"Ang nangyari sa iyo ay posible lamang na mangyari sa pagitan ng dalawang magkapated na diwata at nagkataon na parehas ang dalawa ng nararamdaman.. kung naging ikaw nga ang Ring Queen ibig sabihin may posibilidad na makita rin niya ang iyong iniisip"
Dahan dahan akong umiling..
Hindi ako makapaniwala sa narinig.. ang Ring Queen na matagal nang nabubuhay ay aking kapated? Isa iyong malaking..
"..alam kong mahirap paniwalaan ang aking sinabi Asha ngunit iyon lang ang paliwanag sa nangyari... sabihin mo sa akin.. anong naramdaman mo bago nangyari ang panaginip?"
Nagbaba ako ng tingin, pagkatapos niya akong pasalamatan ay hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nakakahiyang naramdaman ko nung panahong iyon. Pinagdudahan ko ang aking mga tauhan, inilayo ko ang sarili sa lahat dahil sa takot kong iwanan rin nila ako at hindi ko kaya kapag nangyari iyon..
"Galit.." bulong ko.
Ilang sandaling hindi sumagot si Lola.. hindi ako nakatiis kaya nagtaas ako ng mukha, naabutan ko siyang mariin ang titig sa akin.
"Galit, ibig sabihin nagalit rin ang Ring Queen ng mga panahong iyon Asha.. upang maiwasan mong ibigay sa Ring Queen ang iyong iniisip ay kailangan mong siguradohing laging malayo ang inyong nararamdaman.. mga negatibo ang nararamdaman ng Ring Queen.. kaya pilitin mong maging positibo sa lahat ng bagay"
Madaling sabihin ngunit sobrang hirap gawin.
Lalo pa at ganitong naaalala ko ang mga kamalian na nagawa ko noon. Inalam ni Lola Caramella ang lahat ng mga bagay na nagawa ko na sinabi ko sa kanya kung anong pakiramdam kapag nagagamit ko ang aking kapangyarihan.. wala kaming ibang ginawa kundi mag-usap at ipinapaliwanag niya sa akin ang mga dahilan kung bakit nangyayari iyon.
Katulad nalang nung pinatay si Morgan, hindi ang panganib ang naramdaman ko nun walang malamig na hangin ang umihip kundi ang kapangyarihan ng Ring Queen.. sabi ni Lola isang mabuting pangitain yun dahil kaya kong malaman kung may isang tao o kahit anong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Ring Queen at sa susunod alam ko na ang dapat gawin.
"Pakainin ng..?"
Naka kunot noo kong tanong habang tinutulungan si Lola na maghanda ng hapunan sabi niya ay ligtas ang aking mga kasama kaya isinantabi ko muna ang pag-aalala sa kanila.
"Kahit anong bagay na may asin.. ang mga Diwata ay nanghihina kapag may asin ang paligid"
Yung linya na gawa sa asin, isa iyong proteksyon laban sa mga diwata? Alam ni Argus yun kaya niya nasabi ang sinabi niya.. at yung mga pagkain.. walang lasa.
"Hindi mo magagamit ng todo ang iyong kapangyarihan sa gitna ng nayon, kung kaya nandito tayo.. sa dulo ng proteksyon kung saan maari kang mag sanay sa labas ng linya"
".. ilan sa mga silid sa Palasyo ng Westhernisle ay ginawa na may kasamang asin kung kaya walang nakakagamit ng mahika sa loob ng mga silid na iyon"
Baliwala niyang sabi.. samantalang naalala ko ang silid aklatan ang pakiramdam na malayo sa kalikasan. Ngayon ay naliliwanagan na ako sa mga simpling bagay.. kung may pagdududa pa ako sa pag punta ko dito ay tuluyan nang nawala.
Hindi lamang gumaan ang nararamdaman ko, naka tulong ang pag-uusap namin upang maintindihan ko ang mga bagay-bagay.
"Lola.. bakit.. bakit kapag ginagamit ko ang aking kakayahan.. nanghihina ako?"
Alanganin kong tanong habang kumakain na kami, ilaw lamang mula sa lampara ang nagbibigay liwanag sa amin at ang tunog ng mga kuligkig at pang gabing ibon lang ang maririnig sa labas.

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...