"Ginagamit mo ang iyong sariling lakas kaya ka nanghihina Asha.. hindi ganyan ang dapat mangyari Asha bago mo matamaan ang Ring Queen ay siguradong tulog ka na"
Tumango ako, desididong gawin lahat ng utos ni Lola..
"Gamitin mo ang iyong katawan upang maging daan ng enerhiya mula sa lupa papunta sa kung ano man ang nais mo, hindi mo dapat ginagamit ang iyong sariling lakas upang gawin ang nais mong mangyari"
Pumikit ako..
At agad kong naramdaman ang mga nilalang sa paligid, pang apat na araw ko na ito dito at hindi ko pa alam kung paanong matatalo ang Ring Queen..
Hindi ko na kailangan damhin ang lupa upang maramdaman ang pintig nito... nararamdaman at naririnig ko na ito kahit naka tayo ako.
Agad kong nakita ang paligid mula sa himpapawid..
Isang kisap mata ay naging lumipad ako bilang hangin.. kaya kong maramdaman ang mga nararamdaman at nararanasan ng mga bagay sa paligid ko.
Inumpisahan kong paikutin ang hangin..
Hanggang sa makabuo ako ng maliit na ipo-ipo.. nag dikit ang kilay ko.. hindi ko kailangang gamitin ang aking lakas.. ang kailangan ko ay maging daan..
Nararamdaman ko naman ang enerhiya mula sa lupa.. mas madali ko nang nagagawa ang nais ko.. ngunit nanghihina pa rin ako pagkatapos kong gawin ang mga pagsasanay.
Sinubukan kong kalmahin ang aking puso.. masyadong malakas ang tibok nito na pakiramdam ko ay lalabas na mula sa aking dibdib.
Pinagpapawisan na ako.Hindi ko gustong maulit ang nangyari kahapon na tatlong oras akong nakatulog pagkatapos gamitin ang aking kapangyarihan upang ilipat ang tubig mula sa isang baso patungo sa isa pang baso.
Unti-unti kong binitiwan ang enerhiya.. at agad nararamdaman ko na naman ang panghihina na parang hinihigop ng lupa.. nagtagis ang bagang ko.. Nahirapan akong manatiling nakatayo dahil sa pakiramdam na may naka dagan sa aking balikat.
Nanginig ang buo kong katawan habang unti-unting pinapakawalan ang hanging aking nabuo.. imbes tapusin ang nangyayari sa pamamagitan ng pag dilat ay binalik ko ang aking sarili sa aking katawan.
Nang nasiguro ko nang nasa aking sariling mata na ako ay syaka ako dahan dahang dumilat.
Napaluhod ako sa pagod.. alam kong pinagmamasdan ako ni Lola nagbilang ako ng labing dalawa hinintay kong kainin ako ng dilim... ngunit tanging panginginig lamang ang nararamdaman ko at pagod..
"Magaling Asha.. nagawa mong manatiling gising.. pag katapos ng tanghalian ay uulitin natin ito"
Ahh..
Base sa panginginig ng buo kong katawan nangdududa akong kaya ko pang manatiling gising sa susunod na gagawin ko ulit ito.
Madilim pa ng idilat ko ang aking mga mata.
Hindi ko na iniinda ang sakit sa aking katawan dahil sa mga tinamong pagbagsak at pagod.. nasanay na yata ako sa hirap na dinadanas ko buong pagsasanay.
Huling araw na.
Hindi ko alam kung sapat na ba ang natutunan ko upang harapin ang Ring Queen at ayaw ko ring isipin ang maaaring mangyari kapag sumuko nalang ako.
Tumayo ako at lumapit sa bintana, mga alitaptap lang ang nakikita kong umiilaw sa mga kakahoyan.. napatingala ako ng may dumaang malaking ibon.. huminga ako ng malalim at pumikit.
Agad agad nakita ko ang nakikita ng ibon sa himpapawid, walang bakas na may tao sa paligid ng bahay ni Lola.. nilingon ko ang mga bahay sa di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...