Kabanata 7

40 4 0
                                    


"Kamahalan!"

Napabangon ako bigla, ilang sandali akong nakatanga sa sariling kwarto hinahawi na ni Dania ang mga kurtina at agad pumasok ang liwanag mula sa araw.

Umaga na?

Pakiramdam ko ay kakapikit ko pa lang, napatingin ako sa aking suot.. hindi man lang ako nakapagbihis kagabi, hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako.'

Namiwang si Dania habang pinagmamasdan ako.

"Isusumbong ko kay Morgan ang dalawang Katulong mo Kama--"

"Wala kang sasabihin kay Morgan"

Matalim ang bosis ko na hindi napansin ni Dania dahil nilibot niya ang tingin sa kwarto at umiiling habang ginagawa yun.

"At hanggang ngayon ay wala pa sila dito? Makakatikim talaga ang dalawang--"

"Dania"

Nagtama ang tingin naming dalawa, agad siyang tumayo ng tuwid ng makita ang mukha ko.

"May sakit si Camie kagabi kaya iyon ang dahilan kung bakit hindi nila ako natulungan at hindi ko kailangan ng tulong sa pagbibihis talaga lang napagod ako kagabi.. tinutulungan ni Yancy si Camie kaya pareho silang wala pa hanggang ngayon"

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri.

"Wag mo nang iparating to kay Morgan" Malamig kong tugon at tumayo na.

"Maliligo ako pakihanda ng aking susuotin"


Tapos na akong magbihis ng dumating ang dalawa. Agad kaming nagkatinginan at sa klase ng tingin ni Camie alam na niya ang nangyari kagabi.

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam Camie?"

Narinig kong tanong ni Dania, iniwasan ko siyang tignan at sa sariling repleksyon ko lang sa salamin ang tinitignan ko habang inaayos ni Yancy ang aking buhok.

"O-Oo.. nagamot naman ako kagabi"

Tumikhim ito, nakukunsyensya ako pati ang dalawa ay kinakabahan sa ginawa ko kagabi.. bumuntong hininga ako.

"Dania.. pwede mo bang tawagin si Morgan gusto ko siyang makausap mamaya"

Natigilan si Dania at ng sulyapan ko siya ay palipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo, inayos ko ang aking itsura habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. Namumutla pa rin ako..

"Masusunod kamahalan"

Yumuko ito bago naglakad palabas, ilang sandali nang nakakalabas si Dania ay wala pa ring nagsalita sa amin, napabuntong hininga ako nakalimutan kong hindi nga pala nagsasalita ang dalawa, pakiramdam ko bigla kaming naging meyembro ng kung anong grupo at natural na mag-usap kami.

"Gusto kong malaman kung gusto niyo bang ipagsabi ang nangyari kagabi.. sa kahit kanino"

Tinitigan ko sila sa salamin, magkasabay na umiling ang dalawa.. 

"Tapat po ako sa inyo kamahalan.. wala po akong pagsasabihan kahit ikamatay ko ang inyong sekreto"

Sagot ni Yancy seryoso ang kanyang mga mata.. nakahinga ako ng maluwag bago tumingin kay Camie, inaasahan kong mag-iiwas siya ng tingin o yuyuko pero determinado ang kanyang mukha ng titigan ako pabalik.

"Naniniwala akong ikaw kamahalan ang makakapigil sa Ring Queen.. ano man ang tulong na kaya kong ibigay sa iyo ay gagawin ko ang lahat para makatulong sa pagbagsak ng Northern" Napaawang ang bibig ko.

Wala akong sinabi na kahit ano, paanong iyon agad ang tingin ni Camie na ginagawa ko? Sisikuhin sana ni Yancy si Camie pero nakita niyang nakatingin ako kaya hindi niya ginawa.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon