Kabanata 31

29 3 0
                                        


Mabilis ang mga nangyari, ngunit mas mabilis si Kell naiwasan niya ang limang palaso ngunit ang pang anim ay bumaon sa kanyang braso.

"Kell!!"

Sigaw ni Rage, umakmang lalapit ang mga kasama namin ngunit hinarangan sila ni Argus.

"Masisira ang tulay"


Sabi nito, ngayon mula sa malayo ay nakikita ko na ang mga bulto ng mga taong naka masid hindi sa loob ng kanilang tahanan kundi sa gilid ng mga bahay.

Pinapanood nila ang nangyayari.

Nagtagis ang bagang ko, isa itong patibong.

"AHH"

Naka lunod na si Kell habang sapo sapo ang kanyang dumudugong braso, lahat ng aking kawal ay nais tulungan ang kaibigan.

"Kailangan natin siyang tulungan" Singhab ni Dania

Ngunit wala ni isang may alam kung paano, kung sana nararamdaman ko ang paligid, kinuyom ko ang aking kamao hindi ko gusto ang pakiramdam na walang nagagawa!

"Kell! Huwag kang gagalaw!"

Nagtatagis na ang bagang ni Rage habang gumagala ang tingin sa paligid marahil tinitignan niya kung saan nanggaling ang mga palaso.

Ginaya ko siya ngunit huminto lamang ang tingin ko sa tubig ng sapa, kalmado ang tubig.. ibig sabihin malalim ito.. hindi ko alam kung anong mangyayari ngunit isa lang ang sigurado ako, hindi ko hahayaang may mapahamak sa aking mga kasama.

Mabilis akong lumapit sa tubig.

"Asha!"

Hindi ko sila pinansin, umupo ako at nilubog ang aking kamay sa tubig at agad kung naramdaman ang koneksyon ko sa tubig.. ngunit ng nilagay ko ang aking isang kamay sa lupa ay wala akong maramdaman.. walang pintig.

Naalala ko ang sinabi ni Argus.

Isa lamang akong normal na tao kung nasa loob ako ng linya.. nasa loob? Ngunit nararamdaman ko pa rin ang tubig sa aking kamay..

Yung Asin kanina..

May kinalaman yun kaya wala akong maramdaman ngayong pintig ng lupa.. ang sapang ito ay hindi kasama sa nalagyan ng asin kaya nararamdaman ko ang koneksyon ko dito.

Mabilis kong tinanggal ang aking sapatos at walang alinlangan na sumulong sa tubig.

"Asha anong ginagawa mo?"

Sinubukan akong pigilan ni Dania ngunit iwinaksi ko lang ang kanyang kamay sa aking braso.. nasa sapa na ako at hanggang bewang ko ang lalim kahit nasa gilid pa lamang ako.

Ngunit ang resulta ng paglubog ko sa tubig ay agaran, naramdaman ko na ang malamig na hangin, ang pakiramdam na nakatingin sa akin ang mga puno.. at ang pintig ng lupa sa aking paa.

Pumikit ako..

Alam ko na kung anong gagawin kaya mabilis ko lang nagawa, naging isa ako sa mga dumadaloy sa sapa ngunit ng padaan na ako sa ilalim ng tulay ay pinilit kong umangat, maging isang malakas na bagay na kayang buhatin ang tulay..

At nagawa ko, naging isang solidong bagay ang umaangat na tubig mula sa sapa.

Inangat nito ang tulay na mabilis ring bumigay dahil naka desinyo ito upang masira kapag higit sa dalawang tao ang dumaan.. at sigurado akong may naghihintay sa ilalim ng tulay na kung anong patibong.. 

Nakikita ko ang matatalim na punong naka tayo sa ilalim ng tubig sa tapat mismo ng tulay, isa itong patibong sa mga magnanais na maka pasok sa Nayon ng Agora.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon