*present time*
Dea's POV
After that party,Naging blangko nalang utak ko. Hindi ko alam kung anong iaakto sa harap ni Dan. Iniiwasan ko siya sa sobrang hiya.
Sa twing nasa klase kami,hindi ko siya kinakausap kahit na kinakausap niya ako. Hindi na din ako kumakain sa canteen. Lagi akong may baon at nag stay lang sa room. Uwian naman ay nauuna akong lumabas. Sa twing makakasalubong ko siya ng hallway,nag iiba ako ng daan.
Hindi ko alam kung paano na!
Wala na rin yung mga babae na umaaligid sakanila. Si Angel lang ang kasama nila na makati talaga. Pero hindi na ganoon kalala ang kapit niya kay Dan.
Lumipas ang isang linggo na ganoon ang ginagawa ko. Sinesermonan ako ni Shami pero hindi ko pinapakinggan.
Hindi din nag-uusap si Max at Mark. Nag iilangan sila eh. Tamang headset nalang at cellphone. Yan sila eh.
~•~•~•~•~•~•~•~
"Hoy ija. pinapatawag ka sa Company ng Daddy mo." sabi ni Manang saakin.
"Sabado po ah" sabi ko naman."Walang weekends,pagdating sa magulang mo" sabi naman ni Manang. Napakamot nalang ako ng ulo.
Napasulyap ako kay Lian pero wala parin siyang imik. Gusto ko siyang tanungin about sa abortion na ginawa niya. Bakit niya ginawa yun pero wala siyang sinabi saakin.
Umakyat na ako sa kwarto ko at agad ng nagbihis.
*Alonzo Company*
Agad akong pumasok. Nasa US si Daddy ah,bakit ako pupunta dito?.
"Ah Maam,sa office nalang po ng daddy mo" sabi niya saakin. Tumango naman ako at agad umakyat. Pagdating ko sa floor kung saan naroon ang office ni Daddy ay nagtitinginan ang mga tao sa paligid ko. Ang weird tuloy.
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.Nagkukumpulan ang mga impleyado sa iisang pwesto.
Pumasok ako sa office ni Dad. Pagpasok ko ay laking gulat ko ng kompleto ang pamilya. Hanep.
"Kailan ka pa dumating dad?" tanong ko naman.
"Basta. Take a seat" sabi niya naman.
Pag-upo ko ay napansin ko yung bata na nakatingin sa bintana. May nakahawak sakaniyang babae na baka nasa 50 na niya.
Lumingon sila at halos lumuwa mata ko.
"Oh Gelo?" sabi ko sa bata. Ngumiti naman siya sakin ng alanganin.
"Hi ate" nahihiya na sabi niya. tumawa naman ako ng bahagya.
"sus,artista na tapos nahihiya ka pa" sabi ko naman sakaniya. Ngumiti naman siya ng alanganin. Parang alam ko na kung anong meron ngayon.
Nandito din si Kuya.
"Kilala mo siya?" tanong naman ni Kuya saakin. Tumango naman ako.
"Kami ni Dan ang nagpasok sakaniya sa Showbiz" sabi ko at ngumiti. Umiwas naman ng tingin si Kuya. Alam ko na nga.
"Andito na tayong lahat" sabi ni Dad.
Naupo na silang laHat. Katabi ko si Mom at Kuya. Si papa ay may sariling upuan. Nasa harap naman namin si Gelo at yung babae.
"May ipagtatapat ako" sabi ni Dad. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what. Ngayon ko lang kasi siya narinig na kinakabahan. "May tinatago ako sainyo. Mga sampong taon na" sabi ni Dad.
Tumingin naman ako kay Gelo. Mukhang kinausap na siya.
"Gelo is our brother?" Pinangunahan ko na si Dad. Napatingin sila lahat saakin. "What?" i asked.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Roman pour AdolescentsThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020