SINO ANG PILIPINO?
Juans apan a taym sa buhay ni Juan…
Tunay ngang makabago na ang mga Pilipino ngayon. Naglipana na ang iba’t ibang modernong kagamitan. At ang pinakakilala dito ay ang mga makabagong computers. Makabagong mga computer para sa makabagong henerasyon ni Juan. #Juansapanataym…
#Selfie #Ootd #Groupie #GoodVibes #Kathniel at #Freedom. Iyan ang mga trending ngayon lalo na sa mga kabataang Pilipino. Ano na nga bang nangyayari sa bayan ni Juan? #Bakit?
#Patok! Iyan ang makabagong paraan ngayon ng mga kabataan upang mapauso ang iba’t ibang bagay o salita. Sa pamamagitan ng paghahashtag sa mga social networking sights gaya na lamang ng Facebook, Twitter at Instagram. ‘Di lamang mga kabataan ang nahuhumaling dito ngunit pati na rin ang mga nakakatanda. Oh! hindi ba’t bongga? #Like.
Maaari ngang ganito na tayong mga Pilipino ngayon. Sumasabay sa agos ng pagbabago. Sunod tayo sa uso, kung ano ang gusto ng nakararami, doon tayo ay susunod. Ngunit isang kaisipan ang pumasok sa aking utak, paano kaya kung ang mga hashtag na ito ay ginagamit ng mga sinaunang Pilipino na nagpakilala kung sino nga ba talaga si Juan. Tara, simulan natin ang aking kwento...
#Juansapanataym sa sinaunang buhay ni Juan…
Siguro ay magiging isang malaking kagulat-gulat na pangyayari kung malalaman na lamang natin na gumagamit ng hashtags ang ating mga ninuno. Si Jose Rizal ay gumagamit ng hashtags noong kanyang kapanahunan at hinashtag ang #ElFiliBusterismo at #NoliMeTangere. Sa kabilang panig naman ay si Andres Bonifacio na gumamit ng #PunitinAngSedula upang maparating ito sa kanyang mga kasama. O kaya naman ay si Maria Clara na naghashtag ng #Ootd habang pinapakita ang kanyang baro’t saya.
#Kawindangwindang! Nakakagulat siguro kung malalaman na lamang natin na ang paghahashtag ay ginagamit din ng ating mga ninuno. Dahil kung gumamit sila ng ganoong pamamaraan, maaaring ‘di kilala ang mga Pilipino ngayon saan mang panig ng mundo.
Sino ang Pilipino? Sino nga ba? Sila nga ba ang mga taong natangay na ng agos ng pagbabago? O ang mga taong likas sa puso ang pagmamahal sa bayan?
Kung ako ang siyang tatanungin, magbalik tanaw tayo sa kasaysayan ng Perlas ng Silangan nang ating makilala kung sino nga ba talaga si Juan. #Filipiknow
Ang akin lang naman, hindi masamang maging #baduy paminsan minsan kung ito ang makabubuti sa atin. At hindi lahat ng #uso ay dapat nating tuluran. May mas malalaking isyung kinakaharap ang mga Pilipino ngayon at ito ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Gaya na lamang ng #Kahirapan #NoReadNoWrite #Krimen at #KoruptNaGobyerno. Siguro nga’y ito ang mga trending na dapat nating pagtuunan ng pansin.
Dito ako sinilang sa bayan ni Juan, mataimtim akong natutulog at sa pagdampi ng malaming na hangin sa aking mga balat, ginising ng reyalidad ang natutulog kong kamalayan. Siguro kaibigan, panahon na upang idilat ang iyong mga mata at makita kung sino nga ba si Juan.
#Juansapanataym sa buhay ni Juan, di nawawala ang aking pag-asa.
#Pagbabago #Pagbangon #PusongPilipino #SimulanMo #JuanNgayon.