Kabanata 24

32 3 0
                                        


Napaawang ang labi ko at ilang sandaling napatitig kay Argus..

Tama ba ang narinig ko? Pumikit siya at bumuntong hininga.

"Prinsesa.. gusto kong ipaalam sa iyo na hindi namin kinulong ang iyong kapated binigyan namin siya ng kanyang sariling silid, mga binibini at tinutupad namin ang mga hiling niya.."

"Umupo ka at sasabihin ko sa iyo ang totoong nangyari--"

"Argus..hindi natin sila maaaring pagkatiwalaan" pigil ni Prinsipe Hinder sa kanyang taga payo.

"Kamahalan, sa tingin ko ay mas mapagkakatiwalaan natin sila kumpara sa Ring Queen"

Nagtagis ang mga bagang ko, sinulyapan ko si Nova na madilim pa rin ang tingin sa akin. Kung hindi dahil sa Propesiya ay hindi ako susunod sa ano mang sabihin ng matandang ito.

Umupo ako at pinagkrus ang aking braso.

Kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi ako makikiisa sa kung ano mang plano ng matandang ito gusto ko lamang malaman kung anong alam niya tungkol sa Propesiya.

"Pero bago ang lahat.."Bumaling siya kay Nova at umiling

"Hindi ko maaaring pakawalan ang mga nadakip binibini.. maghihinala ang Ring Queen kapag lahat sila ay nakawala at ang huli nating gustong mangyari ay malaman niya na gumagawa kami ng hakbang laban sa kanya"

Mas lalo lamang nagalit si Nova sa narinig ngunit wala siyang sinabi mukhang gusto rin niyang makinig sa kung anong alam ni Argus sa propesiya.

"Ang sinabi sa propesiya ay isang Prinsesa ang magiging kataposan ng Norte--"

"Dahilan upang patayin ng Ring Queen ang kanyang mga naging anak.. alam ng lahat yun"

Kuminang sa pagkamuhi ang mga mata ni Nova, tinitigan ito ni Argus samantalang tumikhim naman ako alam ko nga ang tungkol doon ngunit kamakailan ko lang nalaman.

"Tama.. ngunit nitong nakaraang taon.. nagbigay ulit ng isang propesiya ang pinagkakatiwalaang Nakakakita ng Ring Queen.. isang Prinsesang nakatakdang maging reyna.. ang siyang tatapos sa kanya"

Sa akin naman ngayon tumitig ang matanda, gusto kong mag-iwas ng tingin kahit sa aking mga kasama ay hindi ko inamin sa kanila na iniisip kong ako yun.

Tanging si Camie lamang ang naniniwala sa akin.

"..hindi lang ang kanyang sariling anak ang maaaring maging katapusan niya.. at alam ng lahat na tanging ang Southern Mountain lamang ang nakatakdang pamunuan ng isang Prinsesa.. kung kaya inutusan ng Ring Queen.."Nilingon ni Argus si Prinsipe Hinder.

"..na patayin ang Prinsesa.. ang tanging plano lamang ng aming mga kawal ay hulihin at itago ang iyong ina at si Prinsesa Evie.. ngunit hindi namin inakala kong gaano kalakas at tapang ang inyong mga Kawal, sa kabila ng maraming kawal na pinadala namin ay lumaban pa rin sila hanggang sa katapusan.. patawad Kamahalan, ngunit maniwala kang isang aksidente ang nangyari sa iyong ina.. wala iyon sa plano"

Yumuko ito upang iparating ang kanyang pagsisisi sa nangyari.

"Wala akong karapatan na patawarin kayo.. hindi lamang ang aking ina ang napahamak sa labanang nangyari!"

Naalala ko ang mukha ni Rage.. at ang pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing naaalala siya. Kinalma ko ang aking sarili.

"Alam ko kamahalan at handa kaming humingi ng tawad sa bawat isa kapag natapos na ang digmaan na kinahaharap natin.. imbes patayin katulad ng nais ng Ring Queen ay tinago namin si Prinsesa Evie.. naniniwala kaming siya nga ang sinasabi sa Propesiya"

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon