Iniwasan ko ang tingin ng tatlo.
Alam kong magtatanong sila kung anong pinag-usapan namin ni Ivo, ngunit hindi ko muna sasabihin sa kanila.. syaka na kapag sigurado na ako.
Nung tanghalian, hindi na ako nagtaka ng hindi na sa akin nakatuon ang tingin ni Ivo, pinagmamasdan na niya ng ang galaw ni Nova.
Kung may naka pansin man sa pagbabago nito ay walang nagsalita.
Kinagabihan ay tinitigan ko ulit ang iilang bituin sa langit, tahimik na pinagmamasdan naman ako ni Camie. Kung mangyayari ang nasa isip ko, magkakaroon ng gulo.. pagkakataon na namin upang tumakas.
Umihip ang malakas na hangin, mukang uulan na rin sawakas.
"Anong ibig mong sabihin Ivo?"
Naka kunot noong tanong ni Nova, kumakain kami ng tanghalian at minabuti kong umupo na sa tabi ni Ivo dahilan upang nagdududa akong tinignan ni Nova.
"Masyadong malayo ang nayon na nais mong puntahan namin.. hindi maaari"
Matigas na tanggi ng aking katabi, normal akong kumain kahit pa napapansin ko ang tingin ni Bryan sa akin mula sa kanyang kinauupuan kung saan niya katabi ang dalawang babaeng taga kampo.
"Kailangan nating kumuha ng mga gamot mula doon! Kumakalat na ang sakit sa balat dito at nandoon lamang ang gamot"
Naka kuyom na ang kamao ni Nova, katabi niya si Becca na walang emosyon na tinitignan ang kanyang paligid.
"Kung ganun bakit hindi ang mga yun ang ipapunta mo doon? Marami akong mas mahalagang gagawin"
Tumikhim ako dahilan upang mapalingon sila sa akin.
"Mahalaga rin naman ang mga gamot na iyon kapitan, bakit hindi mo nalang sundin ang iyong komander?"
Malamlam kong tanong, napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga at ang pagkuyom ng kamao nitong may hawak na baso. Iginala ko ang tingin sa mga taong nasa harap namin, mangha silang nakatingin sa akin.
"Sigurado akong magpapasalamat ang mga tao kapag nakuha mo ang gamot na iyon Kapitan.. hindi ba komander?"
Baling ko sa nakatiim bagang na si Nova, nakatitig siya sa akin at binigyan ko siya ng ngiting madalas kong ibigay tuwing may pagtanggap.
"Alam ko kung anong ginagawa mo Aila"
Bulong ni Nova ng dumaan ako sa kanya pagkatapos naming kumain, babalik na ako sa aking kubo ng hinila niya ako papunta sa gilid ng kanyang kubo.
"Mabuti kung ganun Komander"
Ngiti ko, tinanggal ko ang kanyang kamay na naka hawak sa aking braso at mataman siyang tinitigan.
"Sa tingin mo magtatagumpay ka? Hindi mo kilala si Ivo--"
"At hindi ko nais na kilalanin pa ang iyong kapitan.. kung yan ang inaalala mo"
Tumaas ang gilid ng labi nito at mataman akong pinag-aralan.
"Sa tingin mo ay makokontrol mo ang isang iyon hindi ba Aila? Maraming babae na akong nakasalamuha na katulad mo.. at gusto kong ipaalam sa iyo na wala sa kanila ang naka pagpabago sa isip ko at mas malala pa sa akin si Ivo"
Sarkastiko akong tumawa. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ganyan ang itsura ni Nova.. umaasta siyang lalaki dahil gusto niya ang mga babae.
"Uhh Komander.. tignan nalang natin"
Kinindatan ko siya bago tinalikuran.
"..ang sabihin mo, nagugustuhan mo nang manatili dito kasi maraming nagkakagusto sa iyo!"
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...