Sino ang Pilipino? ni Jayvie Rivera

31 0 0
                                    

‘Sino ang pilipino’

 ‘Ako’y  Pilipino , Dugong Pilipino ‘                   

                      Sino nga ba ang mga Pilipino ?Ikaw , Sila , Tayo at AKO.Madaling sabihin , madaling bigkasin . Sino nga ba ang tutol na ikaw ay Pilipino rin? Ikaw ay Pilipino,kung sa pilipinas ka isinilang , namula’t magkaisip ,kulay kayumanggi ang iyong mga balat at pawang mga Pilipino ang iyong mga magulang . Hindi natin maitatanggi na ikaw at ako ay pawing mga Pilipino , dahil ang mga katangiang ito’y nasa atin.

                          Ang magandang katangian ng pilipino ‘Ay yaring ating kung tawagi’y ‘Bayanihan’ kung saan ang mga pilipino’y , tulong'tulong sa pagdamay sa mga kapwa. At isa pa na kung tawagi’y ‘Pagkakaisa’,kung saan ang mga pilipino ay nagkakaisa ,alang~alang sa kanilang bansang sinilangan.

                         Ang mga Pilipino , ay nagmula sa lahi ng mga mabubuting asal o gawi.Mabuting asal na nagmula pa sa ating mga ninuno.Ninunong pumukaw ,at gumising sa ating mga pusong natutulog .kaya ng mawala, nawala rin sariling wika . Sa tingin niyo , nag paapekto ba ang mga Pilipino?

                          Hindi nagpaapekto ang mga pilipinong gaya ko , dahil pinilit naming bumangon ,mula sa pagkakalugmok ng sambayanang Pilipino , .Kahit mahirap pinilit naming maging matatag , upang makabangon muli ,dahil yan ang tunay na Pilipino , nagtutulungan , kahit anong mangyari .

                             Maraming magagandang katangian ang mga pilipino , kagaya na nga lang ng ; ng pagiging masayahin , mabait , tapat, matulungin , mapagtangkilik , magalang , may isang pangarap , may mithiin , masinop  ,hindi nangloloko , at higit sa lahat hindi mapaglilo . Yan ang iba sa mga magagandang katangian o halimbawa ng pagkapilipino . Dahil yan ang pilipino .Yan ang pinagmulan ng lahing kayumanggi .Kayo ikinahihiya niyo ba ang inyong pinagmulang lahi?

                              Hindi ko ikinahihiya ang lahi ko, dahil ako ay lahi ng mga bayaning pilipino . Bayaning kaya ibuwis ang buhay alang~alang sa bayang  sinilangan .Nariyan si Dr,Jose Rizal , Andres Bonifacio , Efren Penaflorida . Hindi mabilang na bayaning Pilipino , ang maiikumpara sa sino mang pinakadakilang tao sa daigdig .Ikaw magiging bayani ka rin ba? Kailangan mo pa bang ibuwis ang iyong buhay upang tanghaling bayani? Ang sagot ay isang malaking ~>HINDI.....

                        Akayin mo ang matandang tumatawid .Tulungan mo ang nabibigatan . Bigayan mo ng pagkain ang kaawa~awa .Iyan lamang at isa ka nang munting bayani . Hindi mo na kailangan maghintay ng digmaan , upang ibuwis ang iyong buhay .Dapat maging responsable tayo sa   mga bagay na hindi na tayo kailangan utusan , kailangan gawin natin ito ng kusang loob ng walang hinihintay na kapalit , mahirap man pero , dapat handa tayo magtiis ., dahil tayo ang may gusto n’yan .Kaya tayong mga Pilipino , bago tayo mag~apila , siguraduhin  muna natin na kaya nating magtiis ,Alang ~alang sa ikauunlad n gating bansa .

                        ‘Ako’y magiging Pilipino sa isip sa salita at sa gawa.Hindi ka gumagamit ng basta basta.Hindi ka gumagamit ng mga bagay na mabibili lamang sa tabi tabi o pawang mga state side.Lahat....lahat ng nasa katawan mo ay pawang mga orig.Gumagamit ng salitang ingles kahit mas kayumanggi pa ang kaharap mo.Dahil class ka at gusto mo lagi sumusunod ka sa uso.Ariana Grande,Justine bieber ang mas pinapahalagahan at binibigyang ng pansin.Bale wala na ang mga artistang local.

                           Kung ganyan ka kung hindi mo kaya maging isang tunay na Pilipino . Mas masahol ka pa sa malangsang isda .Hindi ganyan ang ugali na meron ang Pilipino.Dapat huwag natin bastusin ang ipinagkaloob sati ng poong may kapal.Pahalagahan at ipagmalaki natin ang pagkapilipino.Dahil yan ang tunay na Pilipino.Magtulong tulong magkaisa at pagtagumpayan.Kaya ‘KAPITBISIG  AT  DAMAY~ DAMAY’,sa pagkakaisa.

.

        ‘ISANG LAHI,ISANG DUGO,ISANG MITHI,ISANG NASYON!!!!                 

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon