Sino ang Pilipino? ni Fay Moreno

16 0 0
                                    

Sino ang Pilipino ?

                           Sino nga ba ang Pilipino ? Ang Pilipino ba ay isa lamang na lahi ? May importansya ba sila sa mundo ? Mapapansin ba nang mga dayuhan sa mundo kung wala na ang mga pilipino sa mundo ? Para sa akin ang sagot sa lahat ng katanungang ito ay oo.

                            Pilipino isang lahi sa mundo na may malaking populasyon at marami ring mga mahihirap at walang trabaho sa lahing ito ngunit kahit ganito ang mga buhay ng tao rito hinding hindi nila nakalimutang ngumiti. Palakaibigan, mabait, matapat, mapagbigay, matalino, masipag at syempre masayahin ito ay ilan lamang sa magandang ugaling taglay ng mga Pilipino. Marami nang mahihirap na Pilipino ngunit hindi ito naging hadlang sa kanila para maabot ang kanilang mga minimithing pangarap sa buhay. Ihalimbawa na natin ang ibang mga mayayaman na tao sa industriya, mga masisipag na sila na nagtratrabaho at nagpupursige magaral kaya sila'y yumaman at nakuha ang kanilang mga gusto sa mundo

                          Masaya maging Pilipino dahil sa kanilang magagandang katangiang taglay. Sa sining, sa mga larong pangpalakas magbigay ka pa ng iba't ibang bagay na pwedeng salihan siguradong may pilipinong sumasali sa kompetisyon na iyon. Manalo man o matalo masaya na ang mga Pilipino dahil sa opertunidad na naibigay sa kanila ng mga tao. Marami ring magagandang kultura na pwedeng maipagmalaki ng mga Pilipino ngunit naimpluwensyahan na ng iba't ibang kultura ng mga dayuhan. Simulan muna natin sa simula, sa hirap nang bansang Pilipinas kailangan pumunta ng ibang mga Pinoy sa ibang bansa dahil nais nilang bigyan ang kanilang mga pamilya ng magagandang buhay. Ang iba naman walang sariling pamilya ngunit kailangan nilang buhayin ang kanilang mga magulang. Ang mga pinay na walang asawa ay may 45% na may mapangasawang banyaga kapag sila ay pumunta sa ibang bansa upang makapagtrabaho. Kaya ang mga sumusunod na henerasyon ay walang kaalam alam sa kultura ng mga Pinoy. Sayang nga Bakit ? Nakakawa ang mga batang may lang pinoy na hindi alam ang kanilang mga magagandang kultura na pwede ikalat at ipagmalaki sa buong mundo. Tsaka bakit kailangan pa ng mga pilipino magabroad ? Alam kong mahirap ang buhay sa Pilipinas ngunit magsipag ka lang okay na pero depende pa ito sa tao.

                         Pilipinas isang bansang nasa Timog Silangang Asya. May 7 107 na pulo at dito nagsimula ang lahing pilipino. Alam niyo bang madaming artista na may lahing pinoy? Hanapin niyo sa google pangako madami talaga. Ito ay isa lamang sa mga prueba na magaling an mga pilipino sa sining, pagaarte o pagsasayaw ang mga pilipino. Meron pa! Ang mga pagkain rin na kinagigiliwan ng mga dayuhan ihalimbawa na natin ang duryan, pinatuyong hinog na mangga at syempre balot

                          Bumalik naman tayo sa nakaraang dalawang siglo o ang panahon ng mga kastila. Naging sikat ang mga pilipinong manunulat katulad nila Graciano Lopez Jaena, Marcel H. Del Pillar, Antonio Luna at ating pangbansang bayani na si Jose Rizal dahil sa pagprotekta sa mga pilipino sa gamit ng pagsusulat ng mga patama sa kastila. Marami pang mga makasaysayan na dating nangyari at nagsimula ito noong nananakop ang mga kastila at noong inapi tayo nila. Doon lumabas na kaya ng mga pilipinong makipaglaban at magprotekta ang kanilang kapwa lalo na ang mga inaapi.

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon