Kabanata 13

32 4 0
                                    


Sa sumunod na araw ay iniwasan kong kausapin si Rage tungkol sa pag punta sa magaganap na pagsasanay, hindi siya papayag at kapag ginamitan ko siya ng ako ang reyna gusto kong wala nang oras para tignan niya ako ng masama.

"Kamahalan.. nasabi ba ni Kapitan sa inyo kung bakit siya nasa bayan kahapon?"

Nag-angat ako ng tingin kay Dania mula sa salamin, may tinatahi siya sa damit ko na napunit sa pagsasanay tinitigan ko siya.

"Hindi.. maaga siyang umalis kahapon"

Hapon palang ay pumalit na si Wellmar sa kanya, kumunot ang noo ni Dania pero hindi siya nagtaas ng tingin at seryos pa rin sa ginagawa.

"Malamang may kinita yung kung sino doon"

Sabat ni Brianna, mula ng nag-usap sila ay kapag nakikita ni Brianna si Rage ay nagsisimula na siyang bumulong ng mga negatibong bagay tungkol dito.

Pero ngayon lang napukaw ang pansin ko sa kanyang mga komento.

"Nakita ko nga siyang pumasok sa isang mamahaling kainan kasama ang isang binibini na tingin ko ay mula sa maharlikang pamilya"

"Kita mo na, may tinatago ngang babae ang taong yun"

Nagpatuloy rin sa paglilinis si Brianna kasabay ng kanyang mga binubulong na hindi ko na marinig, nag-unahang ma buo ang mga ideya sa isip ko.May babae siyang kinikita?

Ganoon ba ka espisyal ang babaeng yun para iwanan niya ang kanyang tungkulin? Kinagat ko ang aking labi at pinigilang magtanong pa ng kung ano-ano..

 Isang besis lang naman niyang ginawang umalis ng mas maaga kaya.. pero maaari rin na tuwing natatapos ang kanyang tungkulin ay pinupuntahan niya ito.. dapat ay wala na akong pakialam sa bagay na iyon pero hindi ko mapigilan ang mga tanong sa isip ko.

Gusto kong malaman kung anong itsura ng babae, kung paano siya ituring ni Rage habang pumapasok sila sa kainan, nagsasabay ba silang kumain?


"..Kamahalan.. marami na ang gustong kumausap sa iyo mula sa mga bayan na apektado ng pag tigil ng kalakal dito sa kaharian"

Imporma ni Sakira sa akin, pinaglalaruan ko ang aking mahabang buhok habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila tungkol sa kani-kanilang tungkulin, kinagat ko ang labi ng oras na ni Lord Orellano na magsalita at talagang nakangiti siya sa akin ng binalitang maayos ang kanyang mga ginagawa.

Masyado akong nagpipigil sa araw na ito, kanina sa tanggapan ay ilang ulit kong pinigilan ang sariling paalisin ang sino man na magtangkang mag reklamo tungkol sa pagtigil ng pangangalakal..

At higit sa lahat, pinipigilan kung lumingon kay Rage

Walang dahilan, talaga lang ayaw ko siyang tignan ng araw na ito hindi iyon makatarungan dahil wala naman akong pakialam kung anong buhay meron siya sa labas ng pagiging kapitan ng aking mga kawal.

Kaya wala akong sasabihin dahil hindi nga iyon makatarungan

"Kakausapin ko sila ano mang oras.. mahigit isang buwan nalang at matatapos na ito siguradong mabubuhay pa rin naman sila"

Tamad kong sagot. Iniisip ko ang susunod na gagawin..

Mag sasanay kami ngayon sa labas ng silid, gagamit na ako ng pana kaya lahat sila ay sa labas din magsasanay hindi ako magaling sa mga sandata kaya sana magawa ko ito ng maayos.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na may tatamaan sa patalim kapag umaatake.

Kung pana ang gamit hindi ko kailangan maramdaman ang pagtama ng patalim sa mismong katawan ng biktima kaya baka magawa ko yun.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon