Yumanig ang paligid, nagsigawan ang mga tao.. tinaas ko ang aking kaliwang braso at ang malaking ugat ng puno ay na nananalaytay sa lupa ay umusbong mula sa sahig.
Ngumisi ako ng makita ang takot sa mukha ng babae. Hindi ko siya kilala ngunit hindi ko siya gusto.
Lalo pa at sinusubukan niya akong pigilan sa kabila ng kanyang panghihina, marahil ang kanyang kapangyarihan ay nanghihina sa linya na naka palibot sa kanya.
Tinuro ko siya at agad sumunod sa akin ang ugat na mula sa lupa.
Inataki ko ang babae hanggang sa madala ko siya sa pader, may kung anong sinisigaw siya ngunit hindi ko maunawaan, wala akong maunawaan ang alam ko lang nais kong paslangin ang kaawa-awang nilalang na ito.
At yun ang gagawin ko.
Naningkit ang aking mga mata at kinuyom ang aking palad.
Naramdaman ko ang pagbaon ng ugat sa katawan nito, sa dulo ng aking mga daliri ay naramdaman ko ang mainit na dugo nito..
Dahan dahan kong dinamdam ang paunti-unting pagsipsip ng ugat sa kanyang mainit at sariwang dugo..
Ang unti-unti nitong panghihina ay nagiging dahilan upang lumaki ang aking ngiti.
Ang sarap sa pakiramdam.
Mas hinigpitan ko ang aking pagkakakuyom at halos matawa ako ng marinig ang pagkabasag ng kanyang mga buto. Ang pamimilog ng kanyang mata, ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang bibig at ilong..
Ikinasasaya ko ang aking nakikita.
Nais kong gawin ito sa lahat ng nilalang na nandito.
Nilabas ko ang aking dila nais kong malasahan ang kanyang dugo.. unti-unting humina ang pagtibok ng kanyang puso ang kanyang kapangyarihan ay unti-unting bumabalik sa kanya..
Hindi niya kaya ang sakit..
Hindi niya kaya!
"Hahahaha"
Naramdaman ko ang pag lapit ng isang nilalang sa aking likuran ngunit wala akong pakialam natutuwa ako sa ginagawa! Nung ilang hakbang nalang ay aabut na sa akin ang taong nasa aking likuran ay tinapos ko na ang babae.
Mahigpit kong kinuyom ang aking palad na naramdaman ko na ang pagbaon ng sarili kong kuko sa aking balat kasabay nun ang pagkaputol ng huling buto ng babaeng nasa dulo ng ugat na kontrolado ko.
Binaba ko ang aking kamay.
"AHHHH"
May tumama sa aking braso.. nagbaba ako ng tingin doon at nakitang umaagos ang masaganang dugo sa sugat na nilikha ng isang tao.
Unti-unting naghilom ang aking sugat.
Ngumisi ako at nilingon ang lalaking may dalang patalim. Umatras ito bakas sa mukha ang pagkasindak at takot.
Hindi pa siya nakaka atras ay kinain na siya ng mga maliliit na ugat ng puno mula sa lupa kung saan siya nakatayo, sumisigaw siya ngunit hindi ko marinig.
Hinihila siya pababa kung saan siya nababagay.
Nilibot ko ang aking tingin, may mga taong nakatingin lamang sa akin at hindi gumagalaw natuon ang tingin ko sa pintuan kung saan nag-uunahang lumabas ang mga tao.
Inangat ko ang aking kamay at muling lumitaw ang ugat na kasing laki ng aking mga hita, sigawan at iyakan ang narinig ko, inisang hawi ko silang lahat dahilan para mapunta sila sa iisang bahagi.
May nararamdaman akong lumalapit.
Natuon ang tingin ko sa aking harap kung saan may babaeng naka tayo.. umiiyak habang umiiling at naka lahad ang kanyang mga kamay, napakurap ako.. Anong nais ng babaeng ito?

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
Viễn tưởngIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...