Chapter 5

5 1 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Tapos na ang concert at di ko akalain na ganoon sila kagaling. Natahimik na si Shami kanina at nanood nalang. Si Max naman ay busy lang sa pakikinig. Ewan ko ba sakanila. Ako naman? Wala, nawala na sa concentration simula nung maalala ko yung ginawa ni Dani Boy saakin. Tsk.

Nasa labas na kami at nagpunta na kami sa parking.

"Oh!uuwi na ba kayo?" Tanong naman ni Nico na nasa harap ng isang Lyran Hypersport na sasakyan.

Oh my ghad?

"Wtf? Lyran ba yan?" Tanong ko sakaniya habang nakaturo sa sasakyan niya.

Tumango lang siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na napatakbo papunta sa sasakyan niya.

"Pwedeng hawakan?" Tanong ko.

"Oo naman" sabi niya at ngumiti.

Wahhhhhh! Feeling ko may heart na sa mata ko!. I love cars!.

Kinapa ko at dinama ang sasakyan niya. Oh my ghad?!!!!!nakahawak ako ng Lyran hypersport na sasakyan! Wahh!..$3.4 million kasi ang sasakyan na yan!. Hahaha. Kamahal!

"Mahilig ka pala sa sasakyan" sabi naman ni Mark na nasa likod ko na pala.

"Oo hehe" sabi ko naman at napakamot ng batok. Inayos ko ang sarili ko at tumayo ng tuwid.

May pinindot naman siya at tumunog ang isang sasakyan na nasa tapat lang pala ng sasakyan ni Nico. Napanganga nalang ako.

"McLaren P1 LM!!!!!!” di ko mapigilang mapatili. Pareho sila ng color ng sasakyan ni Nico. Color black. Hindi ako makapaniwala!. Nag-aaral palang sila pero may ganito na silang sasakyan!

"uuwi na ba?" Tanong naman ni Dani Boy.

Tinignan ko naman siya ng nakangiti. Baka may sasakyan din siya hehe.

"Hindi ko dala sasakyan ko.” sabi niya at umalis na sa harap ko. Tumabi siya kay Nico. Inirapan ko nalang siya. Akala ko pa naman!.

Maka alis na nga!. Naglakad na ako papunta sa motor ko. Ganoon din sila max at Shami pero nagpaalam muna sila kila Mark.

Pinaandar ko na ang motor ko, ganoon din sila Max at shami. Inihinto namin sa harap nila.

"pano ba yan, uwian na!" Masiglang Sabi ni Shami. Nakatunganga naman sila Mark na nakatingin saamin.

"Walang uuwi.” sabi naman ni Dani Boy.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Naglakad siya papunta sa harap ko.

"anong ginagawa mo?!" Sigaw ko sakaniya.
Sumakay siya sa likod ko. Nakisakay sa motor ko? Huhuhu!

Wala pa akong sinakay na kahit sino sa motor na to!.

"Ngayon lang ako sasakay sa motor eh. Joyride!" Masigla naman na sabi ni Dani Boy. Parang ibang Dan ang nasa likod ko ah. Para kasi siyang bata.

Gaya ng ginawa ni Dan. Nakisakay naman si Mark kay Shami at si Nico naman kay Max. Maiingayan lang apat na yan. Ayaw ni Max ng maingay pero si Nico ang nasa likod niya. Si Shami naman ay ang ingay pero hindi naman pag nagmomotor.

"San punta natin?” tanong ko naman.

"tara sa resort namin!. Sa may Poraq! White sand dun!" Sabi naman ni Dan.

"Ituro mo saamin ang daan, Dan” sabi ko naman. Parang nagulat siya sa sinabi ko kaya napa-isip ako.

Natahimik din ako ng marealize ko.

" b-bawal ka bang tawagin sa first name mo?" Sabi ko naman at tumingin sa malayo.

"Tara na! Andami mo pang arte!" Sabi naman niya. Nag-init bigla ulo ko.

"Eh kung ilaglag kita?!" Sabi ko naman sakaniya.

"Kaya mo?!!" Balik niya naman.

"Tsk!”.

Pinaharurot ko kaagad ang motor ko palabas ng parking. Nagtungo kami sa poraq pero di ko alam kung saan dito kaya tinuturo ni Dan kung saan papasok na kanto papunta sa resort KUNNO nila.

~•~•~•~•~•~•~

After ng biyahe. Mga 1 hour ata kami nagmotor. Nandito na kami sa resort nila. Private resort nga kasi oo, resort na resort. Sobrang ganda pero wala masyadong tao.

May tao pero caregiver lang tapos mga kasambahay nila or what. Rest house daw kasi nila yun.

Nakaupo kami sa sand malapit sa dagat. Nilanghap ko ang masarap na hangin. Hay! Ngayon lang ako nakaramdam ulit ng ganito kapreskong hangin!. Sana all may resthouse na ganito.

"gabi na ah, may pasok pa tayo bukas” sabi naman ni Max. Tinanggal niya ang headphone niya at inilagay sa bag na bitbit niya palagi.

"Dito na tayo matulog. Pwede naman tayong umabsent bukas, kami bahala.” sabi naman ni Mark. Napatango nalang si Max.

Niyakap ko ang sarili ko ng biglang lumakas ang hangin. Mukhang hindi na magandang lumapit sa dagat. Malamig na at mataas ang tubig.

Nawala ang lamig ng ipatong ni Mark ang jacket niya sa balikat ko.

"para hindi ka lamigin" sabi niya at ngumiti saakin. Nginitian ko naman siya pabalik. Hindi ko alam pero kinikilig ako kay Mark.

"Bumalik na tayo sa loob. Nilalamig na si Demonyo at Panget. Hahaha!" Pagtawa naman ni Nico. "Nilalamig pala ang Demonyo!" Malakas na sabi niya pa.

Sa inis ni Shami. Tinuktukan niya si Nico. Ayan, nakahawak tuloy sa ulo.

"Tumahimik ka unggoy!" Sabi niya.

"Tara na." Maiksi na sabi ni Dani Boy. Bumalik nanaman pagtawag ko sakaniya ng Dani boy hahaha. Di na talaga maaalis.

Pumunta na kami sa loob ng bahay dito. Maliit lang pero maganda.

Pagpasok mo at may sala set na agad at kusina sa left side niya. Ang sala niya ay maliit lang. Mahaba na sofa tapos dalawang single sofa. Then tv dun sa may pader sa tapat ng mahabang sofa.

Sa kusina naman ay pagpasok ay mesa agad. Then ref sa right side tapos ayun, basta nandoon lahat ng kailangan pero maliit lang.

Pag-akyat naman ay may Dalawang kwarto.

Pagpasok ay tatlong kama na tabi tabi na yun. Pwede pang pagdikit dikitin kung gusto namin eh.

May veranda din ang dalawang kwarto. Ang ganda kasi tanaw ang dagat. At pag nasa veranda, kita rin namin ang veranda ng boys sa left.

~•~•~•~•~•~•~

Hayyy!?

"GOOD MORNING!" isang malakas na bunganga ang bumulaga saakin.

"Lian naman, matutulog pa ako" sabi ko naman.

"anong lian ka dyan! Wala ka sa bahay niyo!." Malakas na sigaw ulit saakin kaya napabangon ako.

Si Shami ang nakita ko at wala na akong katabi. Oh my ghad? Nasan ako?

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Gaga! Nasa resort tayo nila Dan!" Sabi naman ni Shami.

Ah oo nga pala!!!!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N

Hi guys. This place exist. Wag na kayong magtaka hahaha.

KINDLY VOTE AND COMMENT. :)

THE ALMOST PERFECT GUYWhere stories live. Discover now