Kabanata 6

49 4 0
                                        


Hindi ko pinansin ang iling ng mga guwardiya ko, naisip kong bisitahin ang lugar kung saan nila sinasanay ang mga bagong mandirigma ng palasyo, narinig ko ang pag-uusap ni Mitch at Wellmar bago ako pumasok sa aking kwarto kanina kaya imbes matulog ay niyaya ko silang samahan ako sa sinasabi nilang nagaganap na pagsasanay.

Sa likod ng mga nagtatayuang puno ay may malawak na bakod na gawa sa malalaking kahoy, sampong minuto lang kung lalakarin ang layo nito mula sa likod ng palasyo.

Alam kong merong ganitong lugar dito pero hindi pa ako nakakapunta at sa tingin ko magandang pagkakataon ang itong gabing ito.

May mga ilaw naman ang daan papunta doon at naririnig ko rin ang ingay na nagmumula sa mga tao doon kaya hindi nakakatakot maglakad.

Pinagsuot rin ako ni Dania ng itim na damit para hindi ako madaling makita sa dilim, inilugay ko ang aking mahabang buhok at masyadong maitim ang buhok ko na makakatulong sa gustong mangyari ni Dania.

Tinulungan akong umakyat ni Wellmar sa kahoy na tungtungan, ilang hakbang yun bago kami makarating sa pinakataas at agad uminit ang mukha ko ng makita ang ibaba.

Lahat ng lalaking nasa baba ay walang suot na pang-itaas tanging itim na pantalon lang ang suot at pawisan silang lahat.. gusto kong umatras sa hiya ng maramdaman ko ang dalawa pang guwardiya ko na naka akyat na, tumikhim ako at tahimik na pinagmasdan ang nangyayari.

Mahigit isang daan yata ang mga nandito, maliwanag ang paligid dahil sa mga siga na naka lagay sa mga poste maayos silang nakapila at may kung anong tinitignan sa gitna..

Naglakad ako para makita kung anong meron, sumusunod ang mga guwardiya ko sa bawat galaw ko at kahit nakakainis ay hindi ko sila sinaway.

Narinig ko ang tawa ni Mitch at may tinuro sa mga kasama, pinagtatawanan yata nila ang mga batang nasa baba, ngayong kumalma ako ay napansin ko nga kung gaano ka mga bata ang nandito.

"Mitch.. ilang taon ba ang pweding sumaling mandirigma ng Palasyo"

Ginala ko ang tingin sa baba, may mga kaedad ako sa totoo lang parang ang lahat ng nandito ay kaedad ko lang..

"Walang basehan kamahalan, basta't gusto nilang ipaglaban ang Kaharian ay maaari silang sumali hindi namin pinipilit na maglingkod sila sa palasyo.. naniniwala sa General at Kapitan na pagdating ng panahon makakatulong ang kaalaman nila sa pakikipag digma para iligtas ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay"

Si Wellmar ang sumagot, nakatingin man sila sa baba ay matibay pa rin ang kanilang tindig sa magkabilang gilid ko.

"..at ang pinaka dahilan nila ay makita ka kamahalan" Tawa ni Mitch. 

Tinignan ko siya ng masama at tinaasan niya ako ng kilay na para bang handa siyang makipagtalo kung aangal ako at hindi ko gagawin dahil pagtatawanan lang niya ako.

Nag galawan ang mga ito kaya nakita ko kung anong meron sa gitna, napasinghab ako ng makitang may nag-aaway doon at nakatingin lang silang lahat.

"Kasali yan sa kanilang pagsasanay kamahalan"

Bulong ni Wellmar ng marinig namin ang sigaw ng kung sino. 

"SINONG SUSUNOD! Kapag narinig kong nagsalita kayo ng hindi maganda sa lugar na ito ay yan ang aabutin niyo! MALIWANAG!"

"OO KAPITAN"

Napaawang ang bibig ko ng makilala ang malakas na bosis na iyon, nagtawanan ang mga guwardiya ko pero napatanga ako ng makilala ang biglang tumayo na nasa gitna.

Si Rage.

At wala siyang suot na pang itaas na damit.Mas lalong lumakas ang kagustuhan kong tumakbo pabalik sa kwarto ko, para bang may ginawa akong masama at kapag nakita ako ni Rage ay malalagot ako..

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon