Southern Mountain, Etheria
"Ang Mahal na reyna ng Southern Mountain, Queen Asha Amea Blacktorn"
Sumabog ang magabong palakpakan sa malawak na bulwagan, kahit saan ako lumingon ay nakangiti at masaya ang mga mukha ng mga tao.. lahat ng nandito ay mga Noble class nakakasilaw ang suot na mga alahas ng mga kababaehan at ang mga nakakatawang kasuotan nilang lahat, masyadong makulay ang paligid hindi na nakakapagtaka dahil mahilig sa maliliwanag na bagay ang aking ina.
"MABUHAY ANG MAHAL NA REYNA"
"MABUHAY!"
Sabi ni Morgan(Taga payo ng aking ina) hindi ko na kailangan magsalita kaya tumango lang ako at umupo ulit, hindi pa nagsisimula ang aking klase tungkol sa kung sino-sino ang mahalaga at kung sino ang walang kwenta sa loob ng palasyo.
Lahat ng nahahagip ng tingin ko ay yuyuko o di kaya ngingiti, kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pag-irap.. ilang buwan ang nakakaraan kung ituring nila ako ay para lang akong palamuti o di kaya masakit sa kanilang mata na hindi man lang nila magawang bigyan ako ng isa pang sulyap tapos ngayon ito?
Kahit ang mga Queen's Guard ay naka tiim bagang habang tinatanaw ang kapaligiran, ano kayang iniisip nila ngayon na ang isang katulad ko na ang pinagsisilbihan nila?
Ang tinatagong anak, hindi nais ng kanyang pamilya at walang pangalang ama.
Hindi na ako magtataka kung mag-alisan silang lahat, isang buwan pa ang nakakalipas ng malaman namin na inabangan ang karwahe kung saan sakay ang mahal na reyna na si Queen Amea at ang nag-iisa kong kapated na si Crown princess Evie, walang nakaligtas maging ang Captain of Guard na si Thorn ay nasawi.
Magkasabay na inilibing ang bangkay ng kapitan at ng aking Inang reyna habang hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang bangkay ng aking kapated at tanging duguang mga gamit lamang niya ang nakita.
Isang masamang balita yun para sa buong kaharian pero para sa akin higit pa sa isang masamang balita, dahil sa nangyari nagbago ang buhay ko, dahil ako nalang ang nag-iisang kamag-anak ni Queen Amea ay ako ang nagmana sa korona.
Sigurado ako na kapag may ibang pagpipilian bukod sa akin hindi talaga ako mapipili.
Nakaligtas lang naman ako sa nangyaring trahedya dahil hindi ako gustong isama ni Evie, mula pa noon ay ayaw niyang nagkakatabi kaming dalawa, tatlong taon ang pagitan namin pero ni minsan hindi kami nagkasundo.
Kaya hindi nila ako masisisi kung ganitong wala akong maramdamang simpatya sa nangyari sa aking pamilya, hindi ko sila kilala kahit pa sabihing anak ako ng reyna.
Ang naaalala ko lang pagkakataon na nagkausap kami ng maayos ng aking ina ay noong sinabi niya sa aking alagaan ko ang aking mukha dahil ito lang ang bagay na mapapakinabangan ko, sabi niya pwede akong mabili bilang babae ng hari sa ibang kaharian kapag nasa tamang edad na ako.
"Magaling ang ginawa mo mahal na reyna"
Pinigilan kong sitahin ang mga kawal na nakasunod sa akin, hindi ako sanay na may kasamang naglalakad sa pasilyo at hindi lang isa, apat na kalalakihan ang naglalakad kasama ko hindi pa kasama si Morgan.
"Wala akong ginawa Morgan"
Sabi ko ng nakangiti, ang isa sa natutunan ko bilang prinsesa ay ngumiti kahit sa anong sitwasyon.
"Ang patunayang may na nanatiling tagapangalaga ang kaharian ay sapat na para panatagin ang loob ng iyong nasasakopan, ngunit tama ka at wala pa lang ang nangyari kanina sa totoong kahaharapin mo bilang reyna"
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...
