Sino ang Pilipino? ni Luwela Rodrigo

32 0 0
                                    

Sino ang Piliino?

 Pilipino, Sino Ka Nga Bang Tunay?

 Ako, ikaw, siya, sila – ano nga ba tayo? Mga taong inalipin sa sariling bayan. Karangalan, dignidad, katarungan, pagkakakilanlan at kalayaan – mga bagay na sa atin’y ninakaw. Labis na inalipusta at binigyan ng mga di makatarungtang bansag – indiyo, mangmang, tanga, walang alam, timawa at bobo. Pilipino, ang mga taong labis na nilapastangan at tinanggalan ng dangal at kalayaan. Pilipino, ang mga lumaban hanggang huli upang matamasa ang katarungang matagal na inasam. Pilipino, ang mga taong patuloy na ngumingiti at lumalaban sa kabila ng laksa-laksang pasakit na nararanasan. Pilipino, ang mga taong salat sa pagkakakilanlan. Sino ka nga bang tunay?

 Mahigit na pitong libong pulo na bumubuo sa tatlong isla – Luzon, Visayas at Mindanao. Sandamukal na pangkat etniko dito ay matatagpuan, Aeta, Manileno, Batangueno, Kapampangan, Cebuano, Badjao at Bisaya, pero kapag pinagsama-sama ay nagiging isa lang – sila ay mga Pilipino. Kung dati’y uhaw sa pagkakakilanlan, pansariling wika at ng iba pa, ngayon ay malaya na. malayang tinatamasa ang ating kalayaang ipinaglaban ng maraming taon, malayang nakakamtan ang katarungang matagal na inasam, malayang nasasambit ang pansariling wika, malayang nakapag-iisip at higit sa lahat ay malayang naipahahayag ang kanya-kanyang saloobin at opinyon.

 Pilipino. Maihahalintulad sa isang puno ng Narra na rinaragasa ng isang napakalakas na bagyo ngunit patuloy paring nakatayo. Bakit? Dahil kilala ang puno ng Narra sa pagiging matibay at matatag nito, parang tayong mga Pilipino, hindi sapat ang mga suliranin para maitumba tayo. Ganyan tayong mga Pilipino. Kung ang mga banyaga nga ay napalayas natin sa ating teritoryo, ang mga suliranin pa kaya? Iyan ang dahilan kung bakit nakilala tayong mga Pilipino sa buong mundo bilang matatatag, matitibay, palaban at matatatapang na nilalang.

 Sino ako? Sino ka? Sino sila? Sino siya? Sino tayo? Tayo ay mga Pilipino. Kilala bilang isa sa mga pinakamababait at pinakamapagkakatiwalaang tao sa buong mundo. Kilala sa pagiging tradisyunal at makaDiyos. Tayo ang mga taong hindi pumayag na magpaalipin habang buhay sa mga mapang-abusong banyaga. Tayo ang mga taong bumawi sa sariling atin na siyang ninakaw ng mga walang puso at lapastangang nilalang. Tayo ang mga taong may puso at kinikilala ng buong mundo dahil sa angkin nating galing at talento. Tayo ay mga Pilipino, may pagkakakilanlan, may dignidad, may karangalan, may malayang pag-iisip at maligayang namumuhay. Tayo ang mga Pilipino at malaya na tayo!

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon