Sino ang Pilipino? ni Dianne Estephanie L. Gadayan

38 0 0
                                    

SINO ANG PILIPINO? 

            Maituturing na sagradong kasarinlan ang ating pagka-Pilipino , mahalagang parte ng lipunan at natatanging katangian na tunay na ating maiiwawaksi at maipagmamalaki sa mga banyaga. Ngunit naitanong na ba natinsa ating sarili na tayo nga ba’y tunay na Pilipino ? o marahil ito’y ating pilit na binabago, pilit kinakalimutan at pilit na pinapalitan at kung minsa’y nagkukunwari pa tayong may dugong banyaga . Dugong akala nati’y ating tunay na maipagmamalaki ,ngunit ang katotohanan ay di naman talaga sariling atin.

            Ayon sa nobelang El Filibustirismo ni Dr.Jose Rizal, ang babaeng si Donya Victorina,isang babaeng nagbabalat-kayong isangEuropea , isang babaeng mas minahal ang dugong banyaga kaysa sa pagiging Pilipina babaeng nangangarap na makapangasawa ng isang banyaga at nagsasalita ng pasaring na tumutuligsa sa mga bagay na kanyang napapansin.Gaano nga ba kasakit kung iisipin na ang dugong pinananggalingan natin ay pilit  nating itinatanggi ?, dugong Pilipinong  tumatak sa kasaysayan ng pagiging magiting ng ating mga ninuno.

            Marahil,bago na’t moderno na ang panahon ngayon,marami na ring pag babago, mga transportasyon, teknolohiya, maging ang pakikipag - ugnayan ay nagbago na . Ngunit hindi sapat na batayan ang pag unlad para kalimutan ang ating lahing kinamulatan. Kung  ang mga banyaga’y  tayo’y hinahangaan, dapat tayo rin nawa’y magpakita ng pagmamalaki sa sariling bayan. At lakas loob na ating  sabihing  tayo’y mula sa bayang hinubog sa pagmamahalan.

            Tunay, tunay ngang napalaking papel sa lipunan ang pagmamahal sa bansa ,Pagka-Pilipinong  simula ng tayo’y isilang.. Ayon  kay Rizal “may kanser na panlipunan ang kanyang bayan na kailangang ilantad upang mabigyang lunas mismo ng mamamayang Pilipino” paksang ibig ipahiwatig ni Rizal sa kanyang akdang “Noli Me Tangere”, paksang nagpapahiwatig sa pang-aalipin ng mga dayuhang Espanyol na nagmalupit sa atin ng panahong kay tagal.Nakakataba ng puso kung ating mababatid ang pagtitiis at mga kahirapang nararamdaman at nararanasan ng ating mga bayani para lamang maipagtanggol at pagkaingatan ang ating bayan , na ating sinilangan .

                       Kakambal na nga yata ng daing ang hibik at kalayaan sa dulot ng sakit na marami tayong mga kababayan ang nanununuluyan sa ibang bansa at doo’y naghahanap ng ikabubuhay ngunit hindi nila nakakalimutan ang kanilang pinanggalingan. Ngunit bakit nga ba may ilang gustong ibahin ang kanilang pagkamamamayan? babaguhin para mag pasikat lamang. Hindi dapat nating sayangin ang dugo’t pawis na pinuhunan ng ating mga bayani’t ibang kababayan upang ipagtanggol at bawiin mula sa malupit na kamay ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa, mga bayaning kundi dahil sa kanila ay di natin matitiyak kung kailan tayo makakalaya.

            Sa panahon ng kagipitan tunay ngang ating mapagmasdan ang pagiging    maka-Pilipino nating lahat, katangian na natatangi sa iba at tunay na kamangha-mangha . Ilan sa ating kababayan na nagpatunay na kahit na sa larangan ng talino  tayo ay isa sa nangunguna , dahilan upang tayo’y hangaaan ng mga dayuhan. Na ating masasabi na ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bayang sinilangan ay tunay na kamangha-mangha ,natatangi , tunay na ating maipagmamalaki. Pagka-Pilipino  na nagsasabing kagitingan nating mga Pinoy ay maipagmamalaki mo saan mang panig ng daigdig.

            Bilang mga Pilipino, kumilos, mag-isip. makiisa , makialam  sa mga proyekto  ng ating bayan,.maging  instrumento nawa tayo  ng ating  kapwa Pilipino kung ano ang nararapat sa ating bayan.  Gamitin natin ang lakas at talino na ipinagkaloob ng Maylikha Sabi nga ni dating pangulo ng America na si John F. Kennedy,” Huwag mong isipin ang magagawa ng bayan mo sa iyo. Isipin mo kung ano ang magagawa mo sa bansa mo.”

           Ngayon na ang tamang  panahon  upang   ipakita  natin sa buong mundo na ako,  ikaw  tayo  lahat ay mga tunay na Pilipino!

Sino ang Pilipino Entry - BulacanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon