Sino ang Pilipino? ni Jeremiah Gabrielle C. Rillo

15 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

Sino nga ba ang Pilipino? Tayo iyon!. Mga mamamayan ng Perlas ng Silanganan na hindi marunong sumuko at may takot sa Diyos. Sadyang matibay ang pundasyon ng mga Pilipino sapagkat kahit anong delubyo pa ang sa atin ay dumaan, makakabangon at nakakabangon pa rin tayo.

Bukod sa tibay, matatapang din tayong mga Pilipino, kahit sa ibang bansa, tayo ay nakikipagsapalaran, matustusan lang ang pangangailangan at pangpaaral ng ating pamilya. Maging sa pampalakasan, ipinakita natin ang ating tapang sa mga dayuhang nagbabalak na tayo ay gibain. Tayo rin ay likas na maalaga. Naaalagaan natin ang ating kultura sa loob ng mahabang panahon at hanggang ngayon ay atin pa ring inaalagaan. Ngunit mayroong tumataliwas sa pag-uugali nating ito. Tulad ng gobyernong sabik sa yaman at kapangyarihan, mga antas ng tao na abot-langit ang karamutan sa pag-aabot ng tulong sa mga mamamayan na kapos-palad at nangangailangan ng tulong. Mga taong inihalal upang intindihan ang sariling kapakanan lamang.

Maraming tao ang ‘di makaahon sa suliranin sa kuwentong mas mabuti pang sila ay kunin na rin. Anong ginagawa natin kung hindi ang tumingin lang. Bumili ng mamahalin at tsaka magyabang. Ano bang nangyayari sa bayan nating ito? Puno ng luha at lungkot. Ang mga taong dapat ay responsable sa pagtulong, nariyan lang, nakahiga sa ginto at sa mga mahihirap ay nakasara ang pinto. Marahil kung wala ang Diyos na mapagbigay,  wala na rin sila. Tanging sariling dugo at pawis lang nila ang nagpapakain sa kanila at nagraraos sa gutom. Gayun pa man, nananatili tayong nakatayo at nakikiagos sa daloy ng buhay dahil ang buhay ay laging may sorpresa… Ang mga Pilipino ay di magpapadaig at di magpapatalo, saan o ano man. Sapagkat ang mga Pilipino ay ang may pinaka mataas at pinaka matibay na pader. Masasandalan ito/tayo ng kahit na sinuman ngunit hinding hindi matitibag. Tayo ay pinakakakaiba sa lahat ng nilikha ng Diyos sapagkat maliliit man tayo kung ituring, hindi naman tayo marunong magpatalo at sumuko sa kahit anumang laban at bukod sa lahat, tayo ay mayaman sa talento.

Ang mga Pilipino na may diskarte sa buhay ay pinaniniwalaang gagamit ng kakaibang talento upang makilala sa buong mundo. Sa pamamagitan ng kasipagan, lakas ng loob, talento at karunungan, ang Pilipinas ay aahon mula sa pagkakalubog.  Kikilalanin at tatangkilikin ng buong mundo.

‘Yan ang tunay na mga Pilipino!

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon