Handa na ang lahat.
Naka suot na ako ng uniporme ng mga taga silbi sa palasyong ito. Imposibling hindi ako makilala agad ng mga tao kapag natitigan nila ako kaya kailangang sa tamang panahon ako lalabas.
Humigpit ang hawak ko sa patalim na galing sa Westhern, nais ko sanang maka hanap ng sandatang aangkop sa gagawin ko ngunit wala nang oras.
Ngayong gabi papatay ako.
Ngayong gabi ililigtas ko ang aking mga kaibigan at buong kaharian, ngayong gabi.. matatapos na ang lahat ng ito at lalaya na ako.
"Nagsisimula na"
Bulong ni Dania na nasa tabi ko at naka suot rin ng uniporme, kung kinakabahan man siya ay hindi niya pinapakita wala akong nararamdaman ngayon kundi lamig.
Dumagundong sa kinaroroonan namin ang musika mula sa bulwagan, nagsisimula na ang sayawan.. ilang sandaling pinakiramdaman ko ulit ang paligid.
Alam kong mapanganib kung kaya hindi ko ininda ang lamig na lalong namumutawi sa kapaligiran, napa lunok ako ng ilang besis.
Wala akong nais gawin ngayon kundi tapusin ito.Ilang sandali ang lumipas na tanging mga pag hinga lang namin ni Dania ang naririnig sa aming dalawa, bumukas ang pinto at magkasunod na lumabas ang mga taga dala ng pagkain.
Kabilang na doon si Brianna, kalmante ang at normal ang kanyang itsura kung hindi lang siya sumulyap sa banda namin at kumindat ay walang makakapagsabing naiiba siya sa kanyang mga kasamang masayang nag-uusap.
Nag hintay ulit kami ng ilang sandali..
Sa tingin ko ay isang oras ang hinintay namin bago ko narinig ang sunod sunod na yapak ng mga kawal, nagkatinginan kami ni Dania.. pumasok ang mga ito sa bulwagan at ilang minuto lang huminto na ang musika napalitan ng mga bosis ng mga tao sa loob.
Tumango ako kay Dania.
Magkasabay kaming humakbang papunta sa pinto, si Dania ang nagbukas noon at unang pumasok.
Tumingin ako sa likuran at sumunod na sa kanya ng masigurong walang nakatingin.
Katulad ng inaasahan ay walang naka pansin sa amin dahil nasa mga kawal ang buong atensyon ng lahat at sa dalang balita ng mga ito na nagkakaroon ng labanan sa mga sundalo sa Norte at mga hindi kilalang mga tao.
Huminto kami ni Dania upang pagmasdan ang nasa harap, sa mahabang mesa ay naka pwesto ang mga pinuno ng mga kaharian, ang Crown Prince ng Easthern Plain si Prinsipe Rico, katabi niya si Prinsipe Reo at sa kabila ay si Hinder lumipat ang tingin ko sa katabi ni Hinder.
Habang tinitignan ko ang babaeng naka upo doon ay nasagot ang aking tanong kung paanong may nagkakagusto sa isang babaeng kasing sama ng Ring Queen.
Ang kanyang ganda ay nakakamangha, kung hindi dahil sa kanyang pustura at sa klase ng kanyang malamig na tingin hindi mo iisiping ilang dekada na siyang namumuno.
Ang kanyang maitim na buhok ay naka ayos sa kanyang ulo at napapalamutian ng mga diyamanting iba-iba ang kulay, naka suot siya ng pulang damit na labas ang kalahati ng kanyang dibdib at agaw pansin ang suot niyang kwentas na may malaking pulang bato.
Kasing pula rin ng kanyang suot ang kanyang labi at walang pintas ang kanyang balat.
Ganito ba ang pagkamangha na nararamdaman ko ngayon sa mga nararamdaman ng mga taong unang nakakakita sa akin? Ngunit gaano man ka ganda ang mukha ng babaeng ito ay maaamoy at makikita mo pa rin sa klase ng kanyang tingin ang mga kasamaang nagawa niya.
Walang kasing lamig ang tingin niya sa paligid.
Samantalang ang kanyang mga katabi ay pagkamangha at takot ang nakikita sa kanilang mukha habang nakikinig sa sinasabi ng Kawal.

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...