Chapter 41

2 0 0
                                    


Turned out na talo kami sa laro. Nang pumasok ang mga magagaling na players nila ay nawala na saamin ang momentum ng tuluyan.

"Magaling ka" Sabi ng kabilang player kay Kyle at nakipagkamay pa.

"pero talo kami." yun lang ang sinabi niya at tumalikod na saamin. Nauna na siyang lumabas ng gym.

*after packing things*

"Huddle up!" Sigaw ni Shami. Sumunod naman silang lahat. Lahat sila ay nakayuko at halatang dissappointed sa nangyare.

"Heads up! The game just now is not bad. Normal lang matalo guys. Learn from this game. Ngayon,alam niyo na ang kulang niyo,kailangan niyo nalang mag ensayo." Sabi ni Shami.

"Ano ba guys! Kailangan lang mag ensayo! Umayos na kayo!" Sabi ni Xai.

"Ok na kami. Masakit lang sa loob na kahit anong praktis,ang hirap paring abutin talaga." sabi ni Mark.

"Practice makes perfect eka nga.Practice lang kayo ng practice,makukuha niyo rin kung ano ba talaga ang para sainyo." Sabi Ko naman sakanila.

"Okay let's rest. Lahat tayo pagod. Bukas,start ulit ng panibagong praktis. May isang linggo nalang for the Finals! Kailangan nating maging handa! Hindi na tayo pwedeng matalo!!!" Sigaw ni Shami sakaniya.

"Oo!" sigaw naman nila na parang bumalik na ang lakas ng loob nila.

"Dan. May problema ka pa sa paa no?Ipahinga mo yan ng isang linggo." sabi ni Shami. Tumaas naman ang kilay niya.

"Isang linggo? Laban na sa finals after that." sabi ni Dan.

"Dont worry. Bibigyan kita ng ibang training." sabi naman ni Shami sakaniya.

Hindi lang normal na sprain ang nasa paa niya eh. Kung tutuusin muntik mabali ang buto niya dahil sa ugat na naipit don. Buti nalang at nahospital siya at napatingin din yung paa niya. Yung sa ulo niya,wala ng marka at parang wala na talaga. Yung nasa paa niya,medyo nalang siguro.

"let's all go home" Sabi ni Shami at nauna ng naglakad palabas.  Nagpaalam na din kami sa ibang players at sinundan si Shami.

"anong plano mo sa laro?" tanong ko naman kay Shami.

napabuntong hininga naman siya at tumigil sa pagglalakad.

"To be honest,hindi na ako ang mag iinstract sakanila sa finals,si Coach na talaga ang hahawak sakanila. Bawal tayong makisawsaw sa desisyon niya." sabi naman ni Shami.

"paano si Dan sa isang linggo?" tanong ko naman sakaniya.

"basics ang gagawin niya para lumakas ang mga muscles niya." Sabi naman niya. "avoid injuries pa yun. Sa basics,pwede pang tumaas ang talon niya at lumiksi siyang kumilos. Sapat na tulong na niya yun sa game." sabi naman ni Shami. Nagsmirked naman siya kaya nagtanong pa ako.

"Hmmm. at ang ibang players?" tanong ko naman sakaniya.

"Sila ang pupuntos ng malaki dito. Lalo na si Nico. Hindi ko siya pinaglaro kanina dahil may mga scouts galing sa ibang school." Sabi naman niya. Oh kaya pala.

"Siya ang laging nahuhuli sa praktis noon diba?." tanong niya saakin. Tumango naman ako. "Sabi din ni Mark. Nakita ko din ang built ng mga legs niya." sabi naman niya.

"Ah ganoon?" Sabi ko naman.

Tumango naman siya.

"Dea asan yung bag mo?" tanong naman saakin ni Max. Napalingon ako sa likod ko. Opx.

"hehehe,mauna na kayo! Kukunin ko lang yung bag ko!" sigaw ko naman sakanila at bumalik sa Gym.

nasa labas palang ako ng gym ay rinig ko ang mga spike ng sapatos sa loob ng gym. Pagpasok ko ay kita ko sina Mark at Dan na naglalaro pa.

"teka!" pagpuputol ko sa paglalaro nila. Napalingon naman saakin si Dan at Mark.

"oh bat nandito ka pa?" tanong saakin ni Mark.

"Naiwan ko bag ko." sabi ko naman at tumango lang sila saakin. "Teka nga!Wag niyo akong winawala! Bat naglalaro ka Dan? Sinabing ipahinga yang paa diba?" sabi ko naman ng nakataas ang kilay.

"Bukas nalang umpisa. Isang linggo na nga lang akong walang praktis eh,sulitin ko na ngayon." sabi naman niya at umiwas ng tingin.

"paano kung lumala---"

"Hays! sana all may nag aalala" pagpuputol saakin ni Mark at Naglakad papalabas na ng gym.

"teka!" pag pigil naman sakaniya ni Dan.

"ok na yun pre,baka mainjured ka lalo" sabi naman ni Mark at agad ng lumabas ng gym.

Naglakad naman ako papuntang bleacher at nakita ko yung bag ko. Hays! bat kasi bumalik pa ako dito.

Tinignan ko si Dan pero parang hindi pa siya kontento sa paglalaro. Lumapit naman ako sakaniya.

"Pagod kana lahat lahat pero sige parin?" sabi ko. Kinuha ko ang bola mula sakaniya. Drinibble ko yun.

Nasa free throw line kami.

"Ang basketball,laro lang to pero ang seryoso niyo about dito" sabi ko at ishinoot ang bola. Naalala ko rin kasi si Liam. Ganiyan din siya non. Ang obssessed sa basketball.

"Hindi lang siya laro. Nasa puso na namin to" sabi naman niya at kinuha din ang bola. Tumingin siya saakin. Napalunok ako.  "Gusto ko na talagang malaman kung sino yung nagturo sayo." sabi naman niya.

"Hmm. Kung pagtatapatin kayo,wala kang panama!" sabi ko naman at tumawa. Syempre kasinungalingan yun. Naniniwala ako na kayang kaya siya ni Dan.

"Talaga?Eh sa puso mo?" Napatigil ako sa tanong niya. Paglingon ko sakaniya ay nakatingin pala siya saakin kaya iniwas ko ang paningin ko.

"Ano anong sinasabi mo" sabi ko at tumawa ng bahagya.

"Hmm. Baka nga,wala akong panama sakaniya,SA NGAYON" idiniin niya pa yung word na sa ngayon. Parang may meaning behind his words.

"oh?Sige galingan mo. Halika na" sabi ko naman sakaniya at inaya na siyang lumabas ng gym. Alam ko kasi na pag iiwan ko siya sa loob,baka maglaro nanaman siya. Ang kulit nito eh.

~•~•~•~•~•~•~

Papasok na kami ng parking ng school.

"F*ck!" Mura niya kaya nilingon ko siya. Lumaki naman ang mata niya.

"bakit?" tanong ko.

"May concert nga pala kami ngayon!" sabi niya naman na ikinalaki ng mata ko rin.

"Hindi ako aabot! Traffic!" inis na sabi niya naman. Natahimik kaming dalawa dahil hindi rin naman namin alam kung anong dapat gawin.

uhm?

Ah! Alam ko na!

"sumunod ka!" sabi ko sakaniya.

Hinila ko nalang siya kasi alam kong marami nanaman siyang tanong.Nakarating kami sa harap ng motor ko.

"Sakay."

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~

A/N.

Hi po! Thanks for reading! Kindly leave a comment and Vote! <3

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now