Kabanata 21

29 3 0
                                    


"Hindi tayo maaaring--"

Hindi ko pa natatapos ay umiling na si Bryan, binigyan kami ng sarili naming kubo katabi lamang kay Nova kahit anong sabihin ng babaeng yun ay hindi ko mapigilang hindi kabahan tuwing napapatingin sa pintuan.

Nagsisimula nang uminit ang aking ulo lalo na at nilampasan lang ako ni Bryan, umiiling si Dania habang tinitignan ang mga damit na binigay sa amin.

Hindi iyon ang aming damit.Susundan ko sana si Bryan upang makausap ng biglang may pumasok sa pinto, umayos ako ng tayo ng makitang dalawang babae ang pumasok at may dala silang pagkain.

"Tanghalian nyo.. at nais ni komander na pagkatapos ninyong kumain ay itatalaga na kayo sa inyong mga trabaho"

"Ano--"

"Sige susunod kami"

Sagot ni Bryan, tinitigan ako ng babae kaya tinikom ko nalang ang aking bibig imbes na magtanong kung anong trabaho..

Paglabas ng dalawa ay nasa tabi ko na si Bryan.

"Mas makakabuting sumabay muna tayo sa kanila.. at huwag kang basta basta magsasalita may mga nakikinig"

Bulong nito, mataman niya akong tinitigan habang humahakbang palayo sa akin.

Kung ganun.. sige pagkakatiwalaan ko si Bryan sa bagay na ito, makikisama ako sa kanila. 

Ngunit hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang nangyayari, hinayaan ko si Bryan at Brianna na magsinungaling kung sino kami.

Base sa pagkaganid ng mga ito sa mga mahahalagang bagay siguradong kapag nalaman nila kung sino ako ay ibabalik nila ako sa palasyo kapalit ang malaking halaga.


Tinitigan ako nila Brianna at Camie pagkatapos kong magbihis at hindi maganda ang kanilang reaksyon.

"Kahit anong gawin natin.. nakakaagaw pansin pa rin ang iyong itsura, Aila"

Aila..tsk

"Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan"

Tinignan ko ng masama si Bryan na naka halukipkip sa pinto, gusto kong malaman niya na sa lahat ng ginawa niya para sa paglalakbay na ito.. ito ang pinaka-ayaw ko.

Sinundo kami ng babaeng kasama nila Ivo na dumakip sa amin, maliit siya kumpara sa aming lahat ngunit hindi iyon naging epekto sa kanyang dating kung titignan mo ay hindi mo nanaising makausap hindi siya ngumingiti.

Ngunit mas mabuti na iyon keysa sa nakangiting kagaya ni Ivo, namataan ko agad siya ng lumabas kami sa aming kubo at nararamdaman ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin.

Walang nagtangkang mag-usap sa amin hanggang sa hiniwalay nila si Bryan dahil may ibang ipapagawa sa mga lalaki.. naglakad kami ng ilang kilometro mula sa Kampo bago namin narating ang kanilang taniman.

"Simple lang ang inyong gagawin.. aalagaan ninyo ang mga tanim na ito dahil dito ninyo kukunin ang inyong kakainin"

Seryosong paliwanag ng babaeng hanggang ngayon ay hindi nagpapakilala.

"..alam niyo na ang gagawin ninyo"

Napakurap ako ng marinig yun, anong gagawin? Ginala ko ang tingin at nakitang may ibang kababaehan na rin ang naka tunghay sa mga tanim ngunit ang kanilang mga mata ay nasa amin.

"Tara na"

Hinila ako ni Camie sa pinakamalayong parte ng mga taniman, binigay niya sa akin ang kakaibang sandata tinitigan ko iyon habang naka kunot ang noo ko.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon