Kabanata 4

70 5 0
                                        


Wala na naman si General, ang sinabi ng kanyang mensahero ay nasa bayan siya at may inaasikaso sinabi lang nitong patuloy pa rin ang nakawan ng mga bandido na nasa kagubatan at ang ilang mga maaaring nakakita sa nangyari sa aking pamilya na hanggang ngayon ay tinatanong pa rin nila.

Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang malawak na silid ng tanggapan, nakalaan ang malaking parte sa gitna nito para sa gustong makipag-usap sa akin at nasa gilid naman ang mga nakamasid sa nangyayari may dalawang kawal ang naka bantay sa malaking pinto at isa doon ang magsasabi kung sino ang papasok para kausapin ako at kakalabas palang ng mensahero ni General, nababagot ako sa kilos pagong na usad ng imbestigasyon..

Nilingon ko si Rage na kanina pa naka tiim bagang at nakatingin sa kawalan, malalim ang kanyang iniisip simula pa kanina.. ngayon na pinagmamasdan ko siya ng hindi niya napapansin ay malaya kong inalisa kung anong meron sa kanyang itsura.

Naka upo ako at nakatayo naman siya, matangos ang kanyang ilong at ang kanyang panga ay nadidipina tuwing nagtatagis ang kanyang mga ngipin, hindi katulad ng ibang mandirigma na kayumanggi ang kulay, siya ay mestiso at namumula lang ang kanyang balat kapag naaarawan, makapal ang pang ibabang labi niya keysa sa taas at namumula iyon, makapal ang kanyang kilay at malalalim ang kanyang mga mata na napapalibutan ng mahahabang pilikmata.. sa kanyang kanang pisngi ay isang maliit na nunal na syaka mo lang mapapansin kung ganitong nakatitig ka sa kanya ng maigi.

Bigla siyang napalingon sa akin dahilan para mabilis akong nag-iwas ng tingin at umayos ng upo.. uminit ang buong mukha ko at parang kakatakbo ko lang sa buong palasyo sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Lady Barnie"

Napatingin ako sa isang babaeng kasing edad yata ng aking Inang reyna pero nakuha pa rin niyang sulyapan si Rage at ngumiti ng matamis.

"Kamahalan... tanggapin niyo po ang aking regalong buong puso kong ibinibigay sa'yo.. nagmula pa ang damit na ito sa Bayan ng Plain at ginawa ng pinakamahusay nilang mananahe gamit ang pinaka magandang tela na meron sila"

Yumuko ito, kinuha ng aking tauhan ang kanyang dalang itim na damit isang tingin ay alam ko na agad ang halaga ng regalong iyon, madalas akong nakakatanggap ng mga mamahaling kagamitan, noon ay hindi ko pa maintindihan kung bakit nagsasayang ng mga ganitong bagay ang mga tao para lang ibigay sa mahal na reyna.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago nagsalita.

"Ikinagagalak ko ang iyong regalo Lady Barnie, sabihin mo kung anong nais mo at tutugunan ko sa abot ng aking makakaya"

Ito ang dahilan nun, gusto nilang mapabango ang kanilang pangalan sa Palasyo at makahingi ng pabor mula sa naka upong reyna, napatingin ako kay Prinsipe Reo na naka upo sa unahang parte ng mga panauhin ngumiti siya ng makitang nakatingin ako kaya ngumiti rin ako.

"Maraming salamat Mahal na kamahalan, gusto ko lang masiguro ang kaligtasan ng aking pamilya nakatira kami sa dulo ng lupain ng Palasyo.. at nangangamba ako na makarating sa aming tahanan ang mga bandido na nagnanakaw sa bayan"

Umayos na ako sa pag-upo at tumango, tumingin ako sa taga lalaking taga tala ng mga napag-usapan sa silid na ito naka toon ang kanyang tingin sa papel na nasa kanyang harap at hinihintay ang aking sasabihin tumingin ulit ako kay Lady Barnie

"Kakausapin ko si General Herald at imumungkahing dagdagan ang mga kawal na nagbabantay sa kapaligiran lalo na sa dulo ng lupain ng palasyo.."

"Maraming salamat kamahalan"

Habang paalis si Lady Barnie ay napaisip ako habang ginagala ang tingin sa buong silid at sa mga noble na nandito, lahat sila ay nakatira sa lupain ng Palasyo at nagbabayad ng buwis para sa kanilang kaligtasan.. pero paano ang mga taong naka tira sa bayan?

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon