"Walang umaamin sa iyong mga kusinero kamahalan.. hanggang ngayon ay nasa kustuduya ng iyong mga kawal ang limang taong posibling may kinalaman sa panglalason kamahalan"
Imporma sa akin ni General ng kinabukasan ay dumalaw siya, nais ko nang lumabas dito ngunit ayaw pa rin akong payagan ng manggagamot at kailangan ko daw mag pahinga.
Nakakapagsalita na ako ng dretso ngunit nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa aking lalamunan.
"Gusto kong makausap ang limang iyon General"
Lumipad agad ang tingin ni General kay Rage na naka tayo sa kabilang pwesto sa gilid ng kama ko. Hinihingi niya ang permisyon nito?
"Pagkatapos mong lumabas dito Kamahalan ay iyon agad ang gagawin natin"
Napabaling rin ako kay Rage, matigas ang kanyang ekspresyon handang panindigan ang sinabi ngunit.. tinitimbang niya rin ang aking reaksyon.
Iniiwasan namin ang isa't-isa nitong nakaraang linggo tapos ngayon ay kritikal ang kanyang tingin kapag pinapasadahan niya ako ng tingin.. iniisip ba niyang kasalanan niya ang nangyari sa akin?
"Kaya kong makipag-usap sa iilang tao Rage.."
Mahinahon kong sabi at pinagmasdan ko ang kanyang ekspresyon, dahan-dahan niyang kinalma ang sarili, bumuntong hininga at tumango. Ngumiti ako bago nilingon si General na nag palipat-lipat ang tingin sa amin ng aking kapitan.
"Gusto ko silang makausap agad General" Tumango ito.
"Gusto kong humingi ng tawad.. Kamahalan"
Naka pikit ako ng marinig ko iyon, malamig ang bosis nito at gusto ko nalang manatiling naka pikit habang pinapakinggan ang bosis ni Rage kahit pa may ibang mga guwardiya kaming kasama.
"..tungkolin kong panatilihin kang ligtas ngunit na bigo ako kung kaya tatanggapin ko kung ano man ang maging desisyon mo"
Anong ibig niyang sabihin? Gusto niyang tumanggap ng parusa para sa nangyari sa akin?
"Ang desisyon ko Rage ay manahimik ka at gusto kong matulog" bulong ko
"Maaari kong kanselahin ang pakikipag-usap mo--"
Dumilat ako para matignan siya ng masama ngunit ang asul na mata ni Rage ay kumikinang habang naka ngising pinagmamasdan ako, maging si Kell ay umiiling sa kung ano.
Habang tinitignan sila ay halos makalimutan ko na ang mga agam-agam ko nitong nakaraang araw, na naging kaibigan ko lang ang aking mga tauhan dahil ako ang kanilang reyna at kapag isa lamang akong Prinsesa ay hindi nila ako mapapansin..
Masyadong mababaw yun para maging katulad ng Ring Queen..
At ilang besis ko na bang narinig mula kay Morgan at kay Rage na kontrolin ko dapat ang aking galit, nagkakaroon ako ng masamang iniisip kapag may galit sa aking puso.
Imbes makipagtalo kay Rage ay bumuntong hininga ako at tumitig sa kisame.
"Na panaginipan ko ang Ring Queen at si Draco kagabi... pinapaalam ni Draco sa ak--kanyang kamahalan ang tungkol sa pag babalik ng isang prinsesa.. at hindi na iyon mahalaga para sa Queen niya dahil ang gustong malaman ng Kamahalan ay kung sino ang namamahala sa kaharian sa loob ng limang buwan"
Ngayon na narinig ko ito na sabihin ng malakas ay para nga itong isang panaginip. Bumuntong hininga ako at nilingon si Rage, gusto kong sabihin niya sa akin ang mga bagay na gusto kong marinig..
"Ayaw kong maging katulad ng babaeng iyon.."
Umiling ako habang naaalala ang malamig at kontroladong emosyon ng Ring Queen.. ang pakiramdam na hindi ka na ulit sasaya kahit anong gawin mo ay sapat na para tunawin ang yelong unti-unting bumabalot sa akin nitong mga nakaraang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/209306609-288-k520023.jpg)
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasiIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...