Kabanata 18

41 4 0
                                        


Dumilat ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha..

Pamilyar na silid ang aking nasilayan, ang silid ng aking ina.. 

Oo nga pala ako na ang gumagamit dito at matagal na bakit pakiramdam ko naninibago ako?Lumingon ako at natagpuan ko si Brianna na nakatalikod mula sa akin na naglilinis..

"Bri"

Napalunok ako, masyadong tuyo ang aking lalamunan.. ngunit sapat na ang aking sinabi upang mapatalon sa gulat si Brianna.

Agaran ang kanyang paglingon sa akin at ilang ulit siyang kumurap bago siya biglang tumili ng malakas na naging dahilan ng pag pikit ko.

"Kamahalan.. Kamahalan.."

Dumilat ako ng niyugyug ako ni Brianna at agad siyang umalis ng nagdatingan ang aking mga kawal. 

Lahat sila ay napamaang ng makitang gising na ako.

Kumunot ang noo ko..

Sobrang bigat ng aking pakiramdam na para bang hinihila ako ng kama upang manatiling naka higa ng subukan kong bumangon.

"Kamahalan"

Mangiyak-ngiyak na tawag ni Brianna, naka tutop ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig..

"Tatawag ako ng manggagamot"

Agad umalis si Yuhan habang nakatitig pa rin sa akin sina Dyer, Kell at Wellmar.

"Tu..big"

Nagmadaling lumapit sa tukador si Brianna at kumuha mula doon ng tubig, nanginginig ang kanyang mga kamay na inabot sa akin.. hindi ko kayang tumayo para bang naging lantang gulay ako.

Ilang sandaling naka masid ako sa tubig, iniisip ko kung nasaan si Rage dahil hindi siya magdadalawang isip na tulungan akong uminom..

Tumikhim si Kell bago siya naglakas loob ng lumapit, umupo siya sa aking gilid at tinulungan akong maka upo, sumandal ako sa kanya at halos maiyak ako ng maramdaman ang walang lakas kong katawan.

Nung naramdaman ko ang tubig ay kahit papaano ay luminaw ang aking pag-iisip.

Nilagyan ni Brianna ng unan ang aking likod upang manatili akong naka upo kahit pa tumayo na si Kell at sumama sa pagtitig sa akin.

Pinagmasdan ko ang aking mga brasong..

Kung may lakas lamang ako ay siguradong napatalon na ako sa gulat sa nakita halos kita na ang aking mga ugat sa putla ng aking balat at paanong naging ganito kapayat ang aking braso, sinubukan kong e-angat ang aking kamay ngunit kunti palang ang nagagalaw ko ay nanginginig na ang buo kong braso.

Napasinghab ako sa nakikita.

Malakas ang kabog ng aking dibdib sa kabila ng panghihina ng aking katawan ay nagtaas ako ng tingin sa mga taong nasa aking silid.

"A-a.."

Nagmura ako, kahit pagsasalita ay mahirap ngunit si Brianna na ang umiyak para sa akin tumalikod siya upang punasan ang kanyang mga luha.

Kumunot ang noo ko ng makita ang itsura ng lahat.. hindi pa man ay kinakabahan na ako sa klase ng kanilang tingin na para bang gulat na gulat na makitang gising na ako.

Mula sa sulok ay biglang may gumalaw.. pahirapan ang pag lingon ko doon, naka pamulsang naglakad palapit sa aking kama si Bryan..

Ang kanyang mata ay seryosong ginagala ang tingin sa aking buong katawan ngunit hindi ko makuhang mahiya o ano.. tinitigan ko siya nais iparating ang gusto kong sabihin.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon