Max POV
Ang sarap batuhin ni Dea at Dan,same with Nico and Shami. Ang sweet kasi nila,akala mo naman may Label.
"sainyong mga studyante,maybe love is a affection to someone." panimula ni Maam Carla. Bat ba natatackle ang 'Love' sa english subj?. "Naniniwala ba kayo na Love can give you happiness?" tanong pa niya.
"Yes" sagot ng mga kaklase ko.
"Anong opiñion niyo of Love?" Tanong Niya pa. O raise my hand.
Nanlaki pa ang mata niya at napa 'ow' ang bibig bago niya ako tawagin. Anong nakakapagtaka don?
"Love will make you happy? I dont believe that." panimula ko. Kumunot ang noo ni Maam Carla. "In real life,Love will crush you,Hurt you and ruin you. What's the use of loving someone if you aren't meant to be together?" Sabi ko pa. Hindi ko alam pero tumuon ang paningin ko kay Mark. Nakatingin din pala siya pero hindi ako umiwas ng tingin. "Love is full of sh*t. That's the truth about love." bumalik ang tingin ko kay Maam. "Love may make you happy and contented but it will also makes you experience hell in highest form"
"o-ok?" nauutal na sabi ni Maam. Umupo na ako at nagkalumbaba sa table ko. "That's your opinion so wala tayong magagawa" sabi naman ni Maam.
'You're jealous dont you?'
Napairap nalang ako ng maalala ko yung sinabi saakin ni Mark that night. Well,hindi ko napapansin ang kilos ko and wala akong pakeelam.
~•~•~•~•~•~•~•~
*Uwian*
Palabas na kami ng building when i saw Dea. Sumakay siya sa black na sasakyan. Alam kong hindi niya sasakyan yun or sasakyan ng parents niya. Hindi rin kay Dan kasi Red ang sasakyan ni Dan.
~•~•~•~•~•~•~•~
Dea's Pov
"Anong kailangan mo Liam?" i asked. Nandito kami sa coffee shop malapit dito sa bahay.
"Nothing.I just want to see you" sabi naman niya. Iniwas ko yung tingin ko sakaniya at napabuntong hininga.
"Alam mo naman siguro yung saamin ni Dan? Please distance yourself." nasabi ko nalang. Masaktan man siya,wala na akong pakeelam. I dont want to hurt Dan.
"Oh chill. Gusto lang kitang makita yun na yun" sabi naman niya na nagpakunot ng noo ko.
"Alam ko ang tipo mo Liam. Hindi ka titigil hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo. Ano ba talagang kailangan mo saaki----"
"I love you"
he cutted me. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Alam kong mangyayare to pero in actual situation,parang hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam ang sasabihin.
"I'll fight for you. Ako ang nauna Nicajel. I can't give you to him that easily." sabi niya pa. Kita ko sa mata niya ang determinasyon.
"Pero---"
"Mahal mo na siya?" He cutted me again. Iniwas ko ulit ang tingin ko sakaniya at yumuko. "You loved him pero alam mo ba kung gaano ka niya kamahal or kung mahal ka nga ba talaga niya?" he said na ikinakunot ng noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakaniya.
He grinned at me. "Nasabi niya ba sayo na ikakasal sila ni Angel after nila Grumaduated or malay mo bukas,ikakasal na pala sila." sabi niya na ikinatigil ko.
"Hindi yan totoo" sabi ko naman sakaniya. May tiwala ako kay Dan. Kung may nangyayare man sakaniya,alam kong sasabihin niya yun saakin.
Rinig ko ang yapak mula sa likod namin. "Kung ayaw mong maniwala,bakit hindi mo siya tanungin?" Sabi ni Liam.
"Anong g-ginagawa niyong dalawa?" tanong ng boses sa likod namin. Yung amoy na yan. Kilalang kilala ko. Lumingon ako.
Nakita ko si Dan na kasama si Angel.
"Ano ring ginagawa niyo?" tanong ko pabalik sakanila.
Tumayo na ako at akmang aalis pero may humawak ng risk ko kaya napatigil ako. Napatingin ako sa taong yun.
"Dan. B-bitiwan mo ako" nasabi ko nalang habang nakayuko. Hindi ko na makita ang sahig. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha na naiipon sa mata ko.
"Mag-usap muna tayo" sabi niya at hinila ako palabas ng coffee shop. Hinila niya ako sa side ng shop.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya naman saakin.
Hindi ko siya sinagot at umiling lang habang nakayuko parin. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang paningin ko para magpantay ang mata namin. Nang magtama ang mata namin,agad kong iniiwas ang Paningin ko. Ramdam kong pinanusan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaking daliri niya.
Tinapik ko ang kamay niya kaya napabitaw siya sa paghawak sa mukha ko.
"Wag mo akong hahawakan." sabi ko sakaniya. Kinunotan niya naman ako ng noo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at sinuyo niyang tignan ang mukha ko pero iniwas ko ang paningin ko.
"Ano bang pinag-usapan niyo at ganiyan ka? Hindi ko alam ang gagawin hanggat hindi mo sinasabi saakin kung anong problema! Hindi ka naman iiyak kung hindi yan---"
"Ikakasal ka pala,hindi mo sinabi saakin." pagputol ko sakaniya. Kahit anong tanim ko sa utak ko na may tiwala ako sakaniya,na siguro hindi yun totoo pero hindi talaga mawala saakin ang masaktan.
Natahimik nalang siya at binitawan ang pagkahawak sa balikat ko. Pinunasan ko yung luha ko at tumayo ng tuwid sa harap niya. Sa wakas,naangat ko rin ang paningin ko.
"Sinabi niya saakin na mahal niya ako. Sinabi niya rin na hindi niya ako isusuko sayo at sinabi niya na ikakasal ka kay Angel after graduation or malay ko daw bukas na." sabi ko sakaniya. Natawa ako ng mapait. "Sana sinabi mo nalang saakin. Mahal mo ba talaga ako o niloloko mo lang ako? Ang labo mo eh" sabi ko kay Dan. Doon na napaangat ang tingin niya. Sinalubong niya yung tingin ko sakaniya.
"Oo hindi ko sinabi sayo pero kailanman wag mong pagdududahan ang nararamdan ko para sayo kasi mahal na mahal kita---"
"Kung mahal mo ako,bakit ka ikakasal sa iba!" bulyaw ko sakaniya. Hindi ko na mapigilan na sigawan siya.
"Makinig ka muna--"
"Hindi! Ayoko na. Ok na rin to. Hindi kapa nagsisimula,tatapusin ko na" sabi ko. "W-Wag mo na akong lalapitan!" inis na sabi ko sakaniya. Tumalikod na ako at akmang aalis na pero naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Naramdaman ko ang mainit na likido mula sa balikat ko kung saan nandoon ang ulo niya.
Umiiyak siya?
"Please,Nica. Makinig ka muna---"
"Hindi na Dan. Baka magsisinungaling ka lang." Sabi ko sakaniya. Inalis ko yung pagkayakap niya saakin. "Hinihintay kana ng bride mo sa loob ng coffee shop" dagdag ko pa at naglakad na ako paalis.
Feeling ko every hakbang ko paalis ay ang bibigat. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko na hindi ko siya pinakinggan.
'Dea,wag kang lilingon.'
Napapikit nalang ako. Alam kong pag lumingon ako,babalik at babalik ako sakaniya.
Napahinga ako ng malalim ng makapasok na ako sa subdivision namin. Ang bilis na ng hakbang ko papunta ng bahay.
*knock knock*
Agad namang may nagbukas ng pinto. Agad agad akong umakyat sa kwarto ko at walang kinausap ni isa.
Ang sakit.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan. Parang sa pangalawang pagkakataon,parang ang bigat ng pakiramdam ko. Isinuksok ko yung ulo ko sa mga unan ko at dun na nagsimulang umagos yung mainit na likido na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ako? Bakit saakin nangyayare to?
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
A/N.
Hi! Mukhang hindi pa nasisimulan,tinatapos na. HAHAHA well,madalas naman mangyare sa totoong buhay.
no hate spread Love. <3
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Roman pour AdolescentsThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020