Sino ang Pilipino? ni Radin Tagarino

92 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

Sino nga ba ang mga Pilipino? Ikaw, ako,o tayo bilang isang Pilipino na kabilang sa mundong ito.

Ako ay Pilipino marahil ikaw din ay Pilipino ngunit Sino nga ba tayo bilang isang Pilipino? Ikaw at ako ay Pilipino, tayo ay Pilipino na dapat ipagmalaki sa buong mundo. Pilipinong handang LUMABAN at MAKIPAGSABAYAN sa mga dayuhan kahit na ang pupuntahan ay walang kasiguraduhan dahil ang tunay na Pilipino ay may PANINIDIGAN at LAKAS NG LOOB sa kahit saan.

MAKATAO, MAKADIYOS, at MAKAKALIKASAN ganyan ko mas kilala ang tunay na Pilipino. Pilipinong MAKATAO sa kahit na ano pero. Paano nga ba matatawag na MAKATAO ang isang Pilipino? Sa pamamagitan ba ng pakikipagtulungan sa iba? O sa pagkakaisa ng bawat isa? O mas magandang sabihing nagkakaroon ng bayanihan sa bayan ni juan sa oras ng sakuna.Kung sa tingin mo “oo” tama ka sa pagkakaroon ng bayanihan mas kilala ang Pilipino. Pilipinong handang tumulong sa bayan niyang sinilangan at sa kapwa tao niya na walang hinihintay na kapalit. Maraming Pilipino na ang nagsakripisyo sa bansang ito makamit lang ang hinahangad na kalayaan.                  Mga tinuturing nating mga bayani na lubos ang pagmamahal sa perlas ng silangan.

Pilipinong may takot sa diyos at may pananalig sa kanya .Pilipinong handang makipagtulakan at makipag apakan sa iba mabalik lang ang nawalang pananampalataya nito sa kanya marahil nabubuo na sa inyong isipan ang gusto kong ipadama pero sa panahong ito talamak na ang patayan,nakawan,at iba pang krimen sa ating bansa. Napapansing nawawalan na ng pananalig at takot sa diyos na lumalabag sa mga utos nito. Sa tingin ko na sana magustuhan ninyo na dapat nating ibalik ang nawalang pananalig sa diyos upang tayo ay masabing isang tunay na Pilipino.

MAKAKALIKASAN isang katangian ng mga Pilipino na patuloy dapat nating pagyamanin pero sino ang makapagsasabing nabibigyan pa ng pagpapahalaga ang sarili nating kalikasan kung kaliwat kanan natin itong sinisira na nagdudulot ng malawakang pag baha, flash flood at polusyon sa ating kapaligiran.

Paano ang mga hayop na naninirahan dito? At ilang tao pa ba ang dapat mamatay bago ihinto ang illegal na gawaing ito. Tandaan tayo ay DISIPLINADONG Pilipino na nabansagang MAKATAO, MAKADIYOS, AT MAKAKALIKASAN na dapat panatilihing ugali natin.

 Si Dr.Jose Rizal, Apolinario Mabini, Andress Bonifacio  ay ilan lang sa mga matatanyag at dakilang bayani ng ating bayan. Mga pilipinong gumising sa mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino noong tayo ay sinakop pa ng ibang bansa. Sila ay nagbuwis ng buhay makamit lang ang ating karapatan at kalayaan sa bansang ating kinagisnan. Ngunit sila nga lang ba ang matatawag na bayani ng bayan? Paano ang mga magsasakang patuloy na  nag-tatanim at nag-aani ng palay, mga gurong nag-susumikap makapaghatid lang ng kaalaman, mga pilipinong lumalaban para sa ating bayan, at mga magulang na nagsusumikap mabigyan lang  tayo ng magandang buhay. Sila ba ay matatawag ding bayani ng bayan? Kung sa palagay mo ay “oo” tama ka pero Paano ba sila natawag na isang bayani ng ating bayan?

Hindi basihan ang magbuwis ng buhay para matawag tayong mga pilipinong bayani. Ang makatulong at makapagdala  lang tayo sa ating bayan ng karangalan na walang hinihinging kapalit ay tinataguriang mga kasalukuyang bayani.Ilan sa mga pilipinong bayani na nakapaghatid  sa atin ng karangalan ay sina Efren Reyes, Lea Salongga, at ang iba pa nating mga pambato sa mga atleta kasama diyan ang grupong gilas pilipinas,  at marami pang iba.

Ako ay isang pinoy sa puso at diwa, isang tunay at tapat na Pilipino ng aking henerasyon na nangangakong bilang isang Pilipino susunod ako sa mga batas at patakaran ng bansang aking kinabibilangan para akoy masabing TUNAY at DISIPLINADONG Pilipino.

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon