Kabanata 17

39 3 0
                                        


Sa kabila ng mga nalaman namin ay pinag patuloy ko ang pag papanggap na walang nangyayari at tumatanggap pa rin ako ng mga panauhin.

Dalawang buwan mula ng hininto ko ang pag labas ng mga produkto, naka pagbayad na si Lord Orellano ng danyos ngunit hindi na patunayan na siya nga ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay ko.

Binaliwala ang kanyang bayad at pinarusahan ko siya ng habang-buhay na pag kakakulong, samantalang si Leo ay nilatigo sa harap mismo ng taong bayan sa centro, hindi na ako pumunta ngunit ibinalita ni General na naging magulo ang nangyari.

Gusto ng mga taong patayin si Leo sa kanyang ginawa.

Hindi ko alam kung dahil ba iyon hindi nila nagustuhan ang nagawa sa akin o talagang gusto lang nilang maka kita ng dugo.

At si Moala..

Hindi ko man siya pinarusahan hindi na siya maaaring magtrabaho sa aking kaharian lalo pa at hindi na siya pinagkakatiwalaan ng mga kasamahan niya.

"Kapitan"

Pinahinto ako ni Rage sa paglalakad ng sinalubong kami ni Yuhan nanggaling siya sa tanggapan at may kung anong nangyayari.

Naningkit ang aking mata ng dumaan ang mata ni Yuhan sa akin ngunit mabilis na lumipat kay Rage na palapit na sa kanya. Nag-usap silang dalawa sa mahinang bosis.

May gustong itago sa akin si Yuhan, maya't-maya ang lingon niya sa akin.

Agrrr..

Hindi ko gusto ang tumanggap ng mga panauhin kaya nais ko na itong matapos pero ito at may pinag-uusapan ang aking mga guwardiya na para bang wala ako dito.

Tinitigan ko si Rage ng pabalik na siya sa aking tabi, hindi ko mabasa ang kanyang mukha kaya nagtatanong na tinignan ko nalang si Yuhan, lumunok ito at nag-iwas ng tingin.

Ano na naman ang nangyayari?

"Kamahalan.. may gusto kaming sabihin bago ka pumasok sa silid"

Bulong ni Rage, tumango ako at lumipat ang tingin ko sa pintuan.

"Nasa loob na ang mga taong bayan kamahalan.. ngunit walang ni isang Noble ang dumalo ngayong araw"

Nag dikit ang aking kilay at nagtagis ang bagang ko, hindi ko na hinintay na sabihin nilang pwede na kaming pumasok, mabilis na akong naglakad papasok sa aking tanggapan.

Malakas ang usapan sa isang bahagi ng silid mga taong bayan ang naka pwesto doon na agad tumahik ng makitang pumasok na ako. Sa nag daang mga pagtanggap nasanay na sila at naging sibilisado ang kanilang pakikitungo sa ibang mga tao dito..

Ngunit sa kabilang bahagi ng silid kung saan dapat naka upo ang aking mga Noble ay walang ni isang umuukopa. Napansin ko iyon habang naglalakad palapit sa akig trono.

Walang ni isang nagsalita ng umupo ako at ngumiti sa mga taong nasa aking harapan, kahit pa nagtatagis ang aking bagang habang pinagmamasdan ang bakanting upuan.

Tumango ako kay Dyer na naka tayo sa pintuan ngunit umiling siya at pinanlakihan ako ng mata. 

"Prinsesa Evie Blacktorn ng Southern Mountain"

Kumuyom ang aking kamay ng marinig ang sinabi ni Dyer, napabaling ang lahat sa pintuan ngunit ang pumasok ay hindi lamang ang aking magaling na kapated.

Kasama niya ang iilang Noble.

Agad humakbang palapit sa akin si Rage at Kell na para bang gusto nila akong protektahan sa kung ano mang nais ng mga ito.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon