Sino ang Pilipino? ni Gabriel Sanchez

32 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

Mga Kababayan, sino ang  Pilipino? Gusto mo ba malaman? Tara sabay-sabay natin alamin kung sino ang Pilipino

Ako, Ikaw, tayong lahat ay isang Pilipino! Ang Pilipino ay may sariling Wika, Kultura, at bansang kinilala, ang Pilipinas. Ang mga Pilipino ay handang ibuwis ang kanilang buhay para sa ating watawat, Kalayaan at Katarungan.Tayo ay iba sa mga taong sumakop sa atin, Kastila, Amerikano, at Hapones. Tayo ay naghahangad ng Kalayaan, hindi tayo marahas, hindi tayo nanakop ng ibang bansa. Tayo ay makadiyos, kinatatakutan natin ang Diyos kaya alam  natin na mali ang maging marahas at masamang manakop. Tayo ay makatao at makatarungan sa lahat ng bagay. Tayo ay matiyaga at mapagpasensya. Tandaan ninyo iba tayo sa kanila! Tayo ay may Pusong Pilipino. Puso na hindi basta-basta matatagpuan sa ibang lahi. Isang puso na tayo lang ang mayroon.

Lahat ay kaya natin dahil mayroon tayong tiwala sa sarili. Isang abilidad na maaaring magdala sa atin sa tugatog ng tagumpay. Dahil dito, kaya natin lumaban sa anumang uri ng pagsubok sa buhay. Maging sa pagtratrabaho, sa pag-aaral o kung saan man tayo nahihirapan. Diyos parin ang inaasahan ng isang Pilipino. Tayo ay masipag sa pag-aaral dahil alam natin ang kahalagahan ng pag-aaral. Sa pag-aaral nakabatay ang ating kinabukasan kaya’t ganoon na lamang Kaimportante sa atin ang pag-aaral. Ang mga Pilipino ay matatalino at mayroong talento na maipagmamalaki natin. Ang ating mga talento ay kakaiba na hindi kayang tapatan ng ibang bansa.

Ang Pilipino ay hindi sumusuko sa kahit anong laban. Kahit may mga problema ay Masaya parin tayo. Ito ang nagpapatunay na masayahin ang mga Pilipino. Ito ay pagsubok lamang galing sa ating Panginoong Hesus. Ang puso ng mga Pilipino ay matatag, hindi madaling mapatutumba Ang mga Pilipino rin ay malikhain at madiskarte. Matipid at Matulungin din sila. Malugod nilang tinatanggap ang mga bisita kahit hindi man nila kilala ang mga iyon. Ang mga Pilipino  ay magaling din sa mga larangan ng larong pambata na dito lang matatagpuan at pwede nating ipagmalaki.

Kahit mayroon ng makabagong kagamitan, hindi parin natin kinakalimutan ang kulturang kinagisnan. Hindi parin natin iniiwanan ang mga bagay na tatak pinoy. Ang Kulturang iyon ay andito parin sa bansang ating sinilangan. Itinatangkilik natin ang sariling atin kahit mga dayuhan ay nahihikayat narin. Ang watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo sa pusong Pilipino. Kahit saan man tayo naroroon, dala-dala parin natin ang Kulturang Pilipino.

Ang Pilipino ay iba-iba pero sila ay nagkakaisa. Ganoon ang ugali ng bawat Pilipino. Sila’y nagbabayanihan upang makatulong sa iba.Tayo ay marespeto at may disiplina sa sarili. Hindi tayo pumapayag kung tayo’y inaalipusta ng mga taong galing ibang bansa. Lalaban tayo kahit ano pa ang mangyayari. Nagpapakita ito na ang mga Pilipino ay isang makabansa at makabayang lahi. Kung sakaling tayo’y mapatumba, tayo’y babangon muli at haharapin ang kinabukasan nang walang bahid ng kasamaan. Ito ang nagpapakita ng pagkamatatag ng isang Pilipino. Kahit iba man ang ating itsura, hindi ito naging hadlang sa pagkamit ng ating tagumpay. Hindi dapat tayo gumaya sa ibang bansa, mayroon tayong kultura na hindi dapat inaalipusta. Ang Pilipino ay nagtataglay ng pinakamagandang abilidad, ang pagsasakripisyo. Kaya natin magsakripisyo para sa mga taong mahal natin. Mapangit man ang ating kasaysayan, tumatak parin sa isipan natin at sa mga dayuhan na tayo ay isang kagila-gilalas na lahi. MABUHAY ANG MGA PILIPINO!

Ngayon ay kilala niyo na kung sino ang Pilipino. Sila ang mga pangkat ng tao na may iba’t ibang katangian at kultura. Naiiba sa ibang lahi. Sinabi ko ito sa inyo dahil hindi lang isang pangkat ng tao ang Pilipino kundi isang dakila, masipag , malakas, at Kamangha-manghang lahi. Huwag ninyong kakalimutan. PUSO PILIPINAS, PUSO.

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon