Sino ang Pilipino? ni Marjorie Abaya

135 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

      Ang bansang  Pilipinas.Itoy isang bahagi  ng mundo likas na kayamanan na pinagkaloob ng Diyos.Sa mga taong kanyang nilalang mahalagang dapat mahalin at pakaingatan.Dito tayo naninirahan  habang taglay ang buahy na  kanyang pinahiram .

      Bilang isang Pilipino may karapatan tayo  na alalahanin at tunghayan ang kasaysayan  ng  Pilipinas .Kung saan ito nag mula at kung paano naging bansang Pilipinas .Bilang Pilipino tayo ang nag iisang dapat manirahan dito.

      Nang ang bansang Pilipinas ay sakupin ng  mga dayuhang Espanyol .At napasailalim tayo ng kanilang kapangyarihan .Ang sambayanang Pilipino ay nawalan ng karapatan na gawin ang kanilang bawat naisin.Naging sunod-sunuran na parang isang alipin ang mga Pilipino .

        Dahil sa maraming bayani at mga sinaunang Pilipino at mga ninuno ,katulong sila na bawiin ang ating bansa  sa pananakop ng mga Kastila .Maraming bayani ang ibinuwis ang sariling buhay .Dahil sa kanilang taglay na talino , angking tapang at ,pag-kakaisa .Muli nabawi nga tagumpay naibalik  ang katahimikan ,kalayaan,at karapatan bilang sambayanang Pilipino.Sa tatlong pulo ng Pilipinas ,Luzon ,Visaya,at Mindanao simbolo na binuo dito at naganap ang pag aalsa ng maraming Pilipino.Maraming hirap at parusa ang dinanas ng bawat isa  sa sariling bansa .

        At sa panahong ito ngayon bansang Pilipinas mayaman maunlad miapagmamalaki natin sa mga karatig bansa.Na sa kasaysayan isang pamanang iniwan sa atin ng magigiting nating mga bayani .Ito’y walang katumbas na kayamanan salapi o ginto man na di puweding nakawin nino man.Sari-saring lahi man ang manirahan sa ating sariling bansa  sa isip,sa diwa .gawa ,at salita ang pagka-Pilipino ay di mawawala.

        Hindi sapat ang may sariling bandila na ating winawagayway pambansang kasuotan,kultura ,laya o wika para maging isang tunay na Pilipino .Ang mga tinaguyod at pinag laban ng mga sinaunang Pilipino ay isang malaki at magandang ehemplo na dapat nating tahakin at tularan at patuloy na ingatan.

            Dapat magkaroon ng kahulugan ang salitang Nasyonalismo ito ay pagmamahal at may damdaming makabayan,at pag iingat  sa lahat ng bagay na maituturing na sariling atin .Alalahanin lagi tandaan ang Pilipinas ay para sa Pilipino lamang at tanging sambayanang Pilipino lamang ang magmamahal sa pilipinas ng buong puso .

            Hindi ang Espanyol o ang mga Amerikano ,Hapones,o taga ibang bansa pa.

            Ako,ikaw ,tayong lahat,sambayanang Pilipino,noon ngayon at magpakailanman..

                                                MABUHAY ANG PILIPINO!           

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon