Sino ang Pilipino? ni Ruby May G. Enguillo

48 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

Ako..ikaw..siya..sila..tayo ay Pilipino. Una sa lahat nais ko munang ipagmalaki ang aking sarili bilang Pilipino. Isang Pilipino totoo sa kilos at salita, sa puso at diwa, pati na rin sa dugong namumutawi sa aking katauhan. Pilipinong handang ipagmalaki kanyang nag-iisang bansang sinilangan “Pilipinas”. Namulat na may mga bayaning kinikilala at hinahangaan, na may salitang ginagamit, na  kaugaliang tatak ng ating lahi. Kaya di nakakapagtaka na maraming dayuhang  naghahangad na maging Pilipino.

            Ibang lahing naturingan ngunit labis na tinatangkilik at minamahal  ang  uri ng ating pamumuhay. Pagkaing ating nakasanayan na labis nilang  kinahiligan. Uri ng pamumuhay meron ang Pilipino ninais nilang maranasan. Tanawing nasa ating bansa hinahangad nilang masilayan. Pilipinong labis na kinaiinggitan ng mga dayuhan , ngunit hindi binibigyang pansin kung anong meron ang kanyang katauhan. Mga dayuhang masikap na iniintindi ating salita, dayuhang inaasam maging Pilipino. Ngunit kung may nagsusumikap na matawag na isang Pilipino, mayroon din namang pilipinong gustong maging banyaga sa mata ng iba. Mga kabataang pag-asa ng bayan. Pag-asa nga ba? Kabataang tinatangkilik produkto ng ibang lahi, pinipilit pag-aralan salitang “intsek”. Pilipinong naging dayuhan sa kanilang sariling bansa, mas inasam na masilayan ang mga tanawing ipinakilala ng iba. Di man Pilipinas ang pinakamayaman na  bansa at hindi man ito ang pinakamaunlad ngunit may natatangi naman itong yamang tinataglay. Ito ay ang mga mamamayan  Pilipino. Isang tanong na namuo sa aking isipan. Bakit kayang ipagpalit ng iilang Pilipino ang kanilang katauhan para maging banyaga? Pagiging Pilipino ay karangalan para sa isang katulad ko. Di man maramya aking pamumuhay ngunit kaya kong ipagsigawan sa lahat na ako ay isang Pilipino. Isang batang namulat na may iniidulong mga bayani. Mga bayaning inialay kanilang buhay  para sa kalayaan ng ating bansang Pilipinas. Watawat na simbolo ng kalayaan, kalayaang pinaghirapang makuha ang ating mga bayani. Dr.Jose Rizal, isang pangalang tanyag sa pandinig ng masa. Kinilala bilang pambansang bayani, di man nakipaglaban ngunit may malaking ambag sa ating kasaysayan. Apolinario Mabini isa pang pangalang kilala, lumpo man ngunit tinaguriang “Utak ng Katipunan”. Ilan sila  sa mga bayaning may malaking ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.Kuwento pa lang kung paano natin nakamit ang independensya ay makabuluhan na, kaya kung ako lng ang tatanungin di ko kaylanman ipagpapalit at hindi ko ikakahiyang sabihin sa lahat na ako ay Pilipino. Liping kayumanggi kaylanman ay hindi ikahihiya. Ilong na di man katangusan ngunit ito ay tatak ng pagiging Pilipino.

Sa Asya at Europa, saanmang dako ng daigdig may mga Pilipinong nagmamahal at nag-aalaga sa anak ng ibang lahi mga dakilang yaya na nilisan kanilang sariling anak para makahanap at makalikom ng pera. Isa yan sa maraming kaugaliang ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Sa kabila ng trahedyang dumating, isang ngiting ang nananatili sa labi nating mga Pilipino. Ngiting nananalig na may bagong pag-asa. Pag-asang makakabangon sa nangyaring unos. Di man magkakamag-anak ngunit nagkakaisa pa rin sa kabila ng pangangailangan. Isang lider na naatasang panatiliin ang kaayusan ng kanyang nasasakupan. Ngunit lider na nailuklok karapat dapat nga ba?Mga taong may mataas na pwesto, mga taong iniluklok para mapanatili at mapayaman ang bansang pilipinas. Samantalang anong ginawa palihim na ninakawan kaban ng bayan inabuso mga mamamayang Pilipino. Kahit may negatibo at positibo pa man, di pa rin dapat ikahiya ang ating pagiging Pilipino. Dahil Pilipinas tinaguriang perlas ng silanganan dahil sa taglay nitong yaman at kagandahan. Watawat na iwawagayway saanmang dako ng mundo. Pag-ibig sa bansang Pilipinas kaylanman ay di magmamaliw, kaya ipagmalaki pagiging Pilipino. Mahalin ang sariling bayan at tangkilikin ang  produktong atin. Ipagmalaki ang ating katauhan, pagiging Pilipino,at ang liping kayumanggi. Dahil ako..ikaw..siya..sila..tayo  ay Pilipino sa puso at diwa tayo ay pilipinong totoong totoo..

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon