Ang mga nalalabing araw ay nilaan namin sa paghahanda, tinipon ang lahat ng sandata at kinausap ang mga taong kailangan namin sa labanang ito.
At sa pagsasanay.
Alam kong hindi sapat ang panahon upang maging mahusay kagaya ni Pen o ibang mga Kawal ngunit kahit papaano ay alam kong may laban ako.
Lalo pa at naalala ko ang nangyari..
Sabi ni Pen ay sobrang bilis ng aking galaw na hindi niya masundan at sa isang iglap lang ay tumba na ang aming mga kalaban.
Sinubukan kong ulitin ang nangyari ngunit hindi ko magawa, marahil ay tuwing nakakaramdam lamang ako ng panganib bago ko nagagamit ang kapangyarihang iyon.
Isinantabi ko ang ibang alalahanin kagaya ni Brianna, syaka na kapag natapos na itong lahat.
"Sigurado ka ba Asha?"
Alanganing tanong ni Brianna, nasa loob kami ng aming silid ngayong dalawa hindi ko alam kung nasaan si Dania at Bryan dahil madalas nawawala ang dalawang iyon.
Tumango ako.
Nagtagpo ang tingin namin ni Brianna sa salamin, naka tayo siya sa aking likod at may dalang gunting, nag-aalinlangan pa rin ang kanyang tingin.
Ngumiti ako para ipakitang ayos lang at sigurado ako ngunit ilang sandali pa bago siya bumuntong hininga at nagsimulang gumitan ako kagaya ng nais ko.
"..lahat ng babae ay gagawin ang lahat upang magkaroon ng ganitong buhok tapos gugupitin lang.."
Bulong ni Brianna, imbes mainis sa kanyang mga bulong na halatang kontra sa akin ay ngumisi ako ngayon ay nakakaya na nila akong kontrahin kong hindi sila sang-ayon sa pinapagawa ko.Ibig sabihin hindi na maharlika na kailangan nilang paglingkuran ang turing nila sa akin kundi kalebel nila.
"..iniwan lang ni Kapitan nagpagupit na agad"
Nawala ang namumuo kong ngiti ng marinig yun, bumuntong hininga ako..
"Brianna.. may digmaan tayong pupuntahan sa tingin ko isang sagabal lamang ang mahabang buhok sa laban.. yun ang dahilan kung bakit nais kong putulin mo ang aking buhok"
Sagot ko, ni hindi man lang siya ngumiwi ng sinagot ko ang kanyang bulong.
"Ngunit Asha, matagal pa bago ito tumubo ulit"
"Eh di mabuti.. ibig sabihin kapag tumubo siya ay nagtagumpay ako hindi ba"
Nagtama ulit ang tingin naming dalawa sa salamin, dumaan ang lungkot sa mga mata nito at hindi man lang niya sinubukang itago.
"Mangako ka Asha.. gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang matalo ang Ring Queen.."
Seryosong sabi nito, huminto na siya sa pag gupit at hinihintay nalang ang aking sasabihin ngumiti ako.
"Gagawin ko ang lahat Brianna.. hindi para sa aking sarili kundi para sa buong lupain ng Etheria at lalong lalo na sa inyong mahalaga sa akin dahil kapag nabigo ako alam kong hindi siya titigil hanggat hindi kayo mauubos"
Nakitaan ko ng pagtutol ang mukha ni Brianna ngunit wala siyang sinabi upang kontrahin ako.
"Kung ganun.. kailangan kong siguruhing hindi sasabit ang iyong buhok kapag inatake mo ang Ring Queen"
Pinagpatuloy niya ang pag gupit.
Sumama ako sa karwahe ni Hinder bilang taga silbi, hindi namin kailangan magtago sa mata ng ibang tao kaya mas madali ang naging byahe.

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...