Sino ang Pilipino? ni Rafael Banson

44 0 0
                                    

Sino ang Pilipino?

           

            Sino ang Pilipino ? Sila ba’y ang mga taong nakakasalamuha mo sa araw-araw ? mga taong kasama mo sa laban sa bayan ? , marahil Oo , ang mga Pilipino ay mga tao , mga taong disiplinado , mga taong maka-bayan , maka-kalikasan , maka-tao , at maka-diyos . Ikaw ? Oo ikaw . . . ; kabilang ka ba ? baka naman  hindi ? Nakatira ka ba sa Perlas ng Silangan ? kung ikaw ngay isa samin isa ka sa pinaka-mapalad na tao sa mundo .

            Pero . . . Sino nga ba ang mga TUNAY na Pilipino ? hindi sila yoong mga BUWAYANG nakikita mo sa telebisyon o sa dyaryo  , kasi ang mga PINOY matapat , alam nila ang tama sa mali .Nakikipagsabayan sa anumang larangan pautakan man yan o palakasan , ni’ hindi umuwi ng walang sabit na medalya o hawak na tropeyo , Dumako naman tayo sa larangan ng Musika ; kilala mo ang bandang “Apo Hiking Society” E Si Freddie Aguilar, kilala mo ? Marahil hindi kasi puro One Direction , EXO at KPOP na ang kinalakhan mo . Ano kaya mo bang maging TUNAY na Pilipino ?

           

            Kung Interesado ka tandaan mo lang ang watawat ng Pilipinas ; ang asul , simbolo ng kapayaan , ang pula para sa katapangan , yung puti sa tatsulok para sa kalinisan , at ang tatlong bituin ang tatlong pulo sa Pilipinas ang Luzon , Visayas at Mindanaoat ang walong sinag ng araw ang walong bayang nakipaglaban para sa kapayapaan . Kaya’t kung sinasabi mong isa ka lang Pilipino , Nako wag mo palang nila-lang ang lahing Pilipino dahil mapalad ka dahil isa kang Pinoy .

Kung tinatanong mo kung Sino nga ba ang TUNAY na Pilipino ? Tuloy ka , dahil kabilang kana sa aming mga pinaglalaban at sa aming malaking populasyon . Alam kong alam mo ang dapat mong simulan at dapat gawin ituon lang ang pansin sa TAMA at NARARAPAT . pangako uunlad ka di man sa YAMAN kundi sa UGALI , pagkat maraming uri mayayaman sa Pilipinas , may mabigat ang kamay , may sakim at kung ano-ano pa , di ko nilalahat pero bilang na bilang mo sa daliri ang mga naarapat na maging tunay na Pilipino .

 Kaya kung isa ka sa magiging kinatawan ng Pamahalaan , gawin mo ang nararapat para sa iyong nasasakupan at sa mga Pilipinong nangangailangan . Ipakita mo sa mga buwaya ang mga natutunan mo sa sanaysay kong ito at ipaintindi sa kanila na may nangangailangan at may nararapat sa mga perang nalilikom nila sa taumbayan!

            Sa iyo magsisimula ang disipilina , ipamahagi mo ito upang ang lahat ng tao sa mundo ay hindi na magtatanong kung SINO ANG PILIPINO ? 

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon