Kabanata 27

41 3 0
                                        


Naramdaman ko ang biglang pagtaas ng tensyon ng paligid, mariing tinitigan ni Argus si Rage at umiling naman si Hinder.

"Sa tingin ko ay hindi magiging sapat ang isang kawal na panatilihing ligtas si Asha" sabi ni Hinder.

"Huwag kang mag-alala Kamahalan.. hindi ako nag-iisa"

Narinig ko ang ngiti sa bosis ni Rage... tinaasan ko siya ng kilay sino sino pa ba ang kasama niyang nagpapanggap na kawal ng General?

Nais ko na tuloy na umalis dito at puntahan sila.

"Ngunit.."

"Hinder.. ayos lang, matagal ko na silang nakasama at sigurado akong ligtas ako sa kanila.. at mapagkakatiwalaan sila"

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti ng magkatinginan kami ni Rage, hindi man nagbago ang kanyang mukha ay nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

"Kung ganun Prinsesa.. magsasama ako ng isa sa aking kawal"

Putol ni Argus sa titigan namin ni Rage, tumikhim ako..

"Hindi mo na--"

"Alam kong hindi mo alam kung nasaan ang nayon ng Agora Prinsesa kaya sasama ako sa ayaw at gusto mo"

Paghahamon ni Argus sa akin gamit ang kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako at tumango na lamang.

"Aalis tayo ngayong gabi.. mabuti pang sabihan mo na ang iyong mga sinasabing kasama"

Pinigilan ko ang aking sariling pumalakpak. Hindi ka na bata Asha! Ngunit ngayon ko lang naranasan na may mga kaibigang nais makita pagkatapos ng mahabang panahon..

Yumuko si Rage sa kanila at binalingan ako.

"Maiwan ka Prinsesa may kailangan pa tayong pag-usapan"

Nawala agad ang ngiti ko ng marinig ang sinabi ni Argus, dumilim ang mga mata ni Rage ngunit sandali lang pinagmasdan ko siyang tumalikod at naglakad palabas ng pinto.

Narinig ko ang pagtikhim ni Argus ngunit hindi ako lumingon sa kanya hanggang sa tuluyan nang masara ni Rage ang pintuan.

"Panghahawakan ko ang iyong salita Prinsesa.. na mapagkakatiwalaan ang iyong mga kawal, ngunit sana ay maintindihan mo na hindi na lamang ang iyong buhay ang nakasalalay sa misyong ito.. buong kaharian na at buhay ng maraming tao"

Sa klasi ng tingin ni Argus ay para bang may pinapahiwatig siyang kung ano na walang kinalaman sa kanyang sinabi.. seryoso ko rin siyang tinignan.

"Alam ko Argus.. at kaya kong itaya ang buhay ko sa aking mga Kawal"

Ngunit sa aking dibdib ay naramdaman ko ang pagbigat pa ng aking responsibilidad.

"Mabuti kung ganun.." malamig na tugon nito

"Asha, nalaman na namin kung saan kayo ligtas na dumaan.. dalawang araw lamang ang magiging biyahe papunta doon, apat na araw ang kabuohan at bibigyan ko kayo ng isang linggong palugit kapag hindi pa kayo bumalik ay mapipilitan akong ipahanap kayo"Seryosong saad ni Hinder.

Tumango lang ako, inayos ko ang aking itsura alam kong seryoso ang mga nangyayari ngunit hindi ko lang maiwasang mainip.

"Gusto kong balaan ka Prinsesa.. ang Agora ay hindi kasama sa aming kaharian, maaaring hindi nila tayo pakinggan matagal na nilang tinalikuran ang pagiging parte ng kaharian"

Alam ko yun.. nasabi na iyon ni Camie..

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Hindi ko pa rin alam kung paano sabihin ang nangyari kay Camie, isa iyong napakasamang balita..

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon