Kabanata 32

35 3 0
                                        


Napamaang ako.

Hindi ako makapaniwalng tumitig sa kanyang mukha naririnig ko pa rin ang huni ng ibon sa labas ilang sandali akong natigilan habang nakatingin sa kaharap.Umiling siya.

"Sa dami ng namatay sa panahong ito Asha, isang karangalan ang mamatay sa gitna ng digmaan at natutuwa akong malaman na may saysay ang kanyang pagkamatay"

Itinikom ko ang aking bibig...

Hindi ko inaasahan ang aking mga nariring, ngunit hindi ko gusto ang kanyang pinapahiwatig sa nangyari inaasahan kong kahit papaano ay magalit siya sa akin at pahirapan akong kausapin siya ngunit hindi ganitong.. natutuwa siyang malaman ang nangyari kay Camie.

Ibinaba ko ang aking kamay upang itago ang pag kuyom ko sa mga ito.

"P-paano.. paano mo nasasabi ang ganyang bagay" singhab ko

Nanatili ang kanyang seryosong mukha walang nagbago kahit pa kahit ako ay naririnig ko ang galit sa sariling bosis.

"Asha.. Asha... sa tingin mo ba hindi ko naramdaman ang pagkamatay ng aking apo"

Namilog ang aking mga mata, sa kabila ng kanyang sinabi ay hindi ko maiwasang manindig ang aking balahibo sa klasi ng pagtawag niya sa akin..

Ang aking Ina lamang ang tumatawag sa akin sa ganung paraan..

"..pa..paano..?"

Isa ba siya sa mga sinasabi ni Argus na may dugong diwata? Nagkibit balikat siya at tumingin sa bintana kung saan makikita ang mga halaman sa labas.

"Kapag binuksan mo ang iyong sarili sa iyong kapaligiran Asha.. mararamdaman mo ang lahat.. isang araw kong inisip kung anong nangyari sa kanya.. tinanggap ko na wala na siya at sinubukan kong tanggapin ang maaaring posibilidad na namatay siya sa pinaka malupit na paraan"

"..mula pa noon ay alam kong may nakatakdang gawin si Camie, alam kong aalis siya pagdating ng panahon.. kaya ng nagpaalam siya upang mamasukan sa isang mayamang maharlika sa South ay tinanggap ko at sinubukan kong tanggapin din ang mga posibilidad na maaring mangyari sa kanya"Bumuntong hininga ito."

Nagising ako isang gabi na alam ko na na wala na siya.. at gaya ng sabi ko, isang araw kong inisip at hiniling na sana.. sana.. maayos ang kanyang pagkamatay at hindi siya dumanas ng hirap"Yumuko ako, nanlalabo ang aking mga mata.

"..dahil sa sinabi ng iyong mga kasama ay hindi lamang ang mabigat na bagay ang nawala sa aking dibdib Asha, natutuwa ako at kahit papaano ay may saysay ang kanyang pagkamatay, iniligtas niya ang iyong buhay Asha.. at sa paghingi mo ng tawad ay sinasabi mong sinayang niya ang kanyang buhay dahil sa ginawa"

Tumango ako, hindi ko pinunasan ang aking mga luhang nag-unahang maglaglagan ng ilang besis akong kumurap.

"..at higit sa lahat natutuwa akong malaman na sa loob ng mahabang panahon na napunta siya sa inyong palasyo ay nagkaroon siya ng magandang buhay..mga kaibigan na handang ibuhis ang buhay upang mabigyan siya ng isang marangal na libing.. at isang katulad mo na handang magalit sa akin dahil lamang sa pinapakita kong walang pakialam sa nangyari sa aking Apo"

Kahit pa naririnig ko ang ngiti sa kanyang bosis ay hindi ko magawang mag-angat ng tingin, nagbabara ang aking lalamunan habang sinusubukang huminga ng malalim.

"Naniniwala siya sa iyo Asha.. at ang lahat ng tao sa Agora ay nagawa mong kunin ang loob ng niligtas mo ang iyong kawal"

Napasinghab ako at mabilis na pinunasan ang aking luha, nag angat ako ng mukha.

"Si Kell.. ayos lang ba siya?" Tumaas ang kilay nito.

"Ayos lamang siya, walang lason ang aming mga palaso gaya ng tumama sa iyong binibini"

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon