"Hindi nalang din sana ako pumasok! Kung hindi lang ako manager ng basketball team,baka hindi na ako pumasok sa sobrang inis!" sabi ni Shami. Kanina pa yan actually. Paulit ulit lang naman ang sinasabi.
"Tapos kana?" tanong ko sakaniya kasi kanina pa siya lamon ng lamon.
"Hindi pa." sabi niya at kumain nanaman.
After ilang minutes. Rinig na namin ang ingay ng mga babae. alam ko na agad kung sinong paparating.
"Tara na" yaya ko kay Shami pero bago pa kami makalabas ng pinto ay nasalubong namin sila Mark kaya hindi kami makalabas at hindi din sila mapasok.
"Tabi" kalmado na sabi ko sakniLa.
Pero walang gumalaw ni isa.
"Kung may dapat na tumabi,kayo yon" sabi nung babae na nakakapit kay Mark.
"Ah." sabi ko lang. Tinignan ko na siya sa mata sa mata. "Tatabi kayo o hindi?"tanong ko pa.
"Chill." sabi saakin ni Shami kaya napatingin ako sakaniya. Pinagpapawisan siya. "Kung ako sainyo,tatabi na ako. Once na tinignan ka sa mata ng isang yan,delikado ka" sabi naman niya. Kilala talaga ako neto.
"Ow? Cool" sabi naman nung babae na nakakapit kay Nico. Nag-iinit na ulo ko sa kaartehan ng mga to. Sapat na siguro yung isang araw at kalahati na nanahimik ako sa kaartehan nila.
"Can you please move" sabi ko sakanila pero walang gumalaw. Tinignan ko sila isa isa.
"So? Wanna kill us?" sabi nung babae na nakakapit kay Mark. Biglang nagdilim ang paningin ko.
"Oh no" yun nalang ang narinig kong sinabi ni Shami.
*bogsh!*
dun lang bumalik ang paningin ko. Pagtingin ko ay nakahandusay na sa sahig yung babaeng nakahawak kay Mark. Yung cheer captain kunno.
"What the?---" Hindi makapaniwala na sabi nila. Tinignan ko lang sila ng masama.
"wag niyo akong iniinis." Yung lang ang sinabi ko at umalis na.
Pearl POV
Pipigilan ko sana si Max pero pag nagdilim na ang paningin niyan,lahat ng aawat,sasapakin niya.
Sinabunutan niya yung babae at pinahalik yung sahig. Tinadyakan niya pa sa bandang likuran.
Napa aray nalang ako. Parang ako nasasaktan.
"Awatin niyo!" Sabi ng ibang studyante pero ni isa walang gumalaw dahil parang napako sila sa kinatatayuan nila.
Sila Mark,Nico at Dan ay nakalaki lang ang mata na nakatingin kay Max.
"Sabi sainyo eh." sabi ko nalang. Napatingin naman sila saakin."Awatin mo!" sabi ni Nico saakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Pag may umawat,sasapakin niyan. Kahit kaibigan ka pa niya." sabi ko naman sakaniLa.
matapos tadyakan ni Max ng 3 beses ay tumigil na siya. Tahimik ang lahat at pinakiramdaman siyA.
Tumayo na siya ng tuwid at hinawi ang buhok niya palikod.
Tinignan sila isa isa ni Max ng masama.
"What the?---" Hindi matuloy ni Nico yung sinasabi niya dahil sa gulat.
"wag niyo akong iniinis." sabi niya at nauna ng naglakad. Nakatingin naman ako dun sa babae. Mukhang nawalan ata ng malay.
"Kung ako sainyo,dalin niyo sa clinic yan." sabi ko at tinalikuran na sila. Bago ako umalis dun nag-iwan pa ako ng salita. "Binalaan na kayo,sumasagot pa kasi. Yan napapala ng bitch ang ugali" sabi ko at umalis na sa lugar na yun.
Kahit naaawa ako dun sa babae. Ewan. Nangingibabaw yung inis. Sabihan niyo na ng immature pero meron talaga sa part ko na naaawa pero meron din yung part na buti nga sakanila.
Agad akong tumakbo at hinagilap kung saan nagpunta si Max pero hindi ko siya makita.
