Sino ang Pilipino? ni Jessel M. Garnadozo

22 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

            Matalino, magalang, masipag, magiting, maabilidad, relihiyoso at kayumanggi. Ito ang mga katangian na agad nating naiisip kapag sinambit ang salitang Pilipino. Pero ang pagiging Pilipino ay hindi basta natatapos lang sa mga katagang ito. Kung kaya, paano ba natin mapatutunayan kung sino talaga ang Pilipino? Ano nga ba ang dapat taglayin upang masabi na siya ay Pilipino?

            Ang mga Pilipino ay may paninindigan at kabayanihang taglay sa kanilang sarili. Dahil ito ay nakatanim o nakatimo na sa kanilang puso, simula nang naipanganak pa lang. Idagdag pa ang pagiging magalang na isang katangian na lumalarawan sa ating mga Pilipino. Ito marahil ang dapat nating taglayin upang masabi na tayo ay isang Pilipino. Oo, bagaman ang bansa natin ay hindi gaanong mayaman, sa ekonomiya. Pero masasabi ko na biniyayaan tayo ng ating Maykapal sa mga katangian na inaasam ng karamihan. Hindi man tayo mapuputi, ni sobrang tataas, pero taglay natin ang mga kababaan ng puso at pag-iisip na higit sa kailangan ng isang tao. Dahil hindi nasusukat sa ating taglay na kayamanan ang pagiging Pilipino, kundi sa nilalaman ng bawat puso. Kaya, patunay lang ito na tayo ay mayaman sa ating espiritwal. Oo, kahit na marami na sa ngayon ang napapariwara, pero sa kanilang puso’t isipan naman ay gusto na nilang maituwid ang kanilang mga pagkakamali. Dahil ito ang udyok ng pagiging Pilipino nila. Sapagkat ang saloobin ng mga Plipino ay mas matimbang kaysa sa lahat. Tayo ay may dignidad at prinsipyong ipinaglalaban sa abot ng makakaya para lang sa tamang landasin. Kaya bilang mag-aaral ng ika-apat na baitang ng sekondarya ay masasabi ko na ako’y Pilipino sa puso at isip. Dahil mayroon akong pagmamahal sa bayan at taglay ko ang mga katangian na dapat taglayin ng bawat isa. Kaya naman kahit saan mapunta, siyempre hindi lamang ako kundi lahat tayo ay taglay ito. Ang isa sa atin ay talaga namang nangingibabaw ito.

            Ikaw, ako, lahat tayo, ay magiging isang Pilipino kung tataglayin natin ang mga katangian na marapat lamang na taglayin. At sabay-sabay tayo na tumawid sa tamang landasin kasama ang ating pangulo nang nagkakaisa at walang pagkakabaha-bahagi. Ngunit mangyayari lamang iyan kung sa ating sarili ay alam na nating handa tayo at kung ikaw ay aking tatanungin kung sino talaga ang isang Pilipino, taas noo kabang sasagot na : Ako ! Ako ay Pilipino sa puso at diwa ! na handang patunayan kahit saang panig ng mundo?

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon