"Bilis Kamahalan"
Inirapan ko si Vennel, kasalukuyan akong nagsasanay para depensahan ang aking sarili at si Vennel ang aking guro siya rin ang nagsasanay sa mga gustong maging mandirigma ng kaharian, malaki ang kanyang pangangatawan at mabilis ang kanyang kilos.
"Unang una.. hindi ko magagawang saktan ka Vennel! Ang laki mong tao kumpara sa akin! At pangalawa.. buong buhay mo ay ito ang ginagawa mo kaya paanong sa loob lang ng tatlong pagsasanay ay magagawa na kitang masaktan?"
Sita ko dahilan para tumawa si Mitch at Wellmar sa gilid, dapat ay tapos na ang kanilang trabaho sa akin at mamayang gabi naman sila babalik pero ito at pinagkakatuwaan nila ang panonood kung paano ako sumubsob sa semento.
Kanina ko pa iniiwasang tumingin kay Rage na naka sandal sa pader, siya ang may gustong matuto akong humawak ng kahit patalim man lang dahil sa mga pinag gagawa ko.
Nung una ay natuwa ako at sa wakas makakahawak ako ng ganitong mga bagay pero ngayon nagsisi na ako kung bakit pa ako pumayag.. at hindi ko na pweding bawiin.
"Unang una kamahalan.. kung ako ang gustong manakit sayo sisiguradohin kong malaking tao ang ipapadala ko para mapatay ka.. pangalawa.. kaya tayo nagsasanay ay para kahit papaano ay makaya mong ipagtanggol ang iyong sarili" Nagtagis ang bagang ko.
Tama siya pero talagang sumisigaw na ang mga kalamnan ko sa katawan sa pinag gagawa namin, nakasuot ako ng maluwag na trouser at sleeveless na damit dahilan para mabilis akong makagalaw.
"Kung sana ay ganito lage ang suot ko eh di mas madaling ipagtanggol ang sarili"
Singhal ko, iniisip ko na ngang ganito nalang ang suotin at iniisip ko rin ang magiging itsura ni Morgan na nagbabadya nang humanap ng makakatulong sa akin para humusay ako sa pananamit at pag-aayos ng aking sarili.
"Wala sa damit na suot ang matutong gumamit ng patalim kamahalan"
Dahil nagsalita si Rage ay wala akong nagawa kundi lingunin siya at irapan, may nilalaro siyang kakaibang patalim hindi ko nga alam kung anong tawag sa mga kutsilyong nandito paano pa kaya kung gagamitin ko na ito?
"Ikaw kaya ang magsuot ng sinusuot ko?"
Binalik ko ang tingin kay Vennel na nakataas ang kilay, narinig ko ulit ang tawa ni Mitch sa gilid at ngumisi ako ng mapatingin sa kanila, iniisip ko kung anong magiging itsura ni Rage kapag nagsuot siya ng Gown at base sa malaking ngiti ni Mitch at Wellmar ay ganun rin ang iniisip nila.
"Ulit kamahalan! Mitch, wala ba kayong gagawin ngayon?"
Baling ni Vennel sa dalawang nasa gilid, sabay na nagtaas ng umiling ang dalawa, mas gusto ko nga silang nandiyan dahil hindi ako pweding pagtulungan ni Rage at Vennel pagtatawanan sila ng dalawa kapag nagkataon.
"Laging ihanda at hawakang mabuti ang iyong sandata kamahalan, hindi maaaring mabitawan mo ito sa oras na sumugod ka"
Inayos ni Vennel ang hawak ko sa patalim at kung paano ang tamang pagsasaksak para mas masakit, naturo na niya ang tungkol sa tamang pwesto ng paa kaya ito naman ngayon.
"Hindi na ako makapaghintay na magamit ang bagay na ito"
Bulong ko, umiling lang si Vennel at hindi na nag kuminto pakiramdam ko ay alam nilang lahat na hindi kami magkasundo ni Rage dahil masyado itong seryoso sa lahat ng bagay.
"Wala sa isip mo ang matutong depensahan ang sarili kamahalan kung kaya't nakakalimutan mo ang mga tinuro sayo nung nakaraang pagsasanay"
![](https://img.wattpad.com/cover/209306609-288-k520023.jpg)
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...