"asan na ba yun!"Inis na sabi ko. Hindi ko siya naabutan. Hindi ko alam kung saan siya lumiko.
"Mukhang galit si Maxine"
Napalingon ako sa nagsabi non.
"Ah ikaw pala,Lee" sabi ko naman sakaniya. Lumapit siya saakin. "Nakita mo ba si Max?" tanong ko sakaniya.
"Umuwi. Nakita ko siya sa parking kanina" sabi naman niya saakin.
Ano naman kayang ginagawa ng isang to sa parking? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pano ka napunta sa parking?" tanong ko naman sakaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Late ako eh" sabi niya naman at nagkamot ng batok. Nagform tuloy yung muscles niya sa braso. Ang pogi rin ng isang to eh.
"Sige mauna na ako" sabi ko sakaniya. Nilagpasan ko na siya pero bigla niya akong tinawag kaya nilingon ko siya ulit.
"Ihahatid na kita sa room mo" sabi niya naman saakin. Wala akong masabi at tinignan lang siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. "M-malapit lang din don ang room k-ko eh" sabi niya naman at umiwas ng tingin.
Napangiti nalang ako. Ang cute niya kasi. Kita ko ang pamumula ng tenga niya.
"S-sige" sabi ko at nginitian siya. Tumango naman siya at naglakad na kami papunta ng room.
Malapit na kami sa room nang mahagip ng mata ko sina Nico. Magkakasalubong nanaman kami.
Nasa labas na kami ng room at ang awkward dahil nasa magkaharap kami ni Nico.
Unang pumasok si Dan at Mark. Si Nico ay nakatingin lang saakin. Umiwas naman ako ng tingin.
Bahala siya diyAn.
"Sige,mauna na din ako." sabi ni Lee saakin at ngumiti. Ngumiti din ako sakaniya at ginulo ang buhok niya.
"thank you ah" sabi ko at ngumiti ng sagad. Wala lang,maganda lang mang asar.
Kita ko ang pamumula ni Lee. Ang cute hehehe. Sa puti niya,nangibabaw ang pagpink ng pisngi niya. samantala,namumula nanaman ang tenga niya. Ang cute.
"ang cute mo mamula hahaha" sabi ko naman at pinisil pa ang pisngi niya.
Ramdam ko ang tingin ni Nico saamin. Wala akong pake elam.
"Sige,kita nalang tayo sa praktis mamaya" sabi ni Lee at ngumiti.Ngumiti din ako pabalik at kumaway pa.
"Oh bakit andito pa kayo" sabi ni Miss Marilyn na nasa harap na pala namin.
"Sorry Miss. Hiramin ko muna si Shamia,Pinapatawag kami ng coach" sabi ni Nico na nagpalaki ng mata ko.Bago pa ako magprotesta ay hinila na niya ako. Nakatingin lang ako sa likod niya habang hila hila niya ako.
"Hoy! San ba tayo pupunta?" tanong ko sakaniya. Tinignan ko ang paligid. "Hindi naman ito ang daan papuntang office ni Sir ah!" sabi ko sakaniya. Hindi niya ako pinansin at hinila parin ako. Hinihila ko ang kamay ko pero ang higpit ng hawak niya.
"Ano ba! Masakit na!" inis na sabi ko sakaniya.
Namalayan ko nalang na nasa parking na pala kami. huh? Anong ginagawa namin dito?
"Saan ba talaga tayo pupunta!" inis na sabi ko sakaniya.
Nakarating kami sa sasakyan niya. Hinila niya ako at agad na hinigit papunta sa sasakyan niya.
"Aray!" reklamo ko. Tumama lang naman ang likod ko sasakyan niya. Hello! tao ako,hindi ako basta hinahagis lang.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
A/N.
Thanks for reading! Hope you like it. Kindly vote and leave a comment.
no hate,Spread love.
YOU ARE READING
THE ALMOST PERFECT GUY
Novela JuvenilThe almost perfect guy. Mr. Dan Xailer Rodriguez. Cool. Hot. Famous.Rich.Handsome.Sporty. but a slight bully guy. COMPLETED: May 3,2020