“Sino ang Pilipino”
Sino ang Pilipino? Ako,Ikaw,Sila, o Tayo? Tayo, tayo ang Pilipino.Pilipinong tapat.Pilipinong masiyahin.Pilipinong magiling.Pilipino makadiyos ,Pilipinong masipag.
Ang Pilipino ay may ibat-ibang itsura. May mga mapuputi,maiitim, at kayumanggi.May iba’t iba din silang ugali meron masiyahin kahit gaano kabigat ang problema,mababait,mababa ang kalooban, at Maalaga.Masaya maging pilipino dahil sa magagandang katanging meron tayo,iba iba man ang ating katangian iisa pa rin ang ating lahi. Ang bawat Pilipino ay maituturing na bayani,hindi lang sa pagliligtas n gating bayan,maari rin sa mga maliliit na bagay.Sila Dr. Jose Rizal,Andres Bonifacio, at marami pang iba.Sila ang mga pilipinong nagligtas sa atin mula sa mga kalaban. Marami ngang mga bayani ihalimbawa natin ang ating mga magulang na nagtratrabaho para mabigyan tayo ng masaya at masaganang buhay. Tayong mga Pilipino ay may sari-sariling katangian sa pagliligtas n gating bansa.Hindi man natin nailigtas an gating bayan,tumulong lang tayo sa ating kapwa maituturing na rin ito bilang isang bayani dahil ang mga Pilipino ay nagtutlungan kahit sa anong problema man.Ang Pilipino ay magagaling rin sa larangan ng sining,tulad nila Vicente Manansala,Fernando Amorsolo, at Juan Luna.Magaling rin tayo sa larangan ng sports.Hindi lang sa pagiging bayani makikilala ang mga Pilipino,pati rin sa mga sports, sining at musika.
Hindi natin maitatanggi na ang bansa natin ay isa sa pinaka mahirap na bansa.Kulang man tayo sa mga kayamanan,mayaman naman tayo sa pagmamahalan.Hindi rin natin maitatanggi na kulang tayo sa mga trabaho.Kung tayo’y magkakaisa at magkakasundo,madadagdan rin an gating mga trabaho.Ang pagkakaisa lamang ang kailangan para ang m,ga suliranin ng ating bansa ay matapos.Kung hindi tayo magkakaisa walang problemang matatapos.Pagkakaisa at paguunawan ang kailangan para ang ating mga pangangailangan ay maibigay.
Mahalin natin ang ating bansa,dahil pumunta ka man ng ibang bansa,iba pa rin ang sariling atin.Kung may pagmamahal tayo sa ating bansa,kaya nating magka-isa. Maraming pilipino ang masasamang ugali alam natin lahat iyon ngunit mayroon din namang mga mababait at matutulungin ihalimbawa na natin ang mga ibang mayayaman na tao na laging tumutulong sa mga nasalanta ng mga bagyo o iba pang mga kalamidad.
Hindi porket galing ng ibang bansa ang iyong mga gamit ay kalilimutan mo na angmga bagay na galing sa atin.Hindi porket galing ka ng ibang bansa ay kalilimutan mo na ang ating bansa.Hindi porket marami kang kaibigan sa ibang bansa ay kalilimutan mo na rina ang iyong mga kaibigan dito.Hindi porket mas maganda sa ibang bansa ay lalaitin mo na ang ating bansa.Tandaan mo sa pilipinas ka isinilang at hindi sa ibang bansa.Kung sino pang walang lahing pilipino,sya pang nangangalaga sa ating bansa at ang mga pilipino pa ang kumakalimot sa ating bansa. Mahalin natin ang ating bansa at pangalagaan natin ito. Hindi mo kailangang magpakabayani para lamang ipagbunyi tayo ng ating bansa,gawin lamang natin ang tama maari ka ng maging bayani.Bakit ka pa pupunta ng ibang bansa kung meron naman tayong sariling bansa?Hindi mo kailangang pumunta ng ibang bansa dahil meron tayong sariling bansa.
Hindi porket hindi mayaman ang ating bansa ay hindi na natin mamahalin ito.Mas maganda pa ring manirahan sa pilipinas kesa sa ibang bansa,dahil malay mo hindi ka naman marunong magsalita ng kanilang lenguahe paano mo sila makakausap?Pag nagpunta ka ng ibang bansa,di rin magtatagal mamimiss mo rin ang mga nakasanayan mo na ginagawa sa pilipinas. Kailangan ring Proud To Be A Filipino tayo at dapat ring tangkilikin ang mga produktong pilipino hindi lang ang mga dayuhang gamit. Ang mga impluwensya ng mga dayuhan ay maganda ngunit dapat hindi talikuran kung saan tayo nanggaling at kung ano talaga ang simbolo ng ating lahi. Magsaya at matuwa tayo dahil parte tayo ng isang magandang lahi at bansa.Dapat palagi tayong proud to be filipino .