Kabanata 25

38 3 0
                                        


"Papayag ako sa nais ninyong mangyari"

Sabi ko agad ng pumasok sa loob ng aklatan kung saan naka upo na sa harap ng mahabang lamesa ang tatlo, umikot ang mga mata ni Nova ngunit wala siyang sinabi. Umupo ako at ngayon sa tabi na mismo ni Nova.

Pangatlong araw ko na dito at nakikita ko naman na maganda ang kanilang pagpapatakbo sa loob ng palasyo at higit sa lahat.. may dahilan ang mga nagawa nilang bagay noon.

"Mabuti kong ganun Asha.. hindi ka magsisisi"

Nakangiting sagot ni Hinder, ngumiti rin ako at binaling ang tingin kay Argus na binabasa ang aking mukha. 

"Gusto kong malaman kung anong plano ninyo" Patuloy ko.

"Ang unang plano.. ay nagawa na.. hanapin ang nasa propesiya at ngayon ay gagawa tayo ng pangalawang plano"

Tumikhim ito at binalingan na ang dalawa.

"Nais ko lamang malaman kung iisa ba talaga ang ating mga gustong mangyari.. ang tapusin na ang pamumuno ng Ring Queen"

Tanong nito habang nakatingin kay Nova, bumaling rin ako sa katabi hindi pa rin ako makapaniwala na katulad ko si Nova, nalaman niya na may dugo akong diwata unang kita palang niya sa akin ngunit wala akong maramdaman kahit na ako noong nakita ko sya.. o maging hanggang ngayon.

"Makakaasa ka sa bagay na iyon.. ngunit sa ibang pamamalakad mo ay wag mong isipin na sang-ayon ako"

Malinaw na naalala pa rin ni Nova ang mga kasamahan na dinala kahapon.. tumikhim ako upang kahit papaano ay mabawasan ang tensyon.

"Bakit hindi nalang ang una nating gawin ay maghanap ng mga taong may dugong diwata.. gawin natin silang kakampi siguradong malaki ang maitutulong nila"

Lalo na kung may mga kapangyarihan sila..

Tinaasan ako ng kilay ni Argus bumuntong hininga siya at umiling.

"Hindi ganun kadaling maka hanap ng dugong diwata--"

"Pero nahanap mo kami"

Nilingon ko si Nova at katulad ni Argus ay tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Isang malaking pagkakataon ang nangyari Prinsesa.. maswerte lamang ako at nasa iisang lugar kayong dalawa.. ang dalawang.. matagal ko nang pinaghihinalaang may dugong diwata"

Hindi ko maintindihan at napansin iyon ni Argus binalingan niya ako ng buong atensyon niya at ito na naman para bang wala na naman akong alam sa mga nangyari kung makatingin sila sa akin.

"Prinsesa Asha.. sa madaling salita, kayo lang dalawa maliban sa Ring Queen ang alam kong may dugong diwata sa lupaing ito"

Kumunot ang noo ko at dahan dahang binalingan si Nova, noong una ay akala ko ordinaryo na ngayon na makahanap ng mga taong may dugong diwata katulad ko dahil sa nakilala ko si Nova at Argus.

Ngunit ngayon sinasabi ni Argus na.. kami lang ang may dugong..

"Ahh, kung ganun ay hindi mo pa alam kung sino si Nova Prinsesa?"

Pagbaling ko kay Argus ay nakataas ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang aking katabi, narinig ko naman ang pagsinghab ni Nova ngunit hindi siya nag salita.

"Si Nova ay ang nag-iisang anak na isinilang ng Ring Queen"

Napaawang ang aking labi sa narinig, ilang sandali akong nakatitig lang sa mukha ni Argus na natutuwa sa nakikitang pagkakagulat ko.

Ilang sandali bago ko nakuhang umiling.

Nilingon ko si Nova, unang napansin ko sa kanya noon ay ang maganda niyang mukha sa kabila ng kanyang ayos.. nababalot sa mga tinta ang kanyang buong braso.. at lage siyang nagsusuot ng mga damit panglalaki.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon