Sino ang Pilipino? ni Keanu Eulociano C. Perez

18 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

           Ang mga Pilipino, mga taong ipinanganak at lumaki sa bansang Pilipinas. Ngunit, sapat na nga ba na ikaw ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas upang matawag na isang Pilipino? Sino ang Pilipino, tanong na laging gumugulo sa ating isip. Ngayon, paano ba malalaman kung ikaw ay Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa?

            Tayong mga Pilipino ay matulungin, maggalang, madasalin o maka-Diyos, masisipag, at ika nga sa ibang lahi, tayo raw ay malikhain. Karamihan sa ating mga Pilipino or Pinoy ay minsan hindi nagiging tayo. Paanong hindi tayo? Sa mga kadahilanang: Una, kadalasan ay hindi na tayo nagiging maggalang at bagkus ay nagiging bastos pa sa matatanda. Pangalawa, pinapabayaan ang kapwa nating Pinoy na maghirap, hindi man lang magawang tulungan kahit kaunti. Minsan wala na tayong oras para sa Diyos. Nagiging tamad at hindi na natin ginagamit ng maayos ang ating mga likas na yaman.

            Ang mga Pilipino na may halo o “Half Pinoys” ay mas nagiging tunay na Pinoy pa kung minsan. Mas umaangat sila kaysa sa mga buong Pilipino. Ngunit, hahayaan at patatalo ba tayo sa mga kalahating Pinoy lamang? Syempre hindi! Kaya para tayo ay matawag na tunay na Pilipino, dapat mag-asal na totoong Pilipino tayo. Ibangon ang ating imahe bilang mga bughaw na Pilipino.

            Ngayong alam na natin kung sino ang Pilipino, oras na para matawag ulit tayong tunay na Pilipino. Tulungan nati ang kapwa natin at alagaan ang isa’t isa na parang iisang pamilya, dahil tayo ay iisang lahi, iisang tribo at iisang pinanggalingan. Gamitin natin ang ating mga likas na yaman. Huwag nating hayaan na ang mga mananakop at banyaga ang makinabang sa sariling atin. Gamitin ito para sa ikauunlad ng bayan, ng Bayang Pilipino. Dapat tayo ay handing magsakripisyo para sa bayan, ika nga sa ating Pambansang Awit na Lupang Hinirang, “… Ang mamatay nang dahil sa iyo …” Mahalin natin ang Pilipinas na ating bansa dahil siya ang Inang Bayan, “… Ang buhay ay langit sa piling Mo …”

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon