, Welcome to my world.

Kindly vote. No hate,spread love

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